LETO, ASTERIA: Second Generation Titans

639 17 2
                                    

LETO

Image source: The Birth of Apollo and Artemis - Marcantonio Franceschini (1648-1729) - PD-art-100

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: The Birth of Apollo and Artemis - Marcantonio Franceschini (1648-1729) - PD-art-100

Si Leto ay anak ng unang henerasyon ng mga titanong sina Coeus-ang kauna-unahang Titanong Diyos ng Propesiya, at ng titanang si Phoebe-ang Titanang Diyosa ng Kaningningan at Propesiya.

Si Leto ay Diyosa ng Kabaitan at Kayumian (Goddess of Kindness and Modesty). Nang isilang niya ang kambal niyang anak na sina Artemis at Apollo siya ay naging isang Goddess of Motherhood and Protector of the Young.

Si Leto rin ay tinaguriang "the unseen" sapagkat ang kanyang katangian ay isang napakamahinhin na diyosa. Siya rin ay laging nakasuot ng talukbong. Ngunit ang nakakubli niyang kagandahan ay napansin parin ng diyos na si Zeus, kung kaya't si Zeus ay agad na nahulog ang loob sa diyosang si Leto.

LETO AFTER TITANOMACHY:
Gaya ng mga pinsan niyang sina Helios, Selene, Eos ay naging neutral lamang si Leto. Bagkus ay ginawa siyang isa sa mga mistress ni Zeus.

LETO, ZEUS, HERA AND THE BIRTH OF ARTEMIS AND APOLLO:

Image source: The Birth of Artemis and Apollo upon Delos - Workshop of Giulio Romano - 1530-1540 - PD-art-100

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: The Birth of Artemis and Apollo upon Delos - Workshop of Giulio Romano - 1530-1540 - PD-art-100

Dahil sa angking kagandahan ni Leto ay biglang napaibig sa kanya ang diyos na si Zeus kahit na alam niyang may asawa siya ay nagpadala pa rin ang diyos sa kanyang nararamdaman para kay Leto. Nagpursige at inakit ni Zeus si Leto upang makuha ang dapat niyang makuha sa diyosa. Walang magawa si Leto sapagkat siya ay hamak na mahinhing diyosa lamang kumpara kay Zeus na isang makapanyarihang diyos ng sangkatauhan. At dahil sa nangyari ay tiyak na nabuntis ang diyosang si Leto.

Nang malaman ni Hera ang pagbubuntis ni Leto at ang ama ay si Zeus, ay naging malupit si Hera kay Leto. Sa sobrang selos at galit ni Hera ay binantaan niya ang lahat ng lupain at katubigan na walang dapat na magbibigay ng santuwaryo sa panganganak ni Leto. Para ma pigilan ang panganganak ni Leto, ay nilukob ng ulap ni Hera ang buong mundo para hindi makita at malaman ni Eileithyia-ang Diyosa ng Panganganak, na may kailangang manganganak. Bukod pa dun ay patuloy pading ginulo ni Hera si Leto, pinadala ni Hera ang Python-isang uri ng serpento na halimaw, upang habulin ng halimaw si Leto. Sa kabila ng masakit at pagdamdam ng panganganak ni Leto ay patuloy pa rin siya sa pagtakbo upang hindi siya makain ng Python.

GREEK MYTHOLOGY: Minor DeitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon