Ang Arlington University ay isa sa pinaka-prestihiyosong eskwelahan sa Mackenzie City. Mostly puro mayayaman ang nag aaral dito na puro galing sa mafian clan na nagkalat sa buong Magnium Guild. Kaya hindi kataka-takang kakaiba ang eskwelahan ito.
Magkasama ang Highschool at College students na nag aaral dito.
Sa nakalipas daw na taon. Ang Morpeheous Ladies at Amadeo Fraternita ang dalawang grupong nangingibabaw sa eskwelahan. Parehas na College na ang dalawang grupo na patuloy na nagbabanggan.
Syempre sa Morpeheous Ladies ito ay pinangungunahan ng mga Boss kong si Red, Black, Green, Gray at Blue. Habang sa Amadeo Fraternita ay sina Craig Simon, Vander Delatorre, Jack Tizon, at Markus Filan.
Ang Morpeheous Ladies ay Mafian group at ang Amadeo Fraternita ay Gangster group. Sa pagkakaiba ng dalawang grupo hindi maiiwasang walang banggaan na maganap. Lalo na at pare-pareho silang nagpapagalingan para maituring na numero unong malalakas sa Arlington University.
Ang mga ganitong detalye ay nalaman kong lahat kay Gucchi. Ang isa rin sa alalay nila Red. Matapos ang eksena kanina ng humarang sila Craig sa daraanan namin. Hindi na ako tinantanan ni Gucchi ng pagkukwento. Hanggang sa makapasok na nga lang kami sa classroom ay patuloy pa rin siya sa pagkwento. Hinahayaan ko nalang. Tutal kailangan ko ng dagdag info sa limang babaeng magiging sentro ng misyon ko.
"Ano? Ex ni Vander si Gray?"gulat kong tanong kay Gucchi.
Nakangiti siyang tumango tango. Kasalukuyan na kaming nasa classroom. Dahil nga pinasadya ko kay Claud na dapat kasama ko sa iisang classroon ang magkakapatid na Morpeheous. Kaya heto, kung nasaan sila nandun din ako.
Wala pa dito sa classroom sila Red. Pumunta muna daw sila sa head quarters nila. May ilang bagay daw silang pag-uusapan kasama ang ilang members nila dito sa Alrington.
Hindi na ako nagulat na mayroon silang hideout sa eskwelahang ito. Base na rin sa kwento ni Gucchi kanina. Ang Arlington daw ay halos nahahati na nga sa dalawang grupo dahil sa Morpeheous Ladies at Amadeo Fraternita.
Magkalaban kasi sila at halos karamihan ng estudyante dito ay kasale sa dalawang grupo.
"Six months na ang nakakalipas ng mag break sila."sagot niya.
"Bakit sila nag break?"pag uusisa ko.
"Nahuli ni Boss Gray na nagcheat si Vander. Kaya hayun. Hiwalay ang ending."
"Ah."tanging na sabi ko.
Base sa mga kinuwento niya kanina pa. Since first year highschool ay dito na sa Arlington nag aaral ang babae naming Amo. Same sa grupo nila Craig. It means, matatagal na silang magkakakilala.
"Tapos si Craig. Bitter kay Boss Red."
Napataas ang isang kilay ko sa narinig.
"Yung leader ng Amadeo?"
Nakangising tumango si Gucchi.
"Three years ago ng mag confess siya ng feelings kay Boss Red. Akala ng lahat gusto rin siya ni Boss Red. Dahil pumayag ito na ihatid siya, magsabay sila sa lunch at mag date. Pero hindi."
Kumunot ang noo ko.
"Pinaasa niya lang si Craig?"paghula ko sa dahilan.
Natawa ng bahagya si Gucchi.
"Tama. Three months matapos ang panliligaw kuno ni Craig. Nireject siya ni Boss Red. Dahil dun nagalit siya at mula noon. Tuluyang nagbanggaan ang Morpeheous Ladies at Amadeo Fraternita."
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AçãoNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio