"MOMMY! Bakit wala pa si mister? Sabi mo po darating siya?"
"Mamaya pa siya darating. Nagpalit ka na ba nang pambahay? Inilagay mo ba sa washing machine ang mga hinubad mong damit? Maglalaba ako mamayang gabi," litanya ni Sylve na hindi inaalis ang atensiyon sa hinihiwang patatas.
"Nalagay ko na po. Bakit ang tagal po ni mister?" pangungulit pa rin ni Yona. Kumunot ang noo niya, ibinaba ang kutsilyo, pumihit paharap sa kanyang anak at namaywang. Alam niya nagkasundo sila ni Keith na kailangan maging palagay ang loob ng bata rito. Pero hindi pa rin maiwasan ni Sylve makaramdam ng possesiveness at takot na baka maagaw nito ng tuluyan ang kanyang anak.
"Bakit ka excited? Kahapon lang natin siya nakilala. Hindi pa natin siya lubos na kilala. Ano ang palagi kong sinasabi sa 'yo? Huwag ka magtitiwala sa strangers."
"Mommy hindi naman po siya stranger. Kaibigan mo siya. Saka mukha naman pong mabait si mister. Hindi ka naman po magkakaroon ng friend na bad guy, 'di ba?"
Nawalan ng sasabihin si Sylve, nagulat na naman sa talas ng isip ni Yona. Lalo tuloy niyang na-re-realize na lumalaki na talaga ito. Napabuntong hininga siya at sinenyasang lumapit ang bata. "Tulungan mo na nga lang ako maghanda ng dinner para hindi ka naiinip kakahintay."
Ngumisi ang batang babae at mabilis na lumapit sa kaniya. Sa sumunod na mga sandali tinuruan niya ito kung paano magluto ng pochero. Taga abot niya si Yona ng kung anu-ano at taga hugas ng gulay at karne. Ang anak pa niya ang naglagay ng mga plato at utensils sa lamesa. Napapangiti si Sylve sa tuwing mapapatingin dito. Gusto niya paglaki ng bata, maging part ng happy childhood memories nito ang ganitong klase ng simple pero espesyal na sandaling magkasama sila.
Katatapos lang niya maluto ang ulam nang makarinig sila ng sunod-sunod na katok. Tumalon ang puso ni Sylve. Alam niya kung sino ang nasa labas. Huminga siya ng malalim, nagpunas ng mga kamay at naglakad palapit sa pinto.
Nagsalubong agad ang mga mata nila ni Keith nang pagbuksan niya ito. Itinaas nito ang plastic bag ng ice cream at alanganing ngumiti. "Good evening."
Marahang tumango si Sylve, niluwagan ang bukas ng pinto at gumilid para makapasok ito sa loob. Lumawak ang ngiti ng lalaki at may kumislap na emosyon sa mga mata. "Thank you," sincere na bulong pa nito. Na para bang big deal para rito na hinayaan niya ito makapasok sa apartment niya. At siguro nga totoo na big deal iyon. Because letting him inside their home is also the same as letting him into their lives.
"Mister! Nandito ka na!" masiglang bati ni Yona na tumakbo pasalubong kay Keith.
Tahimik na isinara ni Sylve ang pinto bago pinagmasdan ang dalawa. Ipinakita ng lalaki ang bitbit na ice cream at halos magtatalon sa tuwa ang bata. Tinitigan niya si Keith. Parang may lumamutak sa sikmura niya nang makita ang pagsuyo at pagmamahal sa mukha nito habang nakatingin kay Yona.
"Mamaya mo na 'to kakainin. Pagkatapos ng dinner."
"Hindi puwedeng kahit tikim lang, mister? Please po."
"Well..." Biglang lumingon sa kaniya si Keith. Napakurap si Sylve at uminit ang mukha kasi nahuli nitong nakatitig siya rito. "Puwede ba raw siya tumikim ng ice cream kahit hindi pa siya kumakain ng dinner?" nakangiting tanong ng lalaki.
Napatingin siya kay Yona na nakatitig na rin sa kaniya at nagpapaawa ang mga mata. "Please mommy."
May bumikig sa lalamunan ni Sylve. Kasi ngayong parehong nakatitig sa kaniya ang mga ito, mas lalo niya nakikita ang pagkakahawig ng dalawa. Tumikhim siya, binawi ang tingin at mabilis na naglakad papunta sa dining table. "Hindi puwede. Kumain muna tayo. Wash your hands na, Yona."
Narinig niyang umungol ang anak pero alam niyang susunod din naman sa kaniya. Katunayan narinig pa niyang kinausap nito si Keith. "Akin na po muna 'yang pasalubong mo, mister. Lalagay ko po muna sa ref. Wash ka na lang din po ng hands. Ayaw ni mommy kumakain na marumi ang hands. Magkakasakit daw po tayo."
Mahinang tumawa ang lalaki. "You have a great mom, Yona."
May init na humaplos sa dibdib ni Sylve sa narinig. Mabuti na lang nakatalikod siya, kung hindi makikita ni Keith na namasa ang kanyang mga mata.
NAKAUPO na silang tatlo paikot sa dining table nang biglang magtanong si Yona, "Bakit ka po pala dito sa amin nakikikain, mister? Wala ka pong kasabay mag dinner sa inyo?"
Muntik na mahirinan si Sylve pero hindi nagsalita, hinintay ang magiging sagot ni Keith na mukhang hindi naman nagulat sa tanong ng bata. Kalmado pa nga itong lumunok bago ngumiti at sinabing, "Tama ka. Wala akong kasabay kumain sa amin. Ako lang mag-isa doon ngayon. Hindi masarap kumain mag-isa, 'di ba?"
"Opo. Kawawa ka naman pala, mister. Dito ka na lang kumain sa amin kapag nalulungkot ka na mag-isa."
Napansin ni Sylve na natigilan si Keith bago ngumiti at hinaplos ang ulo ni Yona. "Salamat sa invitation."
Katulad noong nasa kotse sila, hinayaan niyang mag-usap ang dalawa buong dinner. Nagsalita lang siya sa simula, nang purihin ni Keith ang luto niyang ulam. Kung hindi lang niya napansin na magana ito kumain at nilalasap ang bawat subo, iisipin ni Sylve na nambobola lang ito. Mukhang totoong matagal nang hindi nakakatikim ng lutong bahay ang lalaki.
Pagkatapos kumain nagboluntaryo si Keith na maghuhugas pero tumanggi siya. "Bawal sa amin ang paghugasin ng pinggan ang bagong bisita. Doon na muna kayo ni Yona sa sala."
"Pero –"
Pareho silang nagulat nang hawakan ng batang babae ang kamay ni Keith. Tiningala pa nito ang lalaki at matamis na ngumiti. "Ipapakita ko po sa inyo ang mga medal ko sa tae kwon do at sa school, mister."
Napatingin kay Sylve ang lalaki. Tumango siya. "Pagbigyan mo na. Hindi niya basta pinapakita sa kung sino lang ang mga medal niya. That only means she likes you."
May dumaang emosyon sa mga matani Keith. Para pa ngang namasa ang mga iyon. Pero binawi na nito ang tinginbago pa makumpirma ang nakita. Game na sumama ito kay Yona papuntang sala. Sinundanni Sylve ng tingin ang dalawa na magkahawak pa rin ang mga kamay bagopasimpleng bumuntong hininga at humarap sa lababo.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomansaNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...