Image source: Peitho and Eros depicted in the Roman fresco dated from circa 25 BC
Siya ay kinikilalang anak ni Aphrodite, subali't hindi klaro kung sino ang kaniyang ama.
Si Peitho ay ang Diyosa ng Pang-aakit at Panghihikayat (persuasion). Karaniwang makikita si Peitho kasama si Aphrodite at siya ay tinuturing na isa sa mga companion ng Diyosa ng Pag-ibig.
Para sa kultura ng Griyego ang Pag-ibig at Panghihimok ay napaka importante. Sapagkat ang panghihimok ang unang hakbang upang mapaibig o makuha ang isang tao. Bagama't isa sa mga importante sa Griyego ang panghihimok at pang-aakit, ang diyosang si Peitho ay isang minor goddess lamang.
Sinasabing si Peitho ay isang asawa ng diyos na si Hermes, nguni't wala ni isang kwento ng kanilang pag-iibigan ang namalagi sa panahon natin ngayon.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...