ASCLEPIUS
Image source: Asklepios, Statue Epidauros Museum 2008-09-11
Si Asclepius ay ang pinakadakilang Diyos ng Medisina. Siya ay isang bayani, at ninuno ng ibang mga doktor at mga manggagamot.
Sinasabing si Asclepius ay isang bayani, hindi dahil siya ay manlalaban kundi ang kaniyang kakayahang manggamot ay hinding-hindi madadaig ni sinoman (kahit ang kaniyang amang si Apollo ay hindi siya kayang lamangan sa panggagamot).
THE BIRTH OF ASCLEPIUS:
Siya ay ang anak nina Apollo at Coronis. Sobrang minahal ng diyos si Coronis, nguni’t noong pinahayag ng mga uwak na siya ay niloloko lamang ni Coronis at may iba umanong mahal ang dalaga ay sobrang nagalit si Apollo, napatay niya ang dalaga at doon ay napag-alaman niyang nilinlang lang pala siya ng mga uwak. Ang dating kulay puti na uwak ay ginawa niyang kulay itim na uwak bilang parusa dito. Upang maisalba ni Apollo ang anak niya sa sinapupunan ni Coronis ay binuksan niya ang tiyan ng dalaga at kinuha ang sanggol na si Asclepius. Ito ang dahilan kung bakit ang pangalan ni Asclepius ay nangangahulugang ‘to cut open’.Pagkatapos ay dinala ni Apollo si Asclepius sa pinaka-matalinong centaur na si Chiron upang maalagaan at maturuan ang kaniyang anak ng basic skills.
Habang lumalaki si Asclepius ay tinuturuan siya ni Chiron kung paano lumaban, gaya ng ibang mga bayaning naging studyante ng centaur. Subali’t si Asclepius ay hindi mahusay sa pag gamit ng mga ispada o pana at ang tanging bagay lamang na lumalamang siya ay ang panggagamot at paggawa ng mga medisina galing sa mga herbs.
Dumating ang araw na lahat ng alam ni Chiron ay naituro niya na kay Asclepius ngunit si Asclepius ay patuloy parin ang pagsusumikap niyang mag-aral upang sa karagdagang kaalaman. Tinulungan ni Apollo si Asclepius sa kaniyang ninanais sa pamamagitan ng pagiging-anyong ahas si Apollo, ang ahas na iyon ay dinilaan ang tenga ni Asclepius—sa mitolohiya ng Griyego ang pagdila ng ahas sa tenga ay isang simbolo ng pagbibigay karunungan ng panggagamot at muling pagkabuhay. At pagkatapos ang ahas ay pumilipit sa isang tungkod na gawa sa kahoy, na kalaunan ito ay naging simbolo ni Asclepius. Sa ating panahon ngayon ang ‘rod of Asclepius’ o tungkod ni Asclepius ay simbolo rin ng medisina at panggagamot.
Mas naging bihasa si Asclepius ng paggawa ng mga bagong medisina at mga bagong pamamaraan ng pag-oopera, noong tinulungan siya ng diyosang si Athena. Ibinigay ng diyosa kay Asclepius ang dugo ni Medusa, dito napag alaman ni Asclepius na ang dugo ni Medusa sa kaliwang kamay nito ay nakakamatay nguni’t ang dugo naman sa kanang kamay nito ay may kapangyarihang tumubos ng buhay ng tao.
THE WIFE AND CHILDREN OF ASCLEPIUS:
Nang lumaki na si Asclepius ay nakahanap siya ng kaniyang naging asawa iyon ay si Epione—Greek Goddess of Soothing Pain.Ang naging tanyag nilang mga anak ay sina Machaon at Podalirius ang mga bayani na pumanig sa mga Griyego noong panahon ng Trojan War. Namana nila ang panggagamot sa kanilang ama at silang dalawa ang gumamot sa kasamahan nilang bayani na si Philoctetes.
BINABASA MO ANG
GREEK MYTHOLOGY: Minor Deities
Non-FictionSa Book 1 ay ating nakilala ang mga Olympian Gods at ang dinastiya kung saan sila nagmula. Ngunit, sino-sino nga ba ang ibang mga sikat na diyos na kabilang sa Minor Deities? Tuklasan at basahin ang librong ito na isinalin sa wikang Filipino. Book...