CHAPTER 23: Caught

416 22 2
                                    




Hindi ko mapigilang mapangiwi habang nakatitig kay Chloe este Lady Chloe na Step mom nila Red. Matapos niyang makipag-away sa mga step daughters niya ay nanahimik na ang kabahayan. Sila Red ay nag walk out. Agad naman sumunod sa kaniya ang mga kapatid niya.

So, ngayon ako naiwan dito kasama nga ang kanilang Step mom.

Napatuwid ako ng tayo ng marinig ko ang mahina niyang pag ubo. Alanganin ko siyang nginitian.

"Anong pangalan mo?"tanong niya sabay dampot ng bag niya sa sahig.

"Acel, po."magalang kong sagot.

Napahimas ako sa aking batok dahil sa sinabi. Hindi ako madalas gumalang kahit kanino. Ngayon lang.

"Anong ganap mo dito?"

Napakurap kurap ako sa panibago niyang tanong. Ilang segundo lang ay bigla ko itong na unawaan.

"Ah, bagong soldato."

Kitang kita ko kung paano niya ako suriin ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka mukhang mababang uri ng nilalang."

"Huh?"taka kong tanong.

Bahagya siyang natawa at umiling.

"Nevermind. Sige na. Pupunta na ako sa kwarto ko para magpahinga. Sumakit ang ulo ko sa mga ampon ni Nicanor."

Pagkasabi niya nun ay tinalikuran niya na ako. Bitbit ang mamahaling bag ay dumiretso siya ng lakad pa-akyat ng hagdan. Nang mawala siya sa paningin ko ay napabuga nalang ako ng hangin.

Sakto namang natanaw ko si Gucchi na papasok dito sa mansyon.

"Saan ka galing?"tanong ko.

"Sa garden. May inutos si Flavian."

Ngumiwi ako at sinulyapan ang paligid.

"Dumating na yung Step mother nila Boss Red."pagbabalita ko sa kaniya.

Tumango siya.

"Yup, narinig ko nga sa tsismisan ng mga katulong. So, nasaan na siya? Sila Boss Res nasaan na?"

"Nag walk out ang mga Amo natin. Si Lady Chloe nagtungo na sa kwarto niya."

Iiling iling na nilagpasan ako ni Gucchi.

"Panigurado lagi ng maingay ang bahay na ito."sabi niya.

Sinundan ko siya na mukhang papunta sa library.

"Nabanggit nila Boss Red na kabit daw lang si Lady Chloe ni Don Nicanor."sabi ko.

Binilisan ko ang paglakad para masabayan siya.

"Oo kabit lang siya. Bago pa mamatay ang totoong asawa ni Boss Nicanor. May relasyon na sila ni Lady Chloe."

Natahimik ako sa narinig. Buong akala ko ay totoong asawa ang babaeng yun. Nagulat pa nga ako dahil ang bata niya para maging asawa si Nicanor na halos nasa mid 50's na.

Sa pagsunod ko kay Gucchi ay nakarating kami sa library na matatagpuan dito sa unang palapag ng mansyon. Nasa bandang dulo ito na ilang hakbang lang ang layo sa kwarto ko. Pagpasok sa loob ay naglakad palapit sa mahabang lamesa si Gucchi. Umupo siya sa bakanteng upuan at agad binuksan ang laptop na nakapatong doon. Ako naman ay huminto sa tapat ng pintuan.

"Anong ginagawa mo?"may kuryusidad kong tanong.

"Obviously, research about sa inuutos ni Boss Red. Saka nag prepared ako para sa gagawin nating mamayang gabi kasama si Hetti."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon