Maraming naging anak sina Poseidon at Amphitrite, subali’t sa chapter na ito ay atin lamang makikilala ang mga sikat at kilalang-anak nila.
◇◇◇◇
TRITON
Image source: pinterest
Si Triton ay anak nina Amphitrite at Poseidon, siya ay sinasabing naninirahan sa gintong palasyo ng kaniyang ama sa ilalim ng Aegean Sea.
Kung si Hermes ay ang pangkalahatang mensahero ng diyos, si Iris ay personal na mensahero ni Hera, si Triton naman ay ang personal na mensahero ni Poseidon. Bilang mensahero ni Poseidon, si Triton ay sumasakay sa isang hippocampus—ito ay isang water-creature na katulad ng isang sea-horse nguni’t ito ay mas malaki at mas maganda kumpara dito, ito ay para mas madaling maipadala ni Triton ang mga mensahe ng Diyos ng Karagatan sa iba’t ibang lugar ng dagat.
Si Triton ay karaniwang inilalarawan na isang merman—kung saan ang mataas na parte ng kaniyang katawan ay isang matipuno na lalaki at sa ilalalim ng parte naman ng kaniyang katawan ay may buntot na katulad ng sa isda. May hawak-hawak din siyang trident nguni’t mas maliit ito kung ikukumpara sa trident ng kaniyang ama. Minsan ay may bitbit din siyang twisted conch shell, na kapag hinihipan niya ito ay magiging kalamado o di kaya ay magdidiliryo ang alon ng dagat.
PALLAS, DAUGHTER OF TRITON:
Image source: Percy Jackson and the Greek Gods—Athena, by Rick Riordan
Matapos maisilang ang diyosang si Athena na nakasuot ng full armor galing sa noo ni Zeus ay pumunta siya sa ilalim ng dagat at naging foster parent niya ang kaniyang nakakatandang pinsang si Triton. Pinalaki ni Triton si Athena kasama ang anak niyang si Pallas, at habang lumalaki sila ay tinuturuan din sila ni Triton ng kasanayan sa pakikidigma.
Sa tuwing itinatanghal ang athlestic’s festival, si Pallas at Athena ay naglalaban gamit ang isang spear, ang kanilang paglalaban ay isang friendly mock battle lamang. Sa labanang ito ay kung sino ang unang makakadis-arma sa kanilang dalawa ay tatanghaling panalo. Sa umpisa ng laban ay makikitang nangunguna si Athena, nguni’t kalaunan ay nahigitan siya ni Pallas. Bago pa man manalo si Pallas ay patagong nakialam si Zeus, dahil sa takot ni Zeus na matalo ang anak niyang si Athena ay ginulo niya ang isip ni Pallas gamit ang Aegis ay sinilaw niya ang paningin ni Pallas. Hindi nakakilos si Pallas sapagka’t siya ay distracted at dahil doon ay aksidente siyang nasaksak ni Athena, dahilan kung bakit namatay ang anak ni Triton.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...