Part 35

24.2K 682 23
                                    

SA LOOB ng sampung taon mula nang mamatay si William at mapunta sa poder ni Sylve ni Yona, masasabi niyang naging masaya naman siya most of the time. Kuntento siya na gumising sa umaga, magtrabaho at mag-alaga ng anak maghapon at matulog sa gabi. Ayos sa kaniya ang simple at walang excitement na buhay. Iyon nga lang, sa loob ng maraming taon wala siyang matandaang araw na talagang naramdaman niya na umaapaw sa saya ang puso niya. Kung hindi isasali ang mga special moment kasama si Yona, wala siyang matandaang memorable na pangyayari sa buhay niya.

Pero ngayon meron na. Today was a day she will never forget for as long as she's alive. Bawat sandali pakiramdam ni Sylve lumulutang ang paa niya sa ulap. Kung tutuusin wala naman silang ginagawang kakaiba. Bumiyahe lang silang tatlo papunta sa pinakamalapit na mall. Naglakad-lakad habang hinihintay ang allotted time para sa animated movie na gusto panoorin ni Yona.

Nasa gitna nila ang bata at hawak nito ang tig-isa nilang mga kamay. At nang mapatingin siya sa isang malaking glass wall at makita ang repleksiyon nilang tatlo, may init na humaplos sa puso niya. Hindi asyumerang tao si Sylve. Katunayan, practical at realistic siya. Pero sa sandaling iyon hinayaan niya ang sariling mag ilusyon ng konti. Hinayaan niya ang sariling isipin na mukha silang pamilya.

Twenty minutes pa lang yata sila naglalakad-lakad nang may grupo ng college students yata ang napahinto sa paglalakad at napatitig kay Keith. Ilang segundo lang, lumapit na ang mga ito at tinanong kung ang lalaki ba si Kelly Hart. Napanood daw kasi nila sa balita at nabasa ang mga artikulo sa internet. Napasulyap sa kaniya si Keith at tipid siyang tumango. Pagkatapos hinila niya palapit sa kaniya si Yona. Inaliw niya ang bata habang pasimpleng inilalayo sa grupo na mukhang hindi naman sila napapansin kasi deretso lang ang humahangang titig kay Keith.

"Mommy, hindi pa ba tayo pupunta sa sinehan? Baka magsisimula na po ang movie."

"Wait lang baby. Matatapos na makipag-usap sa kanila si Keith."

Sumilip si Yona sa likuran ni Sylve. "Matagal pa po yata, mommy. Dumami kasi sila."

Napakurap siya at lumingon. Nagulat siya kasi dumami nga ang mga nagpapapicture kay Keith. Hindi niya alam kung lahat ba iyon avid readers nito o may mga nakikisali lang kasi mukha itong artista. Either way, kailangan na niya ito mahila papunta sa cinema.

Mukhang may telepathic connection sila kasi bigla itong lumingon habang nakatitig siya. Isang segundo lang yata nagtama ang mga paningin nila mabilis na nagpaalam si Keith sa fans nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanila. "Let's go."

"Pwede na talaga? Hindi sasama ang loob nila?"

Inakbayan siya ni Keith habang hinawakan naman ng isa nitong kamay ang kamay ni Yona. "It's fine. Writer ako, hindi celebrity. Gets na nila na gusto ko ng privacy. Let's go." Nagsimula na ito maglakad kaya napaagapay na rin silang mag-ina.

Pasimple siyang lumingon sa likuran nila at napangiwi nang makitang nakatutok sa kanila ang cellphone ng mga ito. Malamang kinukunan sila ng picture. Tiningala niya si Keith. "Dapat magsuot ka man lang ng sombrero para disguise. Baka may iba pa tayong makasalubong na makakilala sa 'yo. I don't mind if you really want to bond with your readers. Kaso baka hindi natin abutan ang movie na gusto ni Yona kapag may humarang uli sa 'yo."

Ang lokong lalaki, tinawanan lang siya ng malakas at hinigpitan ang akbay sa kaniya kaya halos yakap na siya nito habang naglalakad sila. "Ano ka ba? Hindi ko kailangan ng disguise. Alam ko na maraming readers si Kelly Hart dito sa Pilipinas pero imposibleng interesado sila na malaman kung ano ang hitsura niya."

Tumaas ang isang kilay ni Sylve. "Lahat kaya ng news program inireport ang tungkol sa 'yo at sa mga libro mong magiging Hollywood movie. Pati sa social media, viral kaya ang mukha mo."

Umiling si Keith, relaxed na relaxed pa rin. "Still, imposibleng matandaan ako ng mga taong nakanood ng balita at nakabasa ng articles online."

Nainis na siya. "Don't underestimate yourself, okay? Walang taong makakalimot sa mukha mo kapag nakita ka kahit sa picture lang. Mas guwapo ka pa nga kesa 'don sa gusto ng media na gumanap na hero sa movie version ng libro mo."

Napatitig sa kaniya si Keith at napahinto pa sa paglalakad. Uminit ang mukha ni Syle pero itinaas ang noo. "Bakit? Nagsasabi lang ako ng totoo." Niyuko niya si Yona. "'Di ba super pogi si tito Keith, baby?"

Ngumisi ang bata at nag thumbs up. "Super pogi!"

Ibinalik niya ang tingin kay Keith. "See? Isa pa, Filipino pride ang pagiging international bestselling writer mo. I'm sure marami ang na-inspire at bumilib sa success story mo. Hindi ka celebrity pero inspiration ka para sa marami. Imposibleng walang makakilala sa 'yo at gustuhing lapitan ka. Kaya halika na." Inalis niya ang pagkakaakbay ng braso nito at hinawakan ang kamay nito. "Bumili tayo kahit baseball cap or something. Yona, tulungan mo ako hilahin siya, dali."

"Yes, mommy!"

Hinila nila ito papunta sa direksiyon ng department store. Mabuti na lang men's section ang nasa bukana nang napasok nila. Nakakita agad siya ng hile-hilerang sombrero. May nagustuhan siyang kulay itim na cap at kinuha iyon mula sa display rack. Saka lang siya humarap kay Keith na mukhang kanina pa nakamasid lang sa kaniya. "Yuko ka."

Tumaas ang mga kilay nito pero tumalima naman. Humarang sa mukha nito ang buhok kasi nakalugay iyon. "Itong buhok mo ang una natin dapat ayusin. Madali ka makikilala kasi alam ng fans mo na mahaba ang buhok mo."

Hindi masyado nag-isip si Sylve nang suklayin ng mga daliri ang buhok ni Keith paalis sa mukha nito. Ni hindi niya pinansin kahit parang na-tense ito at napatitig lang sa mukha niya. Busy kasi siya sa pagsusuklay ng buhok nito hanggang maipon na iyon sa batok nito. Nang makuntento saka isinuot ni Sylve sa ulo ng lalaki ang sombrero. Pagkatapos inilusot niya ang dulo ng buhok nito sa butas na nasa likod ng cap. Iyon ang nagsilbing ponytail.

Satisfied na napangiti siya. "Ayan. Hindi na kitang kita ang mukha mo. Puwede na 'yang disguise." Saka lang niya sinalubong ang tingin ni Keith na napansin niyang tahimik pa rin. Sumikdo ang puso ni Sylve at medyo nawala ang ngiti nang makita ang kakaibang kislap sa mga mata nito. May init na humagod sa likod niya at nanayo ang mga balahibo niya sa batok. Kasi kung tingnan siya nito parang gusto siya nitong –

"Yona, can you please close your eyes for a while?" sabi nito sa bata na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Sylve kasi pati boses ni Keith kakaiba. He sounds so turned on. Nanuyo ang mga labi niya at wala sa loob na binasa iyon ng dila. "Bakit ba?" mahina at kabadong tanong niya.

"Yona, please," ulit ni Keith.

"Okay po," mabilis na sagot ng anak niya sabay pikit. Hindi pa nakuntento, tumalikod pa sa kanila. Minsan hindi alam ni Sylve kung sobrang inosente ba ang anak niya o sobrang matalino at alam talaga ang nangyayari sa pagitan nila ng lalaki.

Huminto sa pag-iisip ang utak niya nang lumapat ang mga kamay ni Keith sa magkabilang pisngi niya. Bumuka ang bibig niya pero bago pa siya makapagsalita hinalikan na nito ang kanyang mga labi. Saglit lang iyon pero mariin at mainit kaya hindi niya napigilan gumanti ng halik. Mabuti na lang ito na ang naunang huminto kasi muntik na niya makalimutan kung nasaan sila.

Nang bahagyang lumayo si Keith nakita niyang puno pa rin ng intensidad ang mga mata nito na para bang sinasabi sa kaniyang, I can't wait to be alone with you. Para tuloy nilamutak ang sikmura ni Sylve at uminit ang pakiramdam. Tumikhim siya at humakbang paatras. Sinulyapan niya si Yona na nakatalikod pa rin sa kanila at nakapikit pa rin. Masunuring bata. "You can open your eyes now, Yona."

Biglang pumihit paharap sa kanila ang bata at matamis na ngumiti. Lalong tumindi ang pag-iinit ng mukha ni Sylve. Kasi sigurado siya, alam ng anak niya kung anong ginawa ni Keith sa kaniya. "T-tara na nga. Baka magsisimula na ang movie. Bayaran na natin 'yang baseball cap."

Hinawakan niya ang isang kamay ni Yona habang ang anak naman niya, automatic na humawak din sa kamay ni Keith. Ang bata pa ang humila sa kanilang dalawa papunta sa cashier. Nagkatinginan tuloy sila ng lalaki at parehong napangiti.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon