Image source: Les Trois Grâces, by C. Van Loo
Ang mga Charites o sa ingles ay Graces ay ang mga minor Goddesses of Charm, Beauty, and Fertility. Lahat ng mga mayuming katangian na nagbibigay ganda at dalisay sa pamumuhay ng mga tao ay binigyang katauhan ng mga Griyego ito ay ang tatlong magkakapatid na sina Thalia, Aglaia, at Euphrosyne, sila ay anak nina Zeus at ng isang Oceanid na si Eurynome, at silang tatlo ay tinatawag na Charites o ang Graces.
Sila ay palaging makikita at companion ng diyosang si Aphrodite. Paminsan-minsan din ay sila ang nagdadala ng mga instromentong musikal ni Apollo, sa tuwing ang diyos ay magtatanghal sa Mount Olympus.
Ang mga Graces ay may batang anyo, sila ay magaganda, at balingkinitan. Sila ay sinasabing pawang mga nakahubad na mga diyosa o di kaya ay kung may saplot naman ay sila ay nakasuot ng transparent na bestida na gawa sa manipis na tela. Sila ay ang lumalarawan sa pagbibigay ng isang banayad na emosyon kung saan ito ang nagreresulta ng pagiging palakaibigan, kabaitan, at ito ay pinaniniwalaang pundasyon ng mabuting-kalooban, kayumian, naturang kagandahan, inosenteng kagalakan, at kadalisayan ng pag-iisip.
Hindi lamang sila ang nagmamay-ari ng mga katangiang iyan sapagkat ito rin ay pinagkakaloob o inireregalo rin ito nila sa iba. Lahat ng kasiyahan ay kanilang pinapalawig, sapagkat ang ganiyang mga okasyon ay kulang kung wala ang kanilang presensya. At kung saan man ang katuwaan, at pagdaraos ay dapat palagi silang dumadalo.
Ang kagalingan sa pagsasalita, musika, sining, at mga tula, bagama’t ito ay direktong gawain ng mga Muses, ay kaya rin itong gawin ng mga Graces upang dagdag kabinihan sa kanilang pagkadiyosa. Ito rin ang dahilan kung bakit sila ay kinikilalang pinaka-kaibigan ng mga Muses.
THALIA
Image source: Thalia, by Agustus Jules Bouvier
Si Thalia ay ang panganay sa tatlong Graces. Siya ay ang Goddess of Festivity and Banquets. Sa mga pagdaraos o pagdiriwang ay siya ang nagbibigay payabong nito.
EUPHROSYNE
Image source: Euphrosyne, by Agustus Jules Bouvier
Si Euphrosyne ay ang Goddess of Good Cheer, Joy, and Mirth (tawanan). Siya ang nakatoka sa bawa’t tawanan at kasiyahan sa buong daigdig.
AGLAIA
Image source: Aglaia, by Agustus Jules Bouvier
Si Aglaia ay ang bunso sa magkakapatid na Graces. Siya ay ang Goddess of Beauty, Splendor, Glory, Magnificence, and Adornment.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...