Part 24

26.7K 834 50
                                    

HINDI matingnan ni Keith si Sylve pagkatapos niya sabihin ang nangyari sa relasyon nila ni Emerald. Wala siyang sinabihan nang tungkol doon kahit na sino.

Kumalas mula sa yakap niya si Sylve at humarap sa kaniya. "Masakit pa rin ba kapag naaalala mo ang nangyari? Nagagalit ka pa rin ba kapag naiisip mo si Emerald at ang parents niya?" malumanay na tanong nito.

Tiningnan niya ang mukha nito. "Hindi na katulad ng dati pero meron pa rin. It was one of the hardest parts of my life. Kaya bihira ko hayaan ang sarili kong alalahanin. So whenever I do, I still feel hurt and a little angry."

Naging mataman na naman ang mga mata ni Sylve, na para bang binabasa ang kaloob-looban niya. "Hindi mo siguro sinasabi sa iba at kinikimkim mo lang sa sarili mo kaya matagal mawala ang sakit na nararamdaman mo dahil sa nangyari noon."

Napatitig siya sa mukha nito. "Bakit ba mula pa noong una tayong nagkita parang kilalang kilala mo ako higit pa sa mga taong matagal ko nang kilala? How can you read me so easily?" pabulong na tanong ni Keith.

Marahang ngumiti si Sylve, umangat ang isang kamay at hinaplos ang kanyang pisngi. "Kasi magkapareho tayo. Pareho tayo ng ugali at pareho tayong mas mahilig makinig at bumasa ng tao kaysa mag share ng sarili natin sa iba. Kaya madali kita naiintindihan."

"Talaga?"

Tumango ito at sandaling nag-isip bago nagsalita. "I am the type of person who suffers in silence. Kasi sa ganoon ako nasanay. Even if I want to share my misery I will not be able to. Hindi ko alam kung paano. Lalo na nang mapunta sa akin si Yona. I cannot show that I'm having a hard time because I have to be the stronger one. Kasi ako dapat ang emotional support. Hindi ako dapat mag breakdown. Kasi responsible na ako para sa isang tao kaya hindi ako dapat magpakita ng kahinaan."

Parang may pumiga sa dibdib ni Keith sa inamin ni Sylve. "Pero hindi mo na kailangan sarilinin ang lahat ngayon. Nandito na ako."

Napangiti ito. "Alam ko. Hindi mo na rin kailangan sarilinin ang mga iniisip mo kasi nandito na rin ako para sa 'yo. Alam mo ba, hindi ko rin kaya sabihin ang tungkol kay William sa ibang tao? Sa loob ng maraming taon, maisip ko lang ang pangalan niya nasasaktan na ako. Pero nang sabihin ko sa 'yo ang tungkol sa kaniya, napapangiti na ako kapag naalala ko siya. I still feel a slight hollowness in my heart but it was no longer painful. Kaya na-realize ko na dapat pala, sinasabi natin sa iba ang memories natin. Para madali tayo mag heal."

May init na humaplos sa dibdib ni Keith. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. "Hopefully, makatulong ang pagsasabi ko sa 'yo para hindi na ako masyadong affected ng nangyari sa amin ni Emerald. I don't want to resent her forever. Siya pa rin ang first love ko. And first loves are supposed to be remembered fondly, right?"

Nakangiting huminga ng malalim si Sylve at marahang tumango. "Tama. Kaya nga huwag natin pigilan ang sarili nating alalahanin sila kahit na matagal nang tapos ang relasyon natin sa kanila. Isa pa, swertehan lang naman talaga ang mga nakakatuluyan ang first love nila. Hindi lahat ganoon ang nangyayari. Madalas ang first love dumadaan sa buhay natin para lang mag-iwan ng aral o kaya para lang makatulong para mag grow tayo bilang tao."

"So naniniwala ka sa kasabihang first love never dies?" tanong ni Keith na napapangiti na dahil sa nagiging takbo ng usapan nila.

"Oo. Pero hindi naman ibig sabihin n'on hindi ka na makaka move on. Lumilipas ang first love pero hindi iyon tuluyang nawawala sa isip at puso natin. Paano iyon tuluyang mamamatay kung ang experience na iyon ang isa sa mga humubog sa atin bilang tao?"

Sandaling pinag-isipan ni Keith ang sinabi nito. "That's a good way of seeing things. Nakakabilib ka talaga, Sylve."

Tumaas ang isang kilay ng babae pero ngumiti naman. "Natutunan ko lang din 'yan sa mga nababasa ko 'no. Sinubukan ko lang i-apply sa sarili ko at effective siya kaya shinare ko sa 'yo. Saka personally, kahit hindi ko gusto ang ginawa ni Emerald sa 'yo at kay Yona, hindi ko pa rin kaya magalit sa kaniya nang tuluyan. She must have been so pressured when she got pregnant. Hindi siya sanay nahihirapan at hindi nya alam kung paano magiging responsible. Pero isipin na lang natin na kung hindi dahil sa kaniya, wala sana si Yona. Hindi ba sapat na rason na iyon para patawarin siya sa mga maling desisyon niya dati?"

Napatitig si Keith sa mukha ni Sylve. He was suddenly overwhelmed with admiration and respect for this wonderful woman. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at mariin itong hinalikan sa mga labi. Sandali itong natigilan bago umangat ang mga braso paikot sa kanyang batok at gumanti ng halik.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Imbes na dugo parang bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa mga ugat niya. Paanong hindi niya alam na posibleng mag react nang ganito ang katawan niya dahil sa isang tao? It was as if every nerve ending in his body was on fire.

Sa sobrang intense nang nararamdaman ni Keith napilitan siyang tapusin ang halik. Bahagya niyang inilayo ang mukha para matitigan si Sylve na dahan-dahang dumilat. She still has that dazed expression that makes her look sexy as hell. Basa at namumula pa ang mga labi nito kaya naaakit na naman siyang halikan ito.

"Bakit ka huminto?"

Huminga ng malalim si Keith at pinilit ngumiti. Pinunasan niya ng hinlalaki ang mga labi nito bago tuluyang binawi ang mga kamay. "Kailangan ko huminto bago pa mapunta sa kung saan ang gabing ito. I don't want us to rush."

Kumurap si Sylve at saka nakangiting tumango. "Okay."

Gumanti siya ng ngiti. "Okay. So... kailangan ko na umuwi habang kaya ko pa magpigil." Maingat siyang tumayo at saka inilahad ang mga kamay na agad naman nitong inabot. Sinulyapan niya ang suot na wristwatch pagkatapos itong alalayan makatayo. Alas dos nang madaling araw. Hinarap uli ni Keith si Sylve. "Inumaga na tayo. Magpahinga ka na. Aalis na ako. Babalik ako bukas. Marami akong ibibigay na pasalubong kay Yona."

Pinisil nito ang mga kamay niya at nakangiting tumango. "Ingat ka sa biyahe. Good night." Pagkatapos tumingkayad ito at hinalikan siya sa pisngi. Baon niya ang halik na iyon hanggang makauwi siya sa Bachelor's Pad.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon