SHE WAS MATILDA ST. CLAIR. Hindi siya makapaniwala na close si Keith sa pinakamayaman at pinaka maimpluwensiyang businesswoman sa buong Asya. Kahit si Sylve alam ang pangalan nito dahil palagi niya nababasa sa business section ng broadsheets at online newspaper. Ni hindi nga niya naisip na darating ang pagkakataong personal niya ito makikilala at makakausap ng ganito.
Higit sa lahat, alam ni Matilda ang tungkol sa sitwasyon nila ni Keith. Walang itinago rito ang lalaki. Lalo lang tuloy kinutkot ng selos ang puso niya.
"Kung nandito kayong dalawa, nasaan si Yona? I'm dying to meet her," sabi ng matandang babae nang maipaliwanag nila ni Keith ang dahilan kaya sila nasa ospital. Itinuro pa nga nila ang pamilya niya na nakaupo sa hospital lobby at nakanganga lahat habang nakatingin sa kanila.
"Nasa school siya ngayon. Speaking of which, kailangan na namin magmadali para masundo namin siya mamaya on time," sabi ni Keith.
"I see." Bumaling kay Sylve si Matilda. "Kung aasikasuhin mo ang hospital bills ng mother mo, isama mo si Millie." Biglang lumapit sa kanila ang kasama nitong secretary na sa malapitan ay mukhang higit na mas bata pa pala sa kaniya. "Pay the bills for her, honey."
Nanlaki ang mga mata ni Sylve nang marealize ang gusto nitong gawin. Marahas siyang umiling. "Thank you for the offer but I will decline. Nabayaran ko na halos lahat kahapon. Kaunti na lang ang ise-settle ko ngayon."
Tumaas ang isang kilay ni Matilda. "Are you sure?"
Itinaas ni Sylve ang noo at determinadong sinalubong ng tingin ang mga mata nito. "Sigurado po ako."
Ilang segundong nagtitigan lang sila bago ito nagkibit balikat. "Okay then." Humarap na ito kay Keith at nagpaalam. Yumuko uli ang lalaki at nagpalitan ang mga ito ng halik sa pisngi. Pagkatapos may kung anong binulong si Matilda sa tainga ng lalaki.
Parang may lumamutak sa sikmura niya nang biglang ngumiti si Keith. Mukhang ikinatuwa nito ng husto ang kung ano mang sinabi ng matandang babae.
"See you, Sylve. You two should have dinner with me soon. Isama niyo si Yona." Tipid na ngumiti si Matilda St. Clair at saka tuluyang umalis.
"Anong sinabi niya sa 'yo?" hindi nakatiis na tanong ni Sylve kay Keith makalipas ang ilang sandali.
Ngumisi ang lalaki at hinawakan ang kamay niya imbes na sumagot. "Ayusin na natin ang hospital bills. Baka naiinip na ang pamilya mo."
"Hindi mo sasagutin ang tanong ko?"
"Later, honey."
"Promise?"
Sinulyapan siya nito at ngumiti. "I promise."
KUNG HINDI dahil kay ate Abby at Keith, malamang naging nakakailang at tahimik ang biyahe papunta sa Antipolo. Tanong ng tanong ang kapatid niya at game naman sumagot ang lalaki. Kung anong trabaho nito, saan nakatira, anong pinagkakaabalahan at kung anu-ano pang mababaw na topic.
Kaya nagulat si Sylve nang makalipas ang isang oras na biyahe biglang nagtanong ang tatay niya. "Nanay mo ba ang babaeng kausap mo kanina?"
Nagkatinginan sila ni ate Abby, parehong nagulat na interesado ang kanilang ama kay Keith.
"Hindi po. Namatay na po ang parents ko noong teenager pa ako. Hindi kami blood related ni Matilda pero iniligtas niya ang buhay ko maraming taon na ang nakararaan. Malaki po ang utang na loob ko sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...