Patay na si Light.
Iyan ang sabi ni Calix ng makausap ko siya. Agad ko siyang hiningian ng paliwanag kung paano at bakit namatay si Light. Ang tanging na sabi niya. Nang oras na mapuntahan nila ni Nickson ang Apartment ng kumpirmadong tinutuluyan ni Light sa Lankford City. Nadatnan nila ang mga pulis na naroroon. At nasaktuhan nilang may bangkay na nilalabas mula doon.
Tinanong ko si Calix kung sigurado ba siyang si Light ang bangkay. Ang sagot niya ay oo daw. Dahil nakita mismo ng kaniyang mga mata na si Light nga ito. Ayon pa sa kaniya, nang tanungin niya ang mga pulis sa dahilan ng pagkamatay ni Light. Nakita daw nila ang ilang tama ng baril sa katawan nito.
Ngayon ay napapaisip ako kung sinong gumawa nun? At alam na ba nito ni Night?
Gusto ko sanang tawagan siya. Kaso huwag nalang. Saka nalang kapag hindi na ako busy.
Gayunpaman, nalulungkot ako para kay Night. Pero nalulungkot din ako para sa sarili ko. Dahil malaki pa sana ang maitutulong ni Light. Buti nalang nabanggit ni Calix na nakuha nila ni Nickson ang mga naiwang gamit ni Light. Baka sakaling may mapakinabangan kami dun na maaring makatulong sa pagtukoy ni Supremo.
Bukod sa pag iisip kay Light ay dumagdag sa inaalala ko si Red. Ang walang hiyang babaeng yun. Sinipa ba naman ang Angry bird ko. Sinisimangutan ko lang siya kapag nagkakatigan kami. Habang siya nakangisi lang sa akin. Nang aasar pa.
Hinayaan ko nalang. Bahala siya.
Isang araw ang lumipas. Nagawa ni Killer na mapasok ang mansyon ng mga Morpeheous. Mukhang magaling na magnanakaw si Killer dahil walang nakapansin sa ginawa niya. Kung paano niya yun nagawa? Yun ang hindi ko alam. Basta ang mahalaga ay napasok niya ang mismong kwarto ni Nicanor.
Si Claud na ang pinakausap ko kay Killer para siya na ang magsabi o magpakita sa akin ng mga kung ano-anong gamit o papeles na nakuha sa kwarto ni Nicanor. Nag text lang sa akin si Claud na hintayin ko daw ang kaniyang tawag tungkol dun.
So, ganun nalang ang ginawa ko.
Sa paglipas ng mga araw. Halos isang linggo na naman ulit ang natapos. Nakakapanibagong naging matiwasay ang paligid. Although may ibinalita sa akin si Craig. Ang ilang soldato daw ng Scorpion Onźe ay muling nagpakita sa kaniya. Ang mga ito ay sina Flavian. Nakasuot pa daw ng maskara. Hindi alam ng mga ito na bistado na nila Craig ang identity nila.
Sa kasamaang palad, hindi nila nahuli ang isa sa mga ito. Nangako siya sa akin na next time ay makahuhuli siya kahit isa at ihaharap sa akin. Hindi nalang ako umimik dun. Wala akong pakialam sa mga Soldato ng Supremo. Sila Craig ng bahala dun.
Nagtataka lamang ako. Dahil parang hindi na interesado sila Red na mahuli ang mga soldato ng Scorpion Onźe. Hanggang sa mapagtanto ko ang posibleng dahilan.
Obviously, dahil ang mga soldato yun ay kasama lang nila sa iisang bahay.
Sa araw na ito ay muli kong nakita ang mga ito. Maaga ako nagising para mag jogging. Paglabas ko kanina ng kwarto ay nakasalubong ko si Flavian.
"Long time no see. Dumating na pala kayo?"bati ko.
Hindi siya umimik. Nilagpasan niya lang ako. Pero hindi pa siya nakakalayo ay nagsalita ako.
"Galing kayo sa isang misyon?"
Huminto siya at nilingon ako.
"Anong misyon yun?"dagdag kong tanong.
"Wala ka na dun."
Ngumisi ako. Hindi naman na siya nagsalita pa at tuluyang umalis. Iiling iling nalang ako naglakad palabas ng mansyon.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
ActionNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio