Prologue

11.5K 176 6
                                    

Prologue

"Five P.M na pala, ang bilis ng oras." Narinig ni Jasmine na sabi ng kaibigan nyang si Kim habang abala na ito sa pagliligpit ng gamit. Katrabaho nya ang babae at katabi nya ng workstation ang pwesto. "Ikaw ba? Wala ka pang plano umuwi?" tanong nito sa kanya.

"Not yet. Kailangan kong tapusin to e." Sagot ni Jasmine habang tuloy pa rin sa pagtipa sa keyboard nya.

"Sus, wala naman si bossing ngayon. Ipagpabukas mo na yan." Natawa lang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan. "Mga anong oras mo balak umuwi?"

"I'm not sure yet. Maybe 30 minutes more? Kasya na siguro yun para matapos ko 'to." Alam ng kaibigan nya kung gaano nya kaayaw ang may natatambak na trabaho sa kanya. Kaya as much as possible, she finishes everything first before going home.

"Is he picking you up?"

It was a simple question pero sapat upang sandaling matigilan si Jasmine. Pero mabilis din syang nakabawi at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Who's picking up who?" Patay-malisya nyang tanong.

"You know who."

"Ayoko munang pag-usapan, Kim."

Narinig nyang bumuntong hininga ang kaibigan saka naupo sa swivel chair at lumapit na sa kanya.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?"

Jasmine shook her head. "And I don't think it's still necessary."

Kim is one of the few people who knew what happened to her. Well, because Kim is one of her best friends. Isa ito sa mga iniiyakan nya kapag hindi na kinakaya ng dalaga ang dinaramdam.

"Naku, naku, nasa rest room pa lang ako, nararamdaman ko na ang bad vibes dito." Halos sabay ang dalawa na napalingon kay Helga, isa pa sa mga katrabaho nila. Helga and Kim are Jasmine's best friends. "Ano, teh? Wala ka pang balak umuwi?" Kapagkuwa'y tanong nito sa kanya na ikinatawa ng dalaga natawa sya.

Bakit ba excited ang mga ito na pauwiin sya?

"Mamaya pa ng kaunti. Mauna na kayo, may tinatapos pa kasi ako." Tumayo si Helga sa kabilang gilid ng workstation nya, paharap sa kanya. Napapagitnaan sya nito at ni Kim na nakatanghod din sa ginagawa nya.

"Ayan ka na naman sa pagiging workaholic. Hay naku, hindi naman masamang mag-overtime. Pero ang nasa labor code, 8 hours lang ang talagang trabaho natin. At hindi maganda sa katawan 'yan. Mawawalan ka lalo ng lifestyle."

Kung naibang tao si Jasmine, mapipikon sya sa pagka-vocal ni Helga. Madaldal din kasi ito. Minsan nga 'mother hen' ang tawag nila dito ni Kim. Pero sanay na silang lahat sa ugali ng kaibigan. Most of the time, nasa punto naman ang mga sinasabi nito.

Maganda si Helga in her early 30's. Mas bata ito tingnan sa totoong edad nito. Mahilig kasing mag-ayos at pumorma. Hilig nito ang mga seksing outfit pero disente pa rin naman tingnan. Katulad ng kaibigan nilang si Kim na hindi rin nagpapahuli sa mga trending outfit.

"Anyway," pagpapatuloy ni Helga na hindi pa rin umaalis sa gilid nya. "Remind ko lang kayo for tomorrow ha? Don't forget..." Napaangat ang tingin ni Jasmine dito.

"What's with tomorrow?" Kunot noong tanong nya.

"Hala sya... Birthday ko, remember?" Sagot ni Helga.

"And we'll go clubbing, baby!" Masayang dagdag ni Kim.

Narinig pa lang ni Jasmine ang word na 'club' ay nawalan na agad sya ng gana.

"I think, I'll pass... Alam nyo naman wala akong sa mga bar-bar na yan." Sabay na nag-react ang dalawa sa sinabi nya. "Saka bakit hindi ko alam na may plano kayo mag-bar bukas? Nasaan ba ako nung nag-usap kayo about dyan?"

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon