"Hindi ka ba kumportable?"tanong ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
"Kumportable saan?"
Ngumuso ako sabay tawa.
"Na kasama ako."sagot ko.
Simula naman na magkakilala kami. Ramdam ko na hindi siya kumportable kapag kasama at kausap ako. Parang ako lang sa kaniya. Lalo na ngayon na ganito kami kalapit sa isat isa.
Parehas kaming nakasalampak ng upo sa sahig habang nakasandal sa pinto nitong lumang library. Hanggang ngayon ay patay pa rin ang ilaw. Hindi ko alam kung sadya ba ito dahil sa biglaang pagkamatay ng mga ilaw at pagkandado ng pinto. Pero wala kaming choice kung hindi maghintay nalang dito. I'm sure, maya-maya may gwardiya o kahit sino mang staff dito sa Arlington.
"Buti alam mo."sabi niya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Nakasimangot siya habang nakatitig sa akin. Medyo magulo na ang mahaba niyang buhok at pawisan na ang noo dahil sa init dito sa kinalalagyan namin. Pero gayunpaman, maganda pa rin siya.
Inis kong hinimas himas ang aking batok sa mga naiisip.
Hindi ko naman matatangging maganda si Red tulad ng mga kapatid niya. Kaya lang, iba ang aura niya sa mga ito. Kumbaga, kapag pinagtabi-tabi silang lima. Siya agad unang mapapansin dahil sa taray ng kaniyang mga mata, sa astig ng kaniyang pagtayo, sa tangkad niyang hindi nalalayo sa akin at higit sa lahat sa ugali niyang pang kontrabida sa isang pelikula.
Kaya nga nung unang beses ko siyang makita. Inaamin kong namangha ako sa kaniya. Yung impact mas matindi kumpara sa unang beses kong makita si Queen Ice noon.
Pero kailangan kong paulit ulit na alalahanin na hinding hindi ako dapat humanga sa ganda niya. Hindi ako pwedeng matuwa at maasar sa mga ugali niyang pinapakita. Dahil alam kong baka hindi yun totoo.
Nagpanggap lang siya.
Napabuga ako ng hangin at patuloy na tinanggap ang titig niya.
"Ako rin. Hindi ako kumportable na kasama ka."pag aamin ko.
Ilang segundo ay peke akong natawa.
"Ibig kong sabihin, hindi ako kumportable kasi Amo kita. Ako, isa lamang soldato."pahabol ko.
Ngumisi siya at tinaasan ako ng isang kilay. Tapos ay hindi na umimik. Kaya tumahimik na rin ako.
Sinulyapan ko ang wrist watch kung suot. Mag alas dos na pala ng hapon. Halos mag isang oras na kami dito. Malamang nagsisimula na ang klase sa hapon at sigurado akong hinahanap na nila kami.
"Bakit hindi ka nalang umalis?"bigla niyang tanong.
"Paano ko makakaalis? Eh, naka-lock nga tayo dito."sabi ko.
Napakunot noo ako ng makitang umiling iling siya.
"Ibig kong sabihin, umalis ka na sa mansyon namin."
Sa kaniyang sinabi ay napatulala ako. At ilang sandali ay nagtaka.
"Bakit? Bakit mo ko pinapaalis?"
Napansin kong sumeryoso ang mukha niya.
"Wala lang."
Ang babaw ng dahilan niya. Halatang imbento.
"Hindi ako pwedeng umalis. Hindi pa pwede."sabi ko at umiwas ng tingin.
Napatitig ako sa bintanang nasa di kalayuan. Doon ay ramdam kong pumapasok ang hangin dahilan para mawala kahit paano ang init dito sa buong silid.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AcciónNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio