Image source: The Triumph of Amphitrite, by Hughes Taraval (1780)
Si Amphitrite ay kabilang sa mga diyosa ng Ancient Greek Pantheon, nguni't nung naging asawa niya ang isa sa mga Olympian God na si Poseidon ay siya ay naging kabilang sa Olympian Greek Pantheon at ang dating diwata ng dagat ay naging Reyna ng Karagatan.
Si Amphitrite ay isang Nereid-siya ay kabilang at panganay sa limampung (50) mga Nereids na anak ng Gentle Sea God at tinaguriang "Old man of the Sea" na si Nereus. Ang kaniyang ina naman ay si Doris-na isa sa mga tatlong libung Oceanids. Noong dati siya ay nakatira sa kinailaliman ng Aegean Sea, kasama ang amang si Nereus.
Karaniwang inilalarawan si Amphitrite na may korona na may disenyo ng sipit ng alimango. Siya ay naturang mabait na diyosa lalo na sa mga Sea Deities. Bukod pa dito, siya rin ay may mahabang pasensya kung kaya't bihira lang siyang nakikitang magalit. Hindi katulad ng mga ibang diyosa, si Amphitrite ay mabait sa mga bastardong anak ni Poseidon. Isang halimbawa na rito ang mabuting pakikitungo niya kay Theseus, nung bumisita ito sa kanilang palasyo. Binigyan ni Amphitrite si Theseus ng isang purple cloak-simbolo ng pagiging isang hari.
Sinasabing ang mga Oceanids at Nereids ay magagandang diwata ng dagat, ngunit si Amphitrite umano ang pinakamaganda sa lahat ng water nymph sa buong Greek Mythology. Kaya naman walang duda kung bakit siya ang pinili ni Poseidon na maging kabiyak nito.
POSEIDON SET HIS EYES UPON AMPHITRITE:
Image source: Neptune and Amphitrite, by Paris Bordone (1560)
Matapos ang digmaang Titanomakya ay pinalitan ni Poseidon ang dating namuno sa karagatan na ang titanong si Oceanus. Pinayagan pa rin ni Poseidon ang mga nereids at ibang sea divinities na patuloy pa rin ang pagganap sa kanilang mga tungkulin, mananatili pa rin sila sa korte ng palasyo, at kung sinoman ang magtatangkang insultuhin sila ay po-protektahan sila ng bagong haring si Poseidon. Bagama't ang mga nereids ay buong pusong nagpapasalamat sa diyos at nakahandang magpakasal dito kung sila ay pipiliin. Subali't ang gusto ni Poseidon ay ang nereid na si Amphitrite, taos-pusong nagpapasalamat si Amphirite kay Poseidon ngunit hindi niya matatanggap ang diyos bilang isang kabiyak.
Nagsimula ang pagkagusto ni Poseidon kay Amphitrite ng makita niyang sumayaw ang diyosa kasama ang mga kapatid nito, sa panahong ito ay nabatid na ng diyos na nahanap na niya ang magiging reyna niya.
Nguni't sa kasamaang palad si Amphitrite ay hindi interesado magkaroon ng asawang diyos. Iniiwasan ng diyosa na maugnay siya sa mga diyos dahil sa mga naririnig niyang mga kwento kung paano tinatrato ng ibang diyos ang kanilang mga asawa, at ayaw ni Amphitrite na maging ganoon ang kaniyang kapalaran. Gayunpaman, lahat ng pwedeng gawin ng diyos ay ginawa niya upang makuha niya si Amphitrite, ngunit ang diyosa ay paulit-ulit niya itong tinanggihan.
Sa huli, ay hindi nakatiis si Amphitrite at lumangoy ito papalayo sa palasyo pagkatapos ay nagtago siya sa dagat malapit sa Atlas Mountains, dahilan kung bakit nakaranas ng matinding depresyon si Poseidon-kung saan ang depresyong ito ang nagresulta sa pagsira ng iba't ibang nilalang ng karagatan. Nguni't hindi sumuko si Poseidon at inutusan niya si Delphin-ang Diyos ng mga Dolphins na hanapin at tulungan siyang mabawi si Amphitrite.
Image source: recordonline.com
Ang matalino at maamong dolphin ay nagsimula sa kaniyang misyon. Ilang linggo rin ang lumipas bago niya nahanap ang diyosa. Si Delphin ay isang kaibig-ibig na nilalang kung kaya ay nagpakita si Amphitrite at nakinig siya sa mga sinasabi nito. Pinaliwanag ni Delphin na ang katatagan ng diyosa ay bumabalanse sa pagiging sumpungin ni Poseidon, at kapag silang dalawa ay nagpakasal ay tiyak na may pagkakaisa sa dagat at kasiyahan sa lahat. Nagtagumpay si Delphin at nakumbinsi niya si Amphitrite na magpakasal kay Poseidon. Bilang pabuya, ay pinuwesto ng diyos ang larawan ni Delphin sa langit, bilang konstelasyong Delphinus.
Image source: Amphitrite and Poseidon on a Sea Cart, by Bon Boullogne (1649-1717)
Sinasabi na ang kasal nina Poseidon at Amphitrite ang pinaka engrande at marangyang pagdaraos na nangyari sa buong karagatan. Ito ay dinaluhan ng mga iba't ibang diyos at diyosa, mga halimaw ng dagat, at ng mga apatnapu't siyam na kapatid ni Amphitrite.
Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng maraming anak ilan na dito ay sina,
Triton, isang merman at personal na mensahero ni Poseidon.
Rhode o Rhoda, isang diwata sa lugar ng Rhodes.
Benthesicyme, Diyosa ng Alon.
Kymopoleia, Diyosa ng Bagyo at violent sea.
At ang mga bagong Cyclopes.
Mahal na mahal ni Amphitrite ang lahat ng kaniyang anak. Subali't wala sa kanila ni Poseidon ang nagbibigay halaga kay Kymopoleia dahil sa pagiging magulong katangian nito.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
No FicciónSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...