"SYLVE, wake up. Nandito na tayo."
Disoriented na dahan-dahang dumilat si Sylve, naningkit ang mga mata nang masilaw sa liwanag. Ilang segundo bago niya na-realize na nakaupo siya sa passenger's seat ng kotse na pamilyar sa kaniya. Anong ginagawa niya roon? Saan nakahinto ang sasakyan na ito?
"Nalayuan ka ba masyado sa biyahe? Sorry, love. I just want to show you something before I leave."
Natigilan si Sylve nang marinig ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang maramdaman ang pamilyar na kamay na masuyong humahaplos sa kanyang buhok. Dumeretso siya ng upo at dahan-dahang lumingon sa driver's seat.
Umawang ang bibig ni Sylve nang makita ang lalaking nakaupo sa tabi niya. Si William.
This must be a dream then. Kasi alam niyang sa panaginip na lang niya puwede makita ang lalaki. Napatitig siya sa guwapo nitong mukha na minsan nahihirapan na siya alalahanin. Pinagmasdan niya ang maganda nitong mga mata, ang matangos na ilong at ang mga labing palagi may mainit at mabait na ngiti. Pinansin ni Sylve ang kutis nitong nagiging darker ang kulay sa bawat balik galing sa kung saan ito nadedestino. Ganoon din ang buzz cut hairdo nito at ang balingkinitang katawan na humahakab sa suot na fitted black shirt at fatigue pants. Ito talaga si William more than ten years ago.
"Sylve? Inaantok ka pa ba? You look dazed," nakangiti pa ring sabi nito.
Biglang parang may lumamutak sa puso niya. Namasa ang kanyang mga mata at kinailangan kagatin ang ibabang labi para hindi mapahikbi. Ang tagal na mula nang mapanaginipan ni Sylve nang ganito kalinaw si William. "I missed you," mahinang bulong niya. "Bakit ngayon mo lang uli ako dinalaw? Ang dami ko gusto sabihin sa 'yo."
Tumawa ang lalaki at pinisil ang kanyang pisngi. "Alam mo naman na hindi ako basta nakakauwi kapag naka-duty ako. Ikaw naman, paalis pa lang ako uli, na mi-miss mo na ako? Don't be sad, love. Labas muna tayo. May ipapakita ako sa 'yo." Pagkatapos tinulungan pa siya nito hubarin ang seatbelt niya bago lumabas ng sasakyan at umikot para buksan ang pinto sa kanyang tabi. Nakangiting inilahad ni William ang kamay para alalayan siya.
Lutang pa rin na inabot ni Sylve ang kamay rito. May kumislap kaya napansin niya ang engagement ring na nakasuot sa ring finger niya. May bumara na naman sa lalamunan niya, gusto na naman maiyak. Lalo na nang pisilin ni William ang kamay niya at hilahin siya palabas ng kotse. His touch feels so nostalgic and... real. Hindi tuloy siya makapagsalita at hinayaan itong dalhin siya papasok sa isang bakuran. Lalo lang namasa ang mga mata niya nang makita ang two storey house na nasa harapan nila.
"Surprise!" masiglang sabi ng lalaki na tuwang tuwang itinuro ang bahay. "Our house is finally done, Sylve. Fully furnished na sa loob at napalagyan ko na rin unti-unti ng mga gamit." Hinila na naman siya nito at binuksan ang pinto para makapasok sila sa loob.
Tuluyang tumulo ang luha niya nang mapatingin sa isang buong pader sa ground floor. Puno iyon ng mga picture frame na may larawan nila ni William mula noong bago pa lang sila magkasintahan hanggang sa maging engaged. Palaging may matamis na ngiti sa mga labi nila at kahit sino ang makakita, siguradong mapapansin kung gaano sila kasaya. Natatandaan ni Sylve na ang mga larawang iyon ang ginamit nitong disenyo sa restaurant kung saan ito nagpropose sa kaniya.
"Memory wall," paos na nasabi niya habang tinitignan ang mga larawan. Iyon ang tinawag nito roon noong ibida nito sa kaniya ang pader na iyon.
"May gusto pa ako ipakita sa 'yo." Pinisil na naman ito ang kanyang kamay at katulad kanina parang totoong totoo iyon. Ganito talaga hawakan ni William ang kamay niya noon. Pati ang paghila nito sa kaniya kapag excited, ganitong ganito rin.
Umakyat sila sa second floor at hindi pa man nakakarating alam na ni Sylve kung ano ang ipapakita nito sa kaniya. Ang master's bedroom na kumpleto na ang furnitures kompara sa ibang parte ng bahay. Humakbang sa harapan niya si William at pilyong kumindat. "I bought the biggest bed."
Magkahalong tawa at hikbi ang naging sagot ni Sylve. "Ewan ko sa 'yo. Hindi bagay sa 'yo magkunwaring makamundo. Ikaw kaya ang pinaka conservative na lalaking nakilala ko."
Wala siguro maniniwala pero sa loob ng maraming taong relasyon nila, hanggang halik, yakap at haplos lang sila. Everytime they are about to go all the way he will stop. Kahit na halatang nahihirapan, pinaninindigan nito ang pangako na ihaharap muna siya sa dambana bago may mangyari sa kanila.
Natawa si William, hinila siya at mahigpit na niyakap. "But don't think I'm lousy in bed, okay? Gusto ko lang itreasure ka. Gusto ko ang first night natin mangyayari kapag misis na kita. Imbes na sa kung saang lugar tayo magpunta, gusto ko after ng kasal natin dito tayo sa bahay natin dederetso. I want to spend our first time together here."
Kumirot ang puso niya, isinubsob ang mukha sa dibdib nito at gumanti ng mahigpit na yakap. Alam ni Sylve na panaginip lang ang lahat kaya gusto niya sulitin ang tanging pagkakataon na mararamdaman niya ito nang ganito. "William," bulong niya na hindi dumidilat. "Thank you for everything. Salamat at nakilala kita sa panahong akala ko hindi ko maeexperience maging masaya. Salamat kasi binigyang kulay mo ang buhay ko. Pero sorry din. Sabi ko noon ikaw lang ang mamahalin ko habambuhay." Hinigpitan niya ang yakap sa lalaki at hinayaan na ang sariling umiyak ng malakas. "Sorry, hindi ko matutupad ang pangako ko."
Bigla naramdaman niya ang mabining halik nito sa tuktok ng kanyang ulo. Pagkatapos bumulong ito sa tainga niya. "Kailangan ko na umalis. Huwag ka na umiyak. Mas gusto ko na masaya ka lang palagi. Iyon lang ang gusto ko Sylve."
Niluwagan ni William ang yakap at dahan-dahan siyang inilayo sa katawan nito. Pagdilat niya na-realize ni Sylve na wala na sila sa loob ng bahay na dapat titirhan nila pagkatapos nila ikasal. Nakatayo na sila sa entrada ng NAIA, napapalibutan ng iba pang mga sundalo kasama ang mga kapamilyang naghatid din.
Sa background parang naririnig niya ang boses ng tatay at ate niya. Ganoon din ang boses ng pamilya nito. Pero kay William lang siya nakatingin. Complete uniform na ang suot nito ngayon, kasama pati ang sombrero. Masuyo ang ngiti nito nang ikulong ng mga kamay ang magkabilang pisngi ni Sylve. Pinahid ng mga hinlalaki nito ang mga luha niya. "I love you."
Napahikbi na naman si Sylve. "I loved you."
Tumango ito, para bang naintindihan kung bakit past tense ang ginamit niya kahit hindi na siya magpaliwanag. "Meeting you was one of the best things that happened in my life, Sylve. Bawat araw ng buhay ko mula nang makilala ka, naging masaya at kuntento ako. Aalis ako ngayon at kung sakaling may mangyari sa akin habang nasa Mindanao ako... gusto ko na tatagan mo ang loob mo. Gusto ko na maging masaya ka. Gusto ko na magmahal ka uli. That's how much I love you, Sylve."
Nanlabo ang paningin niya sa kakaiyak. Yumuko si William at hinalikan ang kanyang noo. Pagkatapos umatras na ito at tuluyang bumitaw sa kaniya. Hinawakan nito ang handle ng malaki nitong maleta, nginitian siya, sumaludo at saka naglakad na papasok sa departure area.
Napasunod ng tingin si Sylve, gusto humabol pero ayaw gumalaw ng kanyang mga paa. Her heart feels like breaking. Kasi alam niya na iyon ang huling beses na makikita niya si William. Ilang beses ba niyang nabalikan ang alaala na iyon at nahiling na sana tinawag niya ang pangalan nito para makita man lang uli ang mukha nito? Ilang beses ba niya binalikan ang mga salitang sinabi nito at nahiling na sana kinutuban siya at pinigilan na lang ito umalis?
Ibinuka niya ang bibig, balak sana itong tawagin. Pero wala nang lumalabas na tunog mula sa bibig niya. Nawala rin ang ingay sa paligid at ang tanging naiwan ay ang lagutok ng gulong ng maleta ni William. Habang palayo ang lalaki, palakas naman ng palakas sa pandinig niya ang ingay na iyon. Takatak. takatak...
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...