Image source: Apollo, Mnemosyne, and the Nine Muses, by Anton Raphael, 1761
Ang Muses ay ang tinaguriang inspirational Goddesses of Arts, Literature, and Science sa Greek Mythology. Sila ang pinagmulan at nagbigay kaalaman sa tao ng tula, mga awit, at kwento. Sila ay anak nina Zeus at ng Titana ng Memorya na si Mnemosyne.
Ang mga Muses ay lubos na pinaparangalan ng mga mortal at kahit ng mga imortal na diyos man. Sinasabing sila ay parating kasama ng diyos na si Apollo, at itinuturing nilang lider ang diyos sa anomang pagtatanghal ang kanilang dinadaluhan. Sa Olympus, sinasabing walang pagdiriwang o piging ang tinuturing na kompleto kung wala ang presensya ng mga Muses. Sa mundo ng mga tao naman walang selebrasyon ang nangyayari kung walang likidong nakaalay sa mga Muses, ito ay sinasabing kinakailangan mag-alay ang mga tao ng likido para sa Muses upang tulungan sila ng mga diyosa na maging kasiya-siya ang anomang pagdiriwang ng mga tao.
Pinagkakalooban nila ang mga paborito nilang tao ng kanilang kapangyarihan, isa na rito ang pagbibigay nila ng kahusayan sa pagsasalita ang isang mananalumpati, pinupukaw nila ang mga makata ng matayog na saloobin, at nireregaluhan nila ng kalugod-lugod na armonya ang mga musikero.
Gaya ng ibang mga diyos sila rin ay nagbibigay parusa sa mga taong mapagmataas at kinukumpara ang kanilang abilidad sa mga tao. Isa na rito ang kwento ni Thamyris—isang bard sa lugar ng Thrace, ipinagmamalaki niya ang kaniyang abilidad sa pagkanta at upang mapatunayan ito ay hinamon niya ang mga Muses sa isang singing contest. Sa huli, ay walang alinlangang nanalo ang mga Muses at bilang parusa nila kay Thamyris dahil sa paghamon sa mga diyosa, ay binulag nila ito at binawi ang magandang boses ng mortal. Ang kwento rin ng mga anak na babae ni Haring Pierus ang nauugnay sa mga Muses. Ang mga anak ni Pierus ay tinatawag na Pierides, sila ay naging mapagmataas dahil sa angkin nilang pagtamo ng kawastuan at kahusayan sa pagkanta at ito ang nag udyok ng pagkukumpara nila sa kanilang sarili sa mga Muses. Gaya ni Thamyris, ang Pierides ay hinamon ang mga Muses sa isang paligsahan ng pagkanta, at ang paligsahang ito ay naganap sa Mount Helicon. Sinasabing noong nagsimulang kumanta ang mga Pierides ang kalangitan ay naging makulimlim at maulap, subali’t nang iparinig ng mga Muses ang kanilang makalangit na boses ang paligid ay nagsimulang magdiwang at lumiwanag, ang buong Mount Helicon ay binalot ng kasiyahan. Syempre ang resulta ay natalo ang Pierides at bilang parusa ng mga Muses sa kanila, ay ginawa ng mga diyosa ang mga prinsesa na isang mga chirping birds.
Ang mga Muses ay binubuo ng siyam na mga diyosa ito sina Calliope, Clio, Melpomene, Thalia, Polyhymnia, Terpisichore, Urania, Euterpe, at Erato.
CALLIOPE
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...