Part 46

26.9K 715 51
                                    

"SAAN tayo pupunta? Baka naiinip na si Yona. Dapat puntahan na natin siya," nanginginig ang boses na sabi ni Sylve, hindi pa rin nagagawang kalmahin ang sarili.

Inakay siya ni Keith papasok sa elevator bago ito nagsalita, "Hindi ka puwede magpakita kay Yona na ganiyan ang hitsura mo. Magpapahangin muna tayo."

Sumara ang pinto ng elevator at pinindot nito ang button para sa top floor na ayon sa directory sa ground floor lobby ay para sa mga super VIP patients at opisina ng matataas ang posisyon sa ospital na iyon. Humigpit ang hawak ni Keith sa kamay niya nang makalabas sila sa elevator. "This way."

Namangha si Sylve nang akayin siya nito papunta sa kung saan. Sigurado ang bawat hakbang nito na para bang kabisadong kabisado ang floor na iyon. Mayamaya pa nakarating sila sa dulo ng isang hallway, lumabas sa pinto ng fire exit at inakyat ang ilang baitang na hagdan hanggang makarating sila sa rooftop ng ospital.

Malakas at malamig na hangin ang humampas sa buo niyang katawan paghakbang nila palayo sa pinto. Biglang nawala ang pagkalutang ni Sylve. Para siyang nagising mula sa pagkakatulog. Pumikit siya at paulit-ulit na huminga ng malalim hanggang mawala ang nagkakagulong emosyon sa kanyang dibdib.

Saka lang dumilat si Sylve nang maramdaman niyang kalmado na siya. At nang lumingon, nakita niyang mataman lang na nakatitig sa kaniya si Keith. Malungkot at nahihiya siyang ngumiti. "I look like a horrible person back there, aren't I?"

Umiling ito at hinawi ang buhok niyang tumakip sa kanyang mukha. "You look like a daughter who hates and loves her mother at the same time and it confuses you. Kasi hindi mo alam kung alin ang paiiralin mo."

May bumikig sa lalamunan ni Sylve at humapdi ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Keith. "I really like how you always know what I feel even when I don't know how to describe it in words."

Tipid na ngumiti ito at hinalikan ang kanyang noo bago sumagot, "May telephatic powers yata ako pagdating sa 'yo."

Sandali siyang napangiti pero sumeryoso uli. "I really hate her you know."

Niyakap siya ni Keith. "For a good reason."

Isinandal ni Sylve ang noo sa balikat nito at pumikit. "Akala ko kapag nakita ko siya wala akong mararamdamang kahit ano. Pero mali ako. When I saw what she had become, I felt like someone was tearing my heart apart. Bigla akong natakot sa posibilidad na puwede siya mamatay ano mang sandali. Na hindi ko dapat nararamdaman kasi halos hindi ko naman siya kasama buong buhay ko."

Hinaplos ni Keith ang buhok niya. "Manipis lang ang linyang nakapagitan sa love at hate, honey. Minsan pa nga, parehong emosyon lang iyon na nararamdaman ng isang tao sa magkaibang sitwasyon. You hate her but you love her and that's normal since no matter what happened between the two of you, she was still your mother."

Umiling siya. "Sapat na bang ipinanganak niya ako para matawag siyang ina?"

Humigpit ang yakap sa kaniya ng lalaki. "Maraming klase ng magulang. May kadugo, may hindi. May mapagmahal at maalaga na katulad mo at meron din namang malamig at pabaya. But you see, a parent-child relationship is very complicated. It's like an invisible thread that connects them to each other. At kapag nabuo na ang koneksiyon na iyon, mahirap na kalimutan at itapon.

"Tingnan mo ako at si Yona. Hindi ko siya nakasama habang lumalaki siya, ni hindi ko nga siya nakita ipanganak, pero palagi ko siya naiisip sa nakaraang mga taon. At nang magkita kaming dalawa, parang may espasyo sa puso ko ang biglang napuno. Ganoon din sa point of view ng anak, Sylve. Maki, my bestfriend, grew up not knowing his real parents. Buong buhay niya may kulang sa kaniya at nakita niya ang kakulangan na iyon nang matagpuan siya ng tunay niyang ina."

Bachelor's Pad series book 14: THE REFORMED PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon