MATAGAL nang naghihintay sa loob ng school gate si Yona nang dumating sila sa school nito. Kumunot ang noo ni Sylve kasi may kasama itong grupo ng mga lalaking estudyante na base sa kilos at facial expression ay parang inaasar ang anak niya.
"What the hell are those brats doing to my daughter?"
Nagulat siya sa biglang pagtataas ng boses ni Keith. Nakatingin na rin pala ito sa may school gate. Naging impatient ang pagmamaneho nito, nagmamadaling mai-park ang sasakyan. Nakita kasi nilang nakakuyom na ang mga kamao ni Yona at namumula ang mukha habang sumasagot sa grupo. By the time na makalabas sila ng kotse ay may teacher at guard nang lumapit sa mga bata.
"Yona!" tawag ni Sylve sa kanyang anak sabay takbo palapit. Nakasunod sa kaniya si Keith na kahit hindi niya lingunin ay nararamdaman niya ang protectiveness sa body language nito.
Lumingon ang anak niya at bumakas ang relief at tuwa sa mukha nito. "Mommy! Daddy!" Tinulak nito ang gate pabukas at sinalubong siya ng yakap.
"What's wrong?" tanong naman ni Keith na hinaplos ang ulo nito.
Nakayakap pa rin sa kaniya na nilingon ni Yona ang mga lalaking estudyante at proud na ngumiti. "Hindi ako sinungaling. May daddy talaga ako. Kumpleto ang pamilya ko. Hindi niyo na ako maiinis na weirdo ako. Beh!"
Humigpit ang braso ni Sylve sa balikat ni Yona at tinapunan ng matalim na tingin ang mga bata na napaatras at nagsiksikan sa tabi ng teacher. Halatang natakot ang mga ito sa kanila, na dapat lang kasi hindi siya papayag na may nambu-bully sa anak niya.
"Mag sorry kayo sa anak ko," malamig na sabi ni Keith na humakbang palapit sa mga bata.
"Sir, kalma lang po. Mga bata lang sila at pinapagalitan ko naman," sabi ng class advisor ni Yona, magkahalong paghanga at takot ang nasa mukha habang nakatitig sa mukha ni Keith.
"But looks like you are not doing a good job about it, ma'am. Sinabi sa amin ni Yona na noon pa siya nakakarinig ng hindi magaganda sa schoolmates niya. Bullying doesn't necessarily have to be physical. Mas nakakasakit ang mga salita at sana ituro niyo 'yan sa mga estudyante niyo," sagot ng lalaki bago niyuko uli ang mga bata na mukhang iiyak na sa takot. "Say sorry. Now."
Mabilis na humingi ng tawag ang mga batang lalaki at nangako na hindi na uulitin. Tumango si Yona, tinanggap ang sorry at pagkatapos hinawakan nito ang kamay ni Keith. "Okay na, daddy. Uwi na po tayo."
Pagkatapos ng ilang minuto pang intimidation tactic ni Keith hindi lang sa mga bata kung hindi maging sa kawawang teacher, sumakay na sila sa kotse at bumiyahe pauwi. Noong una, halatang inis pa rin ang lalaki sa nangyari pero nadaan ito sa lambing ni Yona. Ilang minuto lang, naghaharutan at tawanan na ang mag-ama.
Narelax na rin si Sylve. May init na humaplos sa puso niya habang nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Ang saya-saya niya. Sa sobrang perfect ng sandaling iyon, sigurado siyang hindi niya ito makakalimutan habambuhay.
NAPAGOD si Yona sa pakikipaglaro kay Keith pag-uwi nila sa apartment kaya pagkatapos ng dinner, halatang inaantok na ito. Dahil mukhang gusto pa rin ng anak niyang makabonding ang ama, hinayaan na lang ni Sylve na si Keith ang maging incharge sa pagpapatulog sa bata.
Inabala niya ang sarili sa kusina. Pinupunasan na niya ang lamesa patalikod sa sala nang maramdaman niya ang presensiya ni Keith. Bago pa siya makalingon pumaikot na ang mga braso nito sa baywang niya. Napahinto siya sa ginagawa at napangiti nang humigpit ang yakap nito mula sa likuran niya na sinundan ng magaan na halik sa kanyang leeg. "Tulog na si Yona."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...