CHAPTER 2: Mission

1.4K 37 5
                                    





Malapad ang aking ngiti habang nakatitig sa napaka-laking mansyon sa aking tapat. Titig na titig ako dito. Halos para akong maiiyak ako sa tuwa dahil pakiramdam ko. Napakatangal ng panahon simula ng makarating ako dito.

Sariwa pa sa aking isipan ang mga naging ala-ala ko sa mansyon na ito. Simula ng ako'y magsimula bilang Capo ng Organisasyong pinasa sa akin ni Daddy.

Masaya ako dahil na bigyan ako ni Lord ng pagkakataon na mabuhay ulit at manatili sa lugar na ito. Dahil ito ang tahanan ko kasama ang iba pang mafioso na bumubuo sa Organisasyon.

"Welcome back, Lord A."mahina kong bulong at naglakad na palapit sa mansyon.

Kusang bumukas ang glass door nito kaya tahimik akong pumasok. Ang malakas na simoy ng aircon ay agad kong naramdam sa balat ko. Luminga ako sa paligid at nakita kong busy ang mga staff na narito sa kanilang mga trabaho.

Wala pa ring pinagbago. Atleast, maayos nilang ginagawa ang kanilang dapat gawin.

Nagsimula na akong maglakad papuntang elevator. Plano kong pumunta sa opisina ko. Upang tignan ang mga naiwang trabaho ni Ace. Pero bago yun gusto ko munang pumasyal dito sa mansyon. Dahil matagal nga akong nawala.

Pagbukas ng pinto ng elevator ay iniluwa nito ang mga taong hindi ko inaasahang makita.

Si Bachetti, Tedesco at Chiaromonte.

Akmang ibubuka ni Bachetti ang kaniyang bibig upang magsalita ng bigla ko siyang yakapin.

"Mga Ungas!"masaya kong sambit.

Pagtapos yakapin si Bachetti ay sinunod ko si Tedesco. Tapos ay si Chiaromonte. Mabilis din akong kumalas at tumawa ng tumawa.

"Masaya akong nakita kayo. Wala pa rin kayong pinagbago. Mukha pa rin kayong tanga."nakangiti kong sabi.

Hindi sila nagsalita. Nagkatinginan silang tatlo sa isat-isa na tila nagtataka sa akin.

"Kung makayakap ka naman parang matagal mo kaming hindi nakita."natatawang sabi ni Chiaromonte.

Tumango tango si Tedesco.

"Oo nga. Samantalang, two weeks ago. Nagkita lang tayo dito."sabi nito.

Umiling iling si Bachetti.

"Mga Ungas, ina-amin lang ng isang yan na mahalaga tayo sa kaniya kaya ganyan siya."

Napahalakhak ako ng malakas sa narinig. Infairness, nakakamiss silang makita at makausap. Lalo na sa loob ng maraming taon ay madalas ko silang makausap kapag nandito ako sa Apex Mansion.

Walang pinagbago ang mga ugali at kilos nila. Pero ang mga itsura may kaunting pagbabago. Si Chiaromonte, medyo nag matured ang datingan dahil naka-salamin na. Si Tedesco naman ay nagmukha ng matino. Sundalo style kasi ang gupit niya ngayon. Habang si Bachetti, medyo masungit tignan sa aura niya pero kabaligtaran yan.

"Teka, may nagbago yata saiyo."biglang sabi ni Tedesco dahilan para mapatuwid ako ng tayo at nakangiwi silang tinitigan.

"Ano naman?"kunwaring tanong ko.

Hindi siya agad sumagot. Bahagya pa siyang lumapit sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Nagbago ka yata ng look?"pansin nito at nginuso ang bangs ko.

Peke akong natawa at napa-palakpak.

"Ah, wala naman. Trip ko lang para maiba."sabi ko.

Kinamot ni Bachetti ang isang kilay niya at tinaasan ako ng isang kilay.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon