THE NYMPHS

247 9 2
                                    

Image source: The Pleiades, by Elihu Vedder

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: The Pleiades, by Elihu Vedder

Ang mga Nymphs o sa tagalog ay diwata, ay ang mga female spirit of the nature. Sila man ay mas mababa kaysa sa mga diyos, sila ay palaging iniimbita ng mga diyos sa anomang mga pagdiriwang at okasyon. Ang mga nymphs ay hindi tumatanda, ngunit kadalasan sa kanila ay hindi rin imortal. Ang mga buhay ng ibang mga nymphs ay nakadepende sa kanilang pinapangalagaan na kalikasan, sapagkat ito ay konektado sa kanilang buhay. Kagaya na lamang ng dryads—sila ay ang mga diwata ng puno. Kung nais ng mga dryads na lumipat ng malilipatang lugar ay kasama nilang lumilisan ang kanilang puno, at kung puputulin naman ang kanilang puno sila ay tiyak na namamatay rin.

Ang mga nymphs ay kapag sila ay nakipagtalik sa mga diyos ang kanilang magiging anak ay isang imortal, isang halimbawa na rito ang Pleiades—nymph ng kabundukan, na si Maia siya ay nagkipagtalik kay Zeus at dito nabuo ang diyos na si Hermes. At kapag ang mga nymphs naman ay nakipag-asawa sa mortal ay tiyak na mortal din ang kanilang anak, kagaya na lamang sa Neireid—nymph ng Mediterranean Sea, na si Thetis siya ay asawa ng mortal na si Peleus at ang naging anak nila ay ang sikat na bayaning si Achilles.

Ang mga nymphs din ay karaniwang katulong o kasama ng mga diyos, kaya naman ang kanilang pag-iral ay isang napaka-importante sa Greek Mythology. Kung ang nymphs ay ang female nature spirits ang kanilang male counterpart naman ay ang mga potamoi (river gods), at satyrs.

Sa unang panahon, bagama't wala silang mga templo o shrine na dedikado sa kanila, sila pa rin ay inaalayan ng mga tao ng gatas, langis, at tinapay sa mga kweba at groto.

Maraming klase ang mga nymphs o diwata sa Greek Mythology. Ito ay naka-classified sa Water Nymphs, Trees and Plants Nymphs, Land Nymphs, Celestial Nymphs, at ibp.

◇◇◇◇
WATER NYMPHS

Image source: The Naiads, by John William Waterhouse, 1896

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: The Naiads, by John William Waterhouse, 1896

OCEANIDS:
Ang Oceanids ay ang mga nymphs ng karagatan at salty waters. Sila ay ang anak ng mga unang titanong sina Oceanus at Tethys. Ang mga Oceanids ay ang personipikasyon ng singaw ng karagatan na lumilitaw kapag tag-init lalong-lalo na kapag sunsets. Karaniwang inilalarawan ang Oceanids na mga babaeng may maulap at shadowy ang katawan, na kasabay dito ang kaaya-aya nilang pagkilos ng kanilang anyo. Sila ay nakadamit ng pale blue na bestida na gawa sa manipis na tela. Isa sa mga sikat na Oceanid ay si Metis ang ina ng diyosang si Athena at unang asawa ni Zeus.

GREEK MYTHOLOGY: Minor DeitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon