Image source: Horae Serenae, by Sir. E. J. Poynter
Ang Horai ay tinagurian ding Hours, subali’t hindi sila nauugnay sa oras bagkus sila ay nauugnay sa taon at sa paiba-ibang klima. Sila ay ang orihinal na kumakatawan ng iba’t ibang panahon o klima sa bawa’t taong dumadaan sa mundo. Ang mga Horai ay anak ng dating mag-asawang sina Themis at Zeus.
Ang Horai ay ang orihinal na mga Goddesses of Seasons. Nguni’t nang dumaan ang ilang taon ang Horai ay nauugnay na rin sa order at natural na hustisya. Kaya naman sila rin ay ang mga Goddesses of Order and Natural Justice.
Sa orihinal na gropo ng mga Horai, na ang mga Goddesses of Seasons, ay binubo nina Thallo, Auxo at Carpo. Bagama’t apat ang standard na kilala nating klima, ang mga Griyego sa sinaunang panahon ay hindi kinikilalang season ang winter.
THALLO
Image source: pinterest
Si Thallo ay ang kumakatawan ng panahong tagsibol (spring) at ang dahilan ng pamumulaklak ng mga halaman. Siya rin ay isang protector sa mga batang musmus pa lamang.
AUXO
Image source: pinterest
Si Auxo ay ang kumakatawan sa panahon na tag-init (summer) at siya rin ay tumutulong sa pagtubo ng mga pananim. Siya rin ang deity na tumutulong sa pag-unlad at pagyabong sa mga Greeks.
CARPO
Image source: pinterest
Si Carpo ay ang kumakatawan sa panahon ng taglagas (autumn) at siya rin ang diyosa na tumutulong sa pag-ani ng mga pananim. Bukod pa rito, siya rin ang katiwala sa daan papuntang Mount Olympus. Sinasabing tinatakpan niya ng makapal na ulap ang daan ng papuntang Mount Olympus, at pinapakita niya lamang ang daan partikular sa mga diyos lamang.
◇◇◇◇
Sa ikalawang set naman ng Horai, na ang mga Goddesses of Order and Natural Law ay binubuo nina Dike, Eunomia, at Eirene.
DIKE
Image source: The Triumph of Justice, by Gabriël Metsu (1629-1667)
Si Dike ay ang personipikasyon ng Moral Justice. Hindi katulad ng kaniyang inang si Themis—na kumakatawan sa batas at katurangan para sa mga diyos lamang, ang kapangyarihan ni Dike ay naka-pokus sa kaayusan at hustisya sa mga tao. Siya ay karaniwang naka bitbit ng scales simbolo ng hustisya, katarungan, at batas.
EUNOMIA
Image source: Painting by Howard David Johnson
Si Eunomia ay ang tinuturing na personipikasyon ng lehislasyon at taggawa ng mabuting batas sa mga tao.
EIRENE
Image source: Eirene, by Ludwig Knaus. Between circa 1850 and circa 1888
Si Eirene naman ay ang personipikasyon ng kapayapaan at kasaganaan. Siya ay karaniwang inilalarawan na may dalang torch, setro, o di kaya ay cornucupia na katulad sa bitbit ng diyosang si Tyche.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...