RAMDAM na ramdam ni Sylve ang saya ni Yona nang pumasok sila sa sinehan. Narealize tuloy niya na ang tagal na nga mula nang ilabas niya ang anak niya. Masyado siyang naging busy sa mga raket niya sa nakaraang mga buwan kasi may tinatarget siyang halaga na dapat maipon sa bangko bago matapos ang taon. Ang nangyari tuloy, hindi na niya napapasyal si Yona. Hindi ito mareklamo kaya hindi niya napansin na nasasabik din ito siyempre sa mga ganitong lakad. Dahil nga na-guilty siya, binili pa niya ang bata ng malaking popcorn at soda kahit usually hindi niya ito pinapayagan mag over indulge sa junk foods. Lalo tuloy ito natuwa at nakailang 'I love you' sa kaniya.
Pagkaupo nila sa designated seats, pinagitnaan siya ni Yona at ni Keith. Sakto ang pagdating nila sa pagsisimula ng pelikula. Nang masiguro niyang nakafocus sa palabas ang bata ay inilapit niya ang bibig sa tainga ng lalaki para bumulong, "Salamat sa pangungulit sa akin na lumabas ngayon. She's so happy."
Umayos na si Sylve ng upo at tumigil sa giant screen nang si Keith naman ang yumuko at bumulong sa kanyang tainga. "Hindi lang 'to para sa kaniya. Para rin ito sa'yo. She told me how hard you work since last year. Hindi maganda sa kalusugan ang puro trabaho lang. You need to balance work and play. At kaya siya masayang masaya kasi nakikita ka niyang nag eenjoy. I should know since pareho kami ng nararamdaman."
Gulat na napalingon siya. Kasi hindi pa pala nito nilalayo ang mukha sa kaniya kaya halos magdikit ang mga labi nila. Ngumiti ito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Pagkatapos naramdaman niyang ginagap nito ang isang kamay niyang nakapatong sa arm rest. "Watch the movie Sylve. Para kapag nagtanong siya mamaya may makakasagot sa ating dalawa," bulong ni Keith.
"Bakit ikaw anong gagawin mo?" ganting bulong niya.
He gave her a sexy smile that turned her knees to jelly. "Mas gusto kita panoorin kesa sa palabas."
Naningkit ang mga mata ni Sylve kahit sa totoo lang tinablan siya ng cheesy pick up line nito. "Ang landi mo."
Mahina itong tumawa. Mabuti na lang nakakatawa yata ang eksena kasi tumawa rin ang mga nanonood. Pagkatapos inilapit na naman ni Keith ang bibig sa tainga niya at sinabing, "But you like it."
Surprisingly, yes. Pero hindi niya iyon sinabi. Sa halip mahina niya itong siniko sa tagiliran at sinenyasan na sa screen tumingin. Umiling ito. Pigil ang ngiti na si Sylve na lang ang tumitig sa palabas. Hindi na niya nilingon si Keith na buong duration nga ng movie na sa kaniya lang nakatingin.
PAGKATAPOS manood ng sine nagulat si Sylve na imbes na kumain silang tatlo sa gustong fastfood chain ni Yona o sa kahit anong kainan sa loob ng mall ay inakay sila ni Keith papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse nito. "Gusto ko kayo dalhin sa paborito kong kainan. Hindi ka pa naman gutom na gutom, 'di ba Yona?"
"Hindi pa po. Pero tito, may spaghetti at chicken po ba 'don?"
Ngumiti ang lalaki at malambing na ginulo ang buhok ng bata. "Meron. Sakay na para makarating tayo agad."
Masiglang pumasok sa likod ng sasakyan si Yona. Nagkatinginan sina Sylve at Keith at parehong natawa. Pagkatapos sumakay na rin sila.
Ilang minuto lang ang lumipas, nakarating na sila sa Chef Derek's. Nagulat siya nang makababa silang tatlo. "Paboritong restaurant din ito nila Jesilyn at Sheila. Palagi ko sila naabutan na kumakain ng take out food galing dito."
"Really? Then natikman mo na ang pagkain dito? Sabihin mo sa akin ngayon pa lang kung hindi ka nasarapan para sa iba na lang tayo."
"Are you crazy? Nasarapan kaya ako. Matagal ko na gusto magpunta kaso hindi ako makakuha ng tiyempo. Let's go," excited na sagot ni Sylve.
Ngumisi si Keith, mukhang nakahinga ng maluwag at saka inabot ang isang kamay niya. "I'm glad to hear that." Pagkatapos bumaling na ito kay Yona at inakbayan ito. Saka sila pumasok sa restaurant.
Nagustuhan ni Sylve ang interior ng Chef Derek's. Pinoy na pinoy ang dating at kahit classy ang ambiance at halatang may kaya ang mga customer na naabutan nila sa loob ay hindi nakakailang. Bukod sa sobrang tuwa ni Yona nang makita ang open kitchen kung saan makikitang pine-plaiting ang inoorder na pagkain. Dinala sila ng isang waitress sa lamesa na malapit sa counter kung saan ginagawa ang drinks. Napabuntong hininga siya nang maamoy ang aroma ng brewed coffee.
Mayamaya nagulat si Sylve na imbes na ang waiter ang lumapit sa kanila para mag abot ng menu ay isang guwapong lalaki na nakasuot ng chef uniform ang dumating. Masaya nitong tinapik ang balikat ni Keith. "Hey. Ngayon ka lang napadpad dito ah."
"Ang bilis mo naman lumabas, hindi pa ako nagsasabi sa manager mo ah," gulat na sagot ng lalaki.
Tumawa ang chef. "Kapapasok niyo pa lang tumakbo na sa kusina ang waitress ko na kilig na kilig. Avid fan mo raw. Mag papicture ka kasama sila mamaya, ha? Request nila."
Napangiwi si Keith. "Derek, I'm not a celebrity."
Kumunot ang noo ng chef. "Are you kidding me?" Pagkatapos biglang bumaling kay Sylve at manghang itinuro si Keith. "Seryoso ba siya sa sinasabi niya? He really doesn't see himself as someone famous?"
Napangiti siya at umiling. Pagkatapos mabilis niyang kinuwento ang nangyari kanina sa mall. Natawa ang lalaki at biglang inilahad ang kamay sa kaniya. "I'm Derek, by the way. Kaibigan ako nitong si Mr. Famous Writer. You must be Sylve."
Sa totoo lang, hindi na siya nagulat na kaibigan ni Keith ang may-ari ng Chef Derek's. Palagi naikukuwento nina Jesilyn, Sheila at Lyn kung anong klase ng mga lalaki ang nakatira sa Bachelor's Pad. Kasama na roon ang asawa ng mga ito. Ang mas ikinagulat niya kilala siya ni Derek at mukhang pati ang anak niya kilala rin ng lalaki. Kasi ang bata naman ang nginitian nito. "And this pretty girl is Yona. Hello, Yona."
"Hello po," magalang na sagot ng anak niya.
Hinuli ni Sylve ng tingin ang mga mata ni Keith. Parang nilamutak ang sikmura niya nang makumpirma sa mukha nito ang kanyang hinala. Alam ni Derek ang tunay na pagkatao ni Yona. Mula sa ilalim ng lamesa naramdaman niyang inabot ni Keith ang kamay niya at pinisil iyon. Na para bang sinasabing, I will explain everything later. Pasimple siyang huminga ng malalim at tipid na tumango bilang sagot sa silent message nito.
"Pero bakit wala pong spaghetti dito?" biglang tanong ni Yona na binubuklat ang menu at hinahanap ang picture ng gusto nito kainin.
"Iyon ba ang gusto mo? Sige, iluluto ko," nakangiting sagot ni chef Derek.
"Naku, huwag na kung wala talaga sa menu. Kakainin niya kahit ano," mabilis na sagot ni Sylve.
"Don't worry. Madali lang naman 'yon. Ako nang bahala. Kapag nagpupunta rin dito ang iba kong kaibigan na may dalang bata, nagluluto ako nang wala sa menu. Last time pa nga baby food pa ang ginawa ko para sa anak nila Ryan at Jesilyn. Magaling ako gumawa ng spaghetti, I swear. Favorite din 'yon ng anak ni Jay at Cherry."
"Hayaan mo na siya sa gusto niya gawin, Sylve. It's really okay," nakangiting sabi ni Keith.
Medyo nahihiya pa rin siya pero nginitian na si chef Derek. "Salamat."
Gumanti ng ngiti ang lalaki. "So, anong order niyong dalawa?"
Hinarap na rin nila ang menu at sinabi ang gusto nila kainin. Pagkatapos makipagkwentuhan sandali nagpaalam na si Derek at bumalik sa kusina. Mayamaya pa nagsimula na magdaldal si Yona tungkol sa pinanood nito. Gaya ng inaasahan ni Keith ang daming tanong ng bata na kung hindi siya nanood baka hindi niya masagot. Nabawasan lang ang pagsasalita nito nang dumating ang mga pagkain nila.
By that time, relaxed at masaya na uli si Sylve. Hindi na siya bothered na alam ng kaibigan ni Keith ang tungkol sa bata. Sigurado naman siya na mabibigyan siya ng lalaki ng magandang dahilan kapag nagkaroon ito ng chance magpaliwanag. Kaya inenjoy na lang niya ang dinner nila.
BINABASA MO ANG
Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOY
RomanceNa kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dark and dirty past which he tried to forget. Except for one thing: his missing daughter, Yona. At pag...