Image source: Hans Thoma - Night [presumably Nyx with Hypnos and Thanatos]
Kung sa Olympus ay may twin Gods na sina Artemis at Apollo, hindi rin papahuli ang Underworld. Ang twin gods na ito ay ang anak ng primordial goddess of the night na si Nyx ito ay sina, Hypnos at Thanatos.
Image source: Hypnos and Thanatos, by John William Waterhouse (1849-1917)
Sina Thanatos at Hypnos ay parehong nakatira sa palasyo nila sa Underworld. Kakambal man sila subali't magka-iba ang reaksyon sa kanila sa tuwing lumilitaw sila sa paningin ng mga tao. Si Thanatos ay kinakatakutan at kinamumuhian ng lahat ng mga tao samantalang ang kaniyang kambal na si Hypnos ay minamahal at taos-puso siyang sinasalubong ng sangkatauhan.
◇◇◇◇
HYPNOS
Image source: pinterest
Si Hypnos ay ang God of Sleep at personipikasyon ng pagtulog, siya ay ang anak ni Nyx, nguni't hindi klaro kung sino ang kaniyang ama. Siya ang bunso na kambal ni Thanatos.
Sa panahon natin ngayon ay ginagamit pa ring root-word ang kaniyang pangalang 'hypno' sa english language, at syempre ang mga salitang ito ay may kaugnayan sa pagtulog isang halimbawa na lamang ng hypnosis at hypnotic.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...