ATLAS
Si Atlas ang isa sa mga sikat na pigura sa Mitolohiya ng Griyego at ang isa sa mga imahe niya ay ang pagbuhat niya ng mundo. Ngunit ano nga ba ang dahilan at kwento niya?
Image source: Atlas, by howard david johnson
Si Atlas ay isang Greek God pero hindi siya kasali sa kilala nating Olympian Gods sapagkat, si Atlas ay isang Second Generation Titan. Siya ay anak ng mga titanong sina; Iapetus−ang Titan God of Craftsmanship and Mortality, at si Clymene−isang Oceanid na anak ng mga titanong sina Oceanus at Tethys.
Ang naging asawa ni Atlas ay ang kapatid ng kanyang ina na si, Pleione at ang mga naging anak nila ay sina/ang:
Pleiades (The Seven Beautiful Mountain Nymphs and Companion of Artemis)
Hyas (God of Seasonal Rains)
Hyades (Nymph of the Rain)
Hesperides (The Nymphs of Evening and Golden Light of Sunsets)
Calypso (Nymph of Ogygia Island)ATLAS IN TITANOMACHY:
Image source: Atlas and the Celestial Globe - Guercino (1591-1666) - PD-art-100
Si Atlas ay ang Diyos ng Paglalayag (Navigation) noong panahon ng Titan Era. Siya rin ang pinaka malakas at matapang na titano. Sinasabing ang kanyang lakas ay ang pinagsamang lakas ng kanyang ama at ng ibang titano. Sa ganito niya ring katangian ang nagpadala sa kanya ng katanyagan.
Noong panahon ng digmaang Titanomakya ay kumampi si Atlas sa panig ng mga Titans, sinasabi rin daw na kumampi lamang si Atlas sa mga titano dahil sa pagpupumulit ng kanyang amang si Iapetus at ang kapatid niyang si Menoetius. Dahil sa angking lakas ni Atlas ay ginawa siyang Battlefield Leader ni Cronus. Ngunit ang kinalabasan ng digmaang ay hindi mapipigilan. Sa kabila ng pagpanig ng napakalakas na si Atlas, ay sa huli ang mga Titano ay natalo pa rin ng mga Olympian.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...