Ang pangalan ng 12 Zodiac Signs ay orihinal na nanggaling sa isang Latin word, sapagkat ito ay kinuha noong Roman period, mahigit 2000 taon na ang nakalipas. Noong unang panahon ay pinagpatuloy lamang ng mga Romano ang mga ginagawa ng mga Griyegong Astronomers.
Sa likod ng mga pangalang Latin ng Zodiac Sign ay may nakaugnay na mga kwento, at sabi-sabi na nakahango sa Mitolohiya ng Griyego.
ARIES
Image source: drop.com
Ang Aries o sa ingles ay ang ‘the ram’, ito ay ang nangunguna sa 12 na Zodiac Sign. Ang kwento nito ay nagmula sa Golden Ram matapos itong pinatay at inalay ay ginawa itong konstelasyong aries.
Ang Golden Ram ay anak nina Poseidon at ni Theopane. Ito ay may abilidad na makapagsalita, at makalipad. Siya ay inutusan ng diwatang si Nephele na iligtas ang mga anak niyang sina Phrixus at Helle sa kamay ng abusado nilang madrasta na si Ino.
Nilipad at nilayo ng Golden Ram ang dalawang mag kapatid nguni’t sa kasamaang palad ay hindi nakatagal si Helle at nahulog ito dahilan kung bakit siya namatay. Ang lugar ng kaniyang hinulugan ay pinangalanang Hellespont.
Ligtas namang naihatid ng Golden Ram si Phrixus sa lugar ng Colchis, ipinahayag ng Golden Ram na kailangang isakripisyo at ialay ni Phrixus sa diyos ang kaniyang sarili, kaya siya ay inalay ni Phrixus sa mga diyos at ang balat naman ng Golden Ram ay nananatili sa Colchis, na kilalang-kilala bilang ‘Golden Fleece’ ito ay nawala lang sa Colchis noong kinuha ito ng bayaning si Jason. Upang maalala ang kabaitan ng Golden Ram ay inilagay siya ng mga diyos sa kalangitan bilang konstelasyong Aries.
TAURUS
Image source: drop.com
Ang Taurus o sa ingles ay ang ‘The Bull’, sa Greek Mythology ito ay nauugnay sa kwento ng Cretan Bull.
Ang Cretan Bull ay ang isang toro na binigay ni Poseidon kay Minos sa Crete ipang isakripisyo ng hari sa diyos bilang pagbibigay-puri nito. Nguni’t hindi ito inalay ni Minos bagkus ay tinago niya ang nasabing toro. Ito ang dahilan ng pagkagalit ni Poseidon at dito nabuo ang Minotaur.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...