"Mr.Warlord."tawag ni Hetti sa akin.
Alanganin ko siyang nginitian.
"Medyo confidential kasi ang tungkol dun."sagot ko.
Hindi naman ako tanga para sabihin sa kaniya ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito sa Mackenzie City. Pribado na iyon at kailangang itago sa mga tulad niyang hindi ko naman masyadong close. Mahirap na magtiwala sa ngayon. Lalo na at ilang beses na akong na traydor.
"Naiintindihan ko."sabi niya at ngumiti ng tipid.
Nakahinga ako ng maluwag. I guess, matino naman kausap ang isang ito at na iintindihan ang sitwasyon ko.
"Pero sana huwag mong ipagsabi ang alam mo tungkol sa akin. Ayokong magkaroon ng hadlang sa ginagawa ko."dagdag niyang sabi.
Bahagya akong natawa.
"Sure pero sana ilihim mo rin ang tungkol sa akin. Dahil ayoko rin na magkaroon ng hadlang sa misyon ko."sabi ko.
Tumuwid siya ng tayo at tumango tango sa akin.
"Of course."
Ngumisi ako.
"Mabuti."tanging na sabi ko.
"Gayunpaman, if you need anything or tulong. Sabihin mo lang."
Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay doon.
"Ang bait mo yata?"
Umiling siya.
"Nagkataon lang na isa kang Warlord. Sabi ng Senior chief ko noon. Ang Top Famiglias ay kakampi ng ahensya namin. So, gusto lang kitang ituring bilang kakampi. Kung kailangan mo ng tulong. Agad akong tutulong."
Natahimik ako. Aaminin kong dama ko ang sinseridad sa mukha niya at naniniwala akong matino talaga siyang tao. Pero bilang pag iingat ay kailangan ko pa ring dumistansya sa kaniya.
"Salamat."pagkasabi ko nun ay sumulyap siya sa paligid.
"Sige na. Mauuna na ako. Magkita nalang tayo sa Arlington sa lunes."paalam niya.
Tumango ako dahilan para tumalikod na siya at maglakad palayo. Napabuga ako ng hangin. Sinong mag aakalang makikita ko siya ngayon at makakausap?
Iiling iling na nagsimula na rin akong maglakad ng maalala si Gucchi. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ang text message ni Gucchi sa screen.
- Nasaan ka na?
Agad akong tumakbo ng mabasa iyon. Mukhang tapos na siya makipag usap at kailangan na naming umuwi.
Sa pagtakbo ko ng mabilis ay nakarating ako sa coffea shop. Kung saan nakaparada sa tapat nito ang sasakyan na gamit ni Gucchi. Naabutan ko siyang prenteng nakasandal doon.
"Saan ka ba galing?"tanong niya na nakasimangot na ang mukha.
Saglit akong natigilan at nag isip ng idadahilan.
"Ah, namamasyal lang."sabi ko.
Kumunot ang noo niya.
"Namasyal? Sa ganitong lugar? Wala namang pasyalan dito."
Peke akong natawa. Mukhang ang dahilan kung iyon ay hindi papasa sa kaniya.
"Ang ibig kong sabihin, naglakad lakad lang ako para hindi mainip."paliwanag ko.
"Okay. Ang wirdo mo. Tara nga."pag aaya niya at na una ng pumasok sa sasakyan.
Agad akong luminga sa paligid. Wala akong Devil na nakita.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
ActionNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio