CHAPTER 21: Favorite Song

382 24 8
                                    




"Good morning."nakangiti kong bati ng makapasok ng silid.

Ngumiti ng tipid sa akin si Green na nakaupo sa gilid ng kama ni Archielyn.

Si Archielyn naman ay napatitig lang at nagulat sa presensya ko. Naglakad ko palapit sa kanila. Inilagay ko sa lamesa ang hawak kong paper bag.

"Nagdala ako ng breakfast."sabi ko at tumayo sa tapat ng kama.

"Acel, wala ka bang pasok?"tanong ni Archielyn.

Ngumiwi ako at alanganing nginitian siya. Ang totoo mayroon. Pero hindi ako pumasok ngayon dahil alam kong hindi rin makakapasok si Green hanggat nandito pa sa Hospital ang kaniyang Ina. So, naisip kong samahan nalang muna siya. Ang tungkol dito ay alam naman nila Red. Sinabihan niya pa nga akong bantayan si Green.

Si Green kasi hindi umuwi kagabi. Binantayan niya si Archielyn. Ako umuwi pero late na yun. Mag alas dose na yata ng umaga. Tapos nagising ng alas syete.

"Don't worry, okay lang naman kahit hindi ako pumasok."sabi ko.

Napansin kong bahagyang natawa si Green.

"Pumasok ka man o hindi. Nonsense din lalo na kung hindi ka naman talaga nag aaaral."sabi niya.

"Amy."saway ng kaniyang Ina.

Napanguso siya at nanahimik. Natawa lang ako sa kaniya. Masayang tignan na ayos na silang mag Ina.

Napansin kong maaliwalas na ang mukha ni Archielyn ngayon kahit pa tadtad pa rin siya ng sugat at pasa.

"Lalabas muna ako. Kumain na kayo ng agahan."sabi ko at tumalikod na.

Naglakad ako palabas ng silid. Naisip kong magpunta muna sa labas ng Hospital para makalanghap ng sariwang hangin. Dahil alas otso palang ng umaga ay tahimik pa ang paligid at walang gaanong tao dito ngayon sa Hospital.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nagkalat dito sa malapit at kinuha sa bulsa ng pantalon ang cellphone ko. Sakto namang tumatawag si Claud. Agad kong sinagot ito.

"Ang aga mo."puna ko.

"Good morning, Boss. I'm sorry nakatulog ako kagabi. Nakalimutan kong tawagan kayo."

Umiling ako at dumekwatro ng upo.

"Ayos lang. Busy rin ako kagabi kaya hindi ko masasagot ang tawag mo."

"Pero nabasa ninyo ang text ko? Nakita ninyo na yung files na pinadala ko sa email ninyo?"

Sa sinabi niya iyon ay naalala kong chineck ko ang email ko ng umuwi ako ng madaling araw sa mansyon ng mga Morpeheous. Ang files na tinutukoy niya ay nagtatala ng kumpletong inpormasyon tungkol kay Green.

"Yeah."tipid kong sagot.

"Bad news, Boss. Mukhang hindi talaga si Amy Green ang hinahanap ninyo."

"I'ts okay. Una palang ay alam kong hindi na siya."

Nung time na malaman kong si Archielyn ang tunay na Ina ni Green. Nabuo na sa isipan kong hindi siya ang apo ni Don.Buenza na hinahanap ko. Pero gayunpaman, hindi na rin ako na dissapoint dahil may maganda namang nangyari.

"Kung ganun. Dadako na kayo sa dalawang natitira?"

Natahimik ako sa narinig.

Una kong inimbetigahan si Blue, Gray at ngayon ay si Green. Wala sa kanilang tatlo ang hinahanap ko. Ngayon ay dun ako mag fo-focus sa dalawang natitira.

Si Black at Red.

"May nakuha ka ng info about sa kanila?"tanong ko.

"Wala pa rin Boss. Tulad ng sinabi ko sa inyo nung una palang. Sa kanilang lima, si Black at Red ang mahirap hanapan ng detalye tungkol sa pagkatao nila. Dahilan para magtaka ako."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon