HECATE
Image Source: playbuz.com
Si Hecate o Hekate ay ang nag-iisang anak ng mga titanong sina Perses at Asteria. Siya ay Diyosa ng Pangkukulam (witchcraft), Mahika (magic), Daang-Pasukan (entrance-ways), Salubungan ng Daan (crossroads), Nigromansiya (necromancy), Panggagaway (sorcery), at Diyosa ng Buwan.
Sinasabing ang kanyang kapangyarihan umano ay lumalampas sa mundo, impyerno, at kalangitan kung kaya't ito ang dahilan kung bakit ang kanyang anyo ay tinaguriang Triple Divinity-na ang ibig sabihin ay may tatlo siyang babaeng katawan, lahat marikit, at lahat magkakasama. Siya ay inilalarawan din na isang matangkad na babae na may hawak-hawak na torch, ispada, at susi-ang susing ito ay katulad sa susi ni Hades kung saan ito ang magbubukas ng mga tarangkahan sa iba't ibang realms. Siya rin ay sinasabing may kayang maging isang mabait at maging isang napakamasamang dibinidad.
Si Hecate ay naging tanyag dahil sa pagtulong niya sa diyosang si Demeter na hanapin si Persephone noong dinukot ito ni Hades. Nang naging mag-asawa sina Persephone at Hades ay naging attendant o tapat na tagapaglingkod si Hecate kay Persephone.
Bago paman namuno ang mga Olympian Gods sa mundo at bago pa namuno si Hades sa Erebos o Underworld si Hecate ay pinaniwalaang siya ay nakatira sa Erebos. Kung saan ang lugar na iyon ay kapoot-poot, madilim, at malungkot kaya ito ay naging kaugalian at naging katangian niya. Dito ay natutunan niya ang witchcraft, gumamit ng enchantments, at manatili sa mga liblib na lugar at mga libingan.
Ang templo raw ni Hecate ay pinupwesto sa mga entrances ng mga bahay o siyudad dahil naniniwala ang mga Griyego na poprotektahan sila ng diyosa laban sa mga masasamang espiritu na gumagala sa mundo.
HECATE AS MOON GODDESS:
Ayon sa mga Ancient Greeks si Hecate ay hindi gaanong Diyosa ng Buwan datapwa't siya ay kaugnay lamang sa buwan. Dahil ayon sa kanila ang kapangyarihan ni Hecate ay mas lalong lumalakas kapag malalim ang gabi at maliwanag ang buwan. Meron din nagsasabi na makukuha mo ang pabor ng diyosa kapag nagbigay ka ng handog sa gabi ng "dark moon". Ang dark moon umano ay nagsisimula sa unang gabi ng buwan o month. Sa gabi rin siya naglilibot kaya siya ang dahilan kung bakit sa gabi ay maraming mga espiritu ang magpahangad ng masama. Ito rin daw ang dahilan kung bakit ang diyosa ay palaging may hawak-hawak na torch.Ngunit si Hecate ay naging Diyosa ng Buwan lamang sapagkat siya ay sinasamba ng mga Thracians bilang diyosa ng buwan. Kaya sa madaling salita ang Greek Mythology ay may tatlong diyosa ng buwan kabilang na dito sina Selene at Artemis.
◇◇◇◇
CIRCE
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...