Part 53

27.8K 784 63
                                    


DINALA sila ni Keith sa isang law firm. Pagpasok pa lang nila, napansin na ni Sylve na lalong natakot at namutla si Emerald. Lalo tuloy kumabog ang kanyang dibdib. Anong balak nito gawin kay Yona kung ganoong takot ito sa abogado?

Sinalubong sila ng isang secretary na para bang inaasahan na ang pagdating nila. Dinala sila sa isang malaking office kung saan may tatlong guwapo at intimidating na lalaking naghihintay sa kanila. Kung pagbabasehan ang pormal na kasuotan, mga abogado ang tatlo.

Marahas na inupo ni Keith si Emerald sa leathered sofa na katapat ng kinauupuan naman ng mga lalaki. "So, ito si Emerald San Mateo?" tanong ng mukhang foreigner.

"Siya nga, Ross," sagot ni Keith na humakbang palapit kay Sylve. Lumapat ang palad nito sa lowerback niya at maingat siyang inakay paupo sa single couch. Pagkatapos nanatili itong nakatayo sa kanyang tabi. Aware siya na nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat at na napansin ng mga ito ang ibang treatment ng lalaki sa kaniya.

"Jay, natanggap mo ang mga papeles na pina-send ko kay Troy?"

"Yup," sagot ng isa pang abogado na inilapag ang isang makapal na folder sa lamesa na nasa gitna nilang lahat. "Nandito ang full report tungkol kay Emerald San Mateo. Though nabanggit ng imbestigador mo na nasabi na raw niya sa 'yo ang mga importanteng detalye na nakasulat dito."

Namutla si Emerald. "W-what is the meaning of this? Keith?!"

"Sinabi ko na sa 'yo, alam ko ang kailangan mo sa 'kin. Katulad ni Yona, matagal na rin kita pinahanap kaya alam ko kung ano ang nangyari sa 'yo at sa pamilya mo. Alam ko rin na nag-asawa ka na at matagal nang humiwalay sa parents mo."

Nagulat si Sylve lalo na nang makitang lalong nawalan ng kulay ang mukha ni Emerald.

"Papabayaan na sana kita Emerald dahil mukhang pareho naman na tayong naka move on sa buhay. But then, you saw what I have become. Nakita mo na hindi na ako ang lalaking minamaliit ninyo ng parents mo dati. You realized that I am very wealthy now. Pagkatapos saka mo lang naalala si Yona, tama ba? Sa loob ng sampung taon, wala ka talagang plano na balikan siya. After all, hindi alam ng asawa mo na may iniwan kang anak sa Pilipinas. He doesn't like kids, right?"

Suminghap si Emerald at parang gusto magsumiksik sa sofa kaya nasiguro ni Sylve na natumbok ni Keith ang totoo. "Kung ganoon, bakit gusto mong isama si Yona sa Amerika?" litong tanong niya.

Mukhang maiiyak na ang ex-bestfriend niya. Ex, dahil pagkatapos ng nalaman niya hindi na niya ito maaatim na tawaging matalik na kaibigan. "H-hindi ko 'to gagawin kung hindi ako desperada."

Tumango si Keith. "Alam ko. Masyado kang ma-pride para buuin ang plano mong ito kung hindi mo lang talaga kailangan. Ayon sa imbestigador, baon kayo sa utang na mag-asawa dahil nalulong siya sa sugal. Pero mahal mo siya kaya hindi mo siya maiwan. Kaso kahit ilang trabaho ang pasukin mo, hindi niyo mabayaran ang utang niya na milyong piso na ang halata, tama ba?

Sylve took Emerald's silence as a yes. Nagpatuloy sa pagsasalita si Keith, cool at composed ang tono pero ramdam niya ang galit na pilit nitong kinokontrol. "So nang makita mo ako sa mga balita, may nabuo kang plano. Gusto mong makuha ang anak ko para palabasin na kasama mo talaga siya all along. Kasi gusto mong magbigay ako ng malaking halaga para kay Yona na ipambabayad mo ng utang. Confident ka na mag wo-work ang plano mo kaya gumastos ka para magpunta sa Pilipinas. Pero nagkamali ka ng calculation. I never called you back no matter how many times you give your number to my agent. Hindi mo rin alam na sa Pilipinas pa rin ako naka-base at na matagal ko nang nakita si Yona at Sylve."

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon