Part 21

26.5K 868 51
                                    


HALOS dalawang linggo mula nang umalis si Keith, saka lang nalaman ni Sylve kung ano talaga ang work related trip na tinutukoy nito nang magpaalam sa kaniya. Isang araw pagkatapos tumawag ng lalaki, maaga siya nagpunta sa travel agency para isupervise ang kanyang staff. Naabutan niya ang mga itong halos magdikit na ang mga mukha habang nakatitig sa screen ng cellphone, parang may pinapanood na nakakakilig. Ngiting ngiti kasi ang staff niya at halatang na e-excite.

"Anong ginagawa ninyong dalawa diyan ha?"

Gulat na napatingala sa kaniya sina Stella at Sonia. Pero sandali lang ngumisi na ang mga ito, tumayo at lumapit sa kaniya. "Ma'am Sylve! Hindi mo sinabi sa amin na big time pala si pogi na sinama mo dito dati. Kayo ha, masyado kayo malihim sa amin!"

Napakurap siya. "Si Keith ba ang tinutukoy niyo?"

"Siya nga. Tingnan niyo po ito, trending siya sa twitter at facebook at number one ang pangalan niya sa yahoo at google searches. Siya pala si Kelly Hart ma'am! Avid fan ako eh. Kumpleto ako ng mga libro niya," excited na sabi ni Stella.

"Ha? Anong sinasabi niyo?" nalilitong tanong ni Sylve. Inabot ni Sonia sa kaniya ang cellphone at pinapanood ang clip ng isang American entertainment show. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Keith, guwapong guwapo sa suot na black suit at confident na sumasagot sa tanong ng babaeng interviewer. Base sa video at sa headline na kasama niyon, nareveal nga na ang lalaki ang sikat na erotic writer na si Kelly Hart. Na nasa Amerika ito kasi gagawing pelikula ang latest book trilogy na sinulat nito.

"Akala ko talaga dati, babae si Kelly Hart. Ang galing galing kasi niya magsulat tapos palaging point of view ng babae. Nakakagulat na nakakatuwa na lalaki pala siya. Ganiyan pa ka-hot. Sigurado dadami lalo ang readers niya," sabi na naman ni Stella. "At kaibigan mo pa siya, ma'am Sylve! Ang saya-saya. Hihingi ako ng autograph niya sa susunod na pagbisita niya rito ha?"

Hindi siya kumibo, tulala pa rin sa screen ng cellphone. Alam niya na writer si Keith pero hindi niya inaasahan na international bestselling author pala ito. The interviewer called him a 'royalty millionaire'. Lahat kasi ng libro nito nakabenta nang halos isang milyong kopya sa buong mundo.

Nakakamangha kasi walang ka-ere-ere sa katawan ang lalaking nakilala ni Sylve sa loob ng lampas isang buwan. Kompiyansa ito sa sarili pero hindi mayabang. Very successful pero simple mamuhay. In short, Keith Rivero was an amazing man. To the point na kung tutuusin kayang kaya nitong puwersahang agawin sa kaniya si Yona pero hindi nito ginawa.

"Ma'am Sylve? Puwede ko na ba kunin ang cellphone ko? May parating nang kliyente."

Kumurap siya at mabilis na inabot kay Sonia ang gadget. Pagkatapos naglakad na siya papunta sa kanyang lamesa. "Magtrabaho na tayo. Huwag niyo na siya pag-uusapan at nadi-distract kayo."

"Mas distracted ka nga sa amin, ma'am. Miss niyo na 'no?" tudyo ni Stella.

Nanlalaki ang mga matang tinapunan niya ng tingin ang dalawa. "Trabaho na."

Tumawa ang mga ito pero tumalima naman. Napailing na lang si Sylve. Sa sumunod na mga oras tinangka niyang itutok ang buong atensiyon sa trabaho. Pero madalas, sumusulpot sa isip niya si Keith.

Kasi naman, hindi alam ng staff niya pero avid reader din siya ni Kelly Hart. Lahat ng libro nito nakahilera sa bookshelf niya. Imposibleng hindi napansin ng lalaki ang mga iyon pero wala itong naging komento tungkol sa collection niya kahit isang beses lang. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit naging bothered si Sylve nang malaman na si Keith pala ang hinahangaang author.

What bothers her the most was that all these years, she felt like there were truths hidden inside his stories. Iyong darkness, sadness at intensity na mararamdaman sa mga libro ni Kelly Hart, iyong twisted at tortured characters, imposibleng one hundred percent fiction lang iyon. Sigurado siya na kahit papaano may hugot ito sa tunay na karanasan. Kaya ngayon naiisip ni Sylve kung anong klase ng buhay ang meron si Keith noon. What has he been through to be able to write such depressing yet deep and beautiful stories? Pagbalik nito, sana magkaroon siya ng chance na malaman ang sagot sa kanyang mga tanong.

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon