CHAPTER 35: Birthday Party

344 21 13
                                    






Araw ng Linggo. Ito ang araw ng kaarawan ni Red. Maaga akong nagising dahil sa ingay ng bunganga ni Blue na kumakatok sa kwarto ko. Inaaya ako mag jogging. Pumayag nalang ako kaya heto nasa kalsada kami at tumatakbo. Paikot ikot lang naman kami sa subdivision nila.

Nang medyo mapagod ay nagpahinga kami sa gilid ng kalsada. Sumalampak siya ng upo sa sementadong sahig habang ako nakatayo sa kaniyang gilid at nagpupunas ng pawis gamit ang towel na hawak ko.

"Acel, may regalo ka na ba kay Red?"

Napatingin ako sa kaniya ng marinig iyon.

"Wala pa eh."sagot ko.

Iyan ang kagabi ko pang pinag iisipan. Kung reregaluhan ko ba ang matapobreng yun o huwag na.

"Hindi naman maarte si Red. Kahit ano pang iregalo mo. Tanggapin niya yan lalo na galing sayo."

Napangiwi ako ng muli na naman marinig ang hagikhik niya.

"Ah, okay."tanging na sabi ko.

"Excited na ako sa birthday niya mamaya. Magpapakalasing tayo."

Natawa lang ako at sinampay sa balikat ang towel. Pagsulyap ko sa wrist watch ko ay saktong alas otso na pala ng umaga.

"Tara na. Bumalik na tayo sa mansyon."pag aya ko.

Agad siyang tumayo at tumango kaya sabay na kaming naglakad. Habang binabaybay ang daan pauwi ay napansin ko ng katahimikan ng paligid. Biglang kong namiss ang ganitong ambiance sa subdivision kung nasaan ang mansyon ko. Yung tipong walang masyadong tao kapag ganitong umaga.

"Acel, hanggang kailan ka mananatili sa mansyon?"bigla niyang tanong.

Natawa ako ng may maalala.

"Bakit ba parang lahat kayo gusto ng umalis ako?"

Hindi siya umimik. Ibinaling niya ang tingin sa daan na nilalakaran.

"Naisip ko lang na medyo malungkot kapag umalis ka na."

Napabuga ako ng hangin.

Aaminin kong napamahal na sila sa akin bilang kaibigan. Gayunpaman, hindi buo ang pagtitiwala ko sa kanila. May agam-agam ako. Lalo na at isa sa kanila ang kaaway ko.

Kaaway na nagpapanggap bilang mabait habang kasama ako sa iisang bubong.

"Magkikita kita pa naman tayo."sabi ko.

Hindi ako sure dun. Sinabi ko lang yun bilang pampalubag loob.

"Sana nga."

Nang makabalik kami sa mansyon ay dumiretso ako sa kwarto ko para maligo. Ganun din naman siya.

Mabilis na lumipas ang oras at tanghalian na. Tulad kahapon ay kasabay namin ni Gucchi ang magkakapatid. Pansin kong tahimik lang si Red sa kinauupuan niya habang kumakain. Ang kaniyang mga kapatid ay panay ang daldalan tungkol sa magaganap niyang party mamayang gabi.

Tulad ng nakasanayan. Sa kabilang bahagi ng lamesa ay magkakatabi sina Red, Black, Green at Gray. Habang nasa tapat nila kami.

Ako, si Gucchi, at Blue.

"Sure na bang makakapunta sila Craig?"tanong ni Green.

Agad tumango tango si Gray.

"Oo, ka text ko si Vander kanina."sagot nito.

Lihim akong natuwa sa narinig. Sana lang may sense ang pagpunta nila mamaya ng makatulong sila ng malaki sa akin.

"Excited na ako. Ngayon nalang ulit ako magpapakalasing."natatawang sabi ni Blue.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon