Dahil mahaba pa naman ang oras bago magsimula ang klase sa panghapon. Naisipan kong lumabas ng classroom para puntahan si Gucchi. Mukhang hanggang ngayon ay nandun pa rin siya sa hideout nila Red.
Iniwan ko muna sa upuan ang bag ko. Tanging cellphone ko ang dala ko. Syempre wallet ko.
Tahimik akong lumabas sa classroom na tanging limang estudyante pa lamang ang laman. Napailing ako ng maalala ang eksenang nakita ko kanina. Si Green kausap ang isang babaeng dito nag tatrabaho sa Arlington.
Ngayon ay curious ako kung sino ang babaeng yun. The way na magalit si Green habang kausap ito. Halata mong may malaki siyang galit dito.
"Sino kaya yun?"mahina kong bulong.
Habang lumilipad ang isipan sa pag iisip tungkol dun. Hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng building. Literal akong natigilan ng may kung sinong bumangga sa akin.
Pagtingin ko isang babaeng nagmamadaling pinupulot ang mga papel na nasa simento.
"Shit, sorry."sabi ko at agad siyang tinulungan.
Obvious na lumaglag ang papel dahil sa akin. Nang mapulot naming dalawa ang lahat ng papel ay magkasabay kaming tumayo na. Nang saktong magkatitigan kami ay namukhaan ko siya.
Siya yung kausap ni Green kanina.
"Sorry, Mam."paumanhin ko.
Ngumiti siya ng tipid.
"Wala yun. Kasalanan ko rin naman."sabi niya.
May balak pa sana akong itanong pero nagmamadali na siyang naglakad palayo. Nagtataka kung ano bang trabaho niya dito sa Arlington. Mukhang busy siya.
Hindi ko nalang pinansin pa at nagpatuloy na sa paglakad. Hanggang sa makasalubong ko nalang si Gucchi.
"Acel, buti nakita kita."
"Bakit?"taka kong tanong.
Pansin kong humahangos siya.
"Si Boss Red. Inaaway si Craig."sabi nito.
"What?"gulat kong bulalas.
Tumango tango siya.
"Sinugod niya si Craig sa Hideout nito."
"Mabuti pa. Puntahan natin."suhestyon ko na agad niyang sinang ayunan.
Magkasabay kaming tumakbo palayo. Wala akong ideya kung saan banda dito ang hideout ng Amadeo. Pero base sa tinakbo namin ni Gucchi ay medyo malayo kaya bahagya kaming hiningal.
Nang makarating dun. Sa bungad palang ng isang gusali ay nakapalibot na ang ilang estudyanteng lalaki at babae. Tulad ng inaasahan ay pinagigitnaan nila si Craig at Red na panay ang bangayan sa isat isa.
Nasa mga tabi nila ang bawat kakampi nila.
Kumpleto sa tabi ni Craig ang kasamahan niya. Si Markus, Vander, at Jack. Habang si Black, Gray, At Blue lang ang kasama ni Red. Hindi ko alam kung nasaan si Green. Wala siya dito ngayon.
"Bakit kasi hindi mo nalang matanggap na mas magaling talaga ako saiyo."mayabang na sabi ni Craig.
Agad na naghiyawan ang mga nasa paligid. Tahimik kaming nakalapit sa pwesto nila Red.
"Mas magaling? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa pagkaka-alala ko. Utak ipis ka."ganti ni Red.
Malakas na naman natawa si Gray at Blue. Napansin kong dumiretso ang titig ni Jack at Vander sa dalawa.
Nang muli kong ibalik ang tingin kay Craig ay dahan-dahan itong lumapit kay Red. Halos isang hakbang lang ang layo nila sa isat isa.
"Fine. Utak ipis nga ako. Pero patay na patay ka naman sa akin."muling pangangasar ni Craig.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AçãoNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio