Bago pa man dumating si Hermes ay may nauna ng naging mensahero ng Olympian Gods. Ito ay ang kambal na sina Arke at Iris. Nguni't paano mas naging tanyag at kilala si Iris kumpara kay Arke? At bakit sila pinalitan ni Hermes sa pagiging mensahero?
◇◇◇◇
ARKE
Image source: pinterest
Si Arke o Arce ay anak nina Thaumas-Ancient God of Sea Wonders, at ng Oceanid na si Electra. Ang kanyang mga kapatid ay ang kambal niyang si Iris, at ang mga harpies.
Nanggaling man sina Arke at Iris sa Sea Divinities, ay pinatawag silang kambal ni Zeus sa Mount Olympus upang maging personal na mensahero ng mga Olympian Gods. Dito ay binigyan sila ni Zeus ng mga pakpak upang mabilis silang makapagbigay ng mga mensahe sa iba't ibang dibinidad. Sinasabing ang pakpak ni Arke ay isang iridescent-na ang ibig sabihin ay kumikinang ang iba't ibang kulay kung titignan ito sa iba't ibang anggulo. Ang mga pakpak din ng kambal ang nagbibigay kakayahan sa kanilang lumipad hanggang sa kinailaliman ng dagat at hanggang sa dulo ng Underworld.
Bukod sa pagiging mensahero, si Arke ay isang Goddess of Faded Rainbow. Sa tuwing sila ay lumilipad ni Iris ay gumuguhit ang isang napakamagandang bahaghari sa anomang lugar na madaanan nila. Naunang lumilipad si Iris kaya naman sa tuwing tayo ay makakakita ng bahaghari ay napakaliwanag nito, nguni't kalaunan ay kumukupas ang kulay nito dahil umano sa pagdaan ni Arke.
ARKE DURING TITANOMACHY:
Noong dati si Arke ay katulad ni Iris isang mabuti at maawaing diyosa. Subali't dumating ang araw na palagi siyang kinukumpara sa kaniyang kambal, kaya kalaunan si Arke ay naging isang makasarili at malupit. Trinaydor niya ang mga Olympian Gods pagkatapos ay sumanib siya sa mga Titans, at buong-puso niyang pinagmamalaki ito. Sa Mount Orthys-kung saan nakatira ang mga titano, ay ginawa ni Cronus si Arke bilang personal na mensahero ng mga Titano.Nang matalo ng mga Olympian Gods ang mga Titans ay pinarusahan ni Zeus si Arke. Pinutol ni Zeus ang mga pakpak ng diyosa at gaya ng mga Titano, siya rin ay kinulong sa Tartarus.
Sinasabing ang mga pakpak umano ni Arke ay niregalo ni Zeus sa kasal nina Peleus at Thetis—mga magulang ng bayaning si Achilles. Ang pakpak ding ito ay kalaunang binigay ni Thetis sa kanyang anak na si Achilles. Kaya minsan si Achilles ay tinatawag ding Achilles Podarces o "swift-footed" (na ang ibig sabihin ng 'pod' ay foot, at arces ay galing sa pangalan ng diyosang si Arce.)
◇◇◇◇
IRIS
Image source: pinterest
Si Iris ay isa pang anak nina Thaumas at Electra, at kakambal ni Arke.
Katulad ni Arke siya rin ay isang mensahero ng mga diyos. Kahit na trinaydor ng kambal niya ang mga Olympians ay si Iris ay mas pinili parin niyang maging tapat dito. Kung si Arke ay Diyosa ng Kupas na Bahaghari, si Iris naman ang Diyosa ng Maliwanag na Bahaghari.
Maliban sa pagiging mensahero at Diyosa ng Bahaghari, siya rin ang diyosang nag-iigib ng tubig sa Ilog ng Styx. Ang dahilan nito ay pinapainom niya ito sa mga tao o diyos man na hindi tumutupad sa kanilang mga pangako (ang mga pangakong tinutukoy dito ay ang mga pangakong sinelyuhan sa pangalan ng diyosang si Styx)-na kung sino man ang makakainom nito ay mawawala ang kanilang boses ng pitong taon. Si Styx ay ang Diyosa ng Sagradong Pangako at kung sino man ang nangakong may selyo ng kaniyang pangalan ay nangangahulugang seryoso siya sa kanilang pangako, at kinakailangan nilang tuparin ang pangakong iyon dahil ang hindi pagtupad ay isang bahid ng dumi ito sa pangalan ng diyosa bukod pa rito ay may parusang nakahintay sa mga lumalabag dito.
Si Iris ay inilalarawang napaka magandang babae na may banayad na ekspresyon sa mukha. Siya ay may pakpak at nakasuot ng kulay bahaghari na bestida. Ang kaniyang pakpak ay makikinang at kulay ginto, sinasabing masyado itong maliwanag at tuwing siya ay pumupunta sa Underworld ay lumiliwanag ang parte kung nasaan siya naroroon. Kaya niya ring lumipad ng singbilis ng hangin kapag siya ay naglalakbay sa iba't ibang lugar. Ang bahagharing nabibigay ni Iris ay ang isang malinaw na pagkakaugnay ng kalangitan sa mundo, kung saan ito ay sinasabing link of communication from heaven to earth.
Nang pinangalanan ni Zeus si Hermes bilang mensahero ng Greek Pantheon, ay naging personal na mensahero si Iris sa diyosang si Hera.
Si Iris ay kasado kay Zephyrus-isang Anemoi o Wind God, partikular na God of West Wind. Sa kanilang union ay nabuo si,
Pothos -God of Passion.IRIS IN TROJAN WAR:
Si Iris ay ilang beses ding nabanggit ng makatang si Homer sa kanyang mahabang tula na Iliad o mas kilala nating Trojan War. Isang kapansin-pansin dito ay ang pagtulong ni Iris kay Aphrodite.Image source: Venus, supported by Iris, complaining to Mars by George Hayter (1792-1871)
Noong nagsimula na ang labanan ng Troy laban sa Griyego, ay ang bayaning anak ni Aphrodite na si Aeneas ay isang kakampi ng Troy. Dahil sa pangamba ni Aphrodite sa kaniyang anak ay binalak niya itong itakas, ngunit ng makita siya ng Griyegong bayani na si Diomedes ay agresibong sinugatan ito ang diyosa. Agad namang kinuha ni Iris si Aphrodite at hinatid ito sa Mount Olympus.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
NonfiksiSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...