MYTHICAL CREATURES

351 9 2
                                    

Ang mga sumusunod na ating makikilala ay ang mga kilalang mga hayop, halimaw, at mythical creatures na naitampok sa greek mythology.

ARGUS PANOPTES

Image source: unknown

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: unknown

Si Argus Panoptes o mas kilalang Argus ay kinikilalang isang higante na may isang daang mga mata, kaya ang kahulugan ng Panoptes ay ‘all-seeing’ sa ingles. Ang mga mata ni Argus ay sinasabing nakakalat sa kaniyang katawan, samantala may nagsasabi ring nasa napakalaking ulo niya matatagpuan ang isang daan niyang mga mata. Si Argus umano ay sa tuwing siya ay natutulog ay dalawang mata lamang ang kaniyang pinipikit, upang masigurado ang 98 niyang mga mata ay nakamulat at nakakapagmasid sa kaniyang paligid. Sinasabing siya ay anak ng primordial goddess na si Gaea. Siya ay may higanting pangangatawan at kaakibat nito ang napakalakas niyang katangian. Gaya ng ibang mga mythical creatures, si Argus Panoptes ay hindi imortal. Siya ay pinaslang ni Hermes noong may misyon ang diyos kay Zeus, ang isang daang mata ni Argus ay kinuha ni Hera at linagay ang mga ito sa sagradong ibon ng diyosa ito ay ang, peacock.

CENTAURS

Image source: pinterest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Image source: pinterest

Ang mga Centaurs ay isang uri ng mythical creatures, ang kanilang anyo ay kalahating kabayo at kalahating tao. Mula ulo hanggang bewang ay isang matipuno na parang tao, subali’t ang kanilang katawan ay isang kabayo. Ang mga centaurs ay nagmula kina Ixion at Nephele. Ang natural na pag-uugali ng mga centaur ay katulad ng mga satyr, sila ay mababangis, hindi sibilisado, malibog, at marahas kapag nalalasing. Subali’t may nag-iisang centaur ang naiiba sa lahat, siya si Chiron. Si Chiron ay itinuturing na imortal sapagkat siya ay anak ng titanong si Cronus at ng oceanid na si Philyra. Siya ay tinaguriang, “the wisest and justest of all centaurs”. Ang kaniyang personal na abilidad ay sinasabing tumutugma sa mga abilidad ng mga kambal na diyos na sina Apollo at Artemis: musika, panggagamot, archery, hunting, at ang kasanayan sa propesiya. Kaya naman ang kaniyang katalinuhan ay itinuturo niya sa mga popular na mga bayani gaya nina Achilles, Jason, Heracles, Theseus, Perseus, ang ama ni Achilles na si Peleus, ang mga anak nina Apollo na sina Aristaeus at Asclepius, at marami pang iba. Si Chiron ay isang sibilisado na centaur, siya ay mabait, at matalino. Nguni’t dumating ang panahon na ang kaniyang imortalidad ay ipinagpalit niya upang mapakawalan ni Heracles ang titanong si Prometheus.

GREEK MYTHOLOGY: Minor DeitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon