"Ace!"masigla kong sigaw ng makita siyang bumaba sa sasakyan. Halos kasunod niya si Scarlet.
"Acel."sambit niya sa pangalan ko.
Nang makalapit ako sa kanila ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Siya naman ay tinapik tapik ang tuktok ng ulo ko na para bang tuta.
"Kung maka-asta ka parang isang taon tayong hindi nagkita."narinig kong sabi niya.
Napakalas ako ng yakap sa kaniya dahil dun.
"Bakit hindi mo ko namiss?"tanong ko.
Ngumisi siya sabay iling. Ibinaling ko ang aking tingin sa babaeng kasama niya.
Si Scarlet.
"Hipag."tawag ko dito.
Akmang yayakapin ko ito ng hilahin ni Ace ang hoodie ng jacket kong suot. Napasimangot ako.
"Kailangan may yakap pa?"tanong nito.
Natawa ako.
"Pati ako ba naman pagseselosan mo."
"Kung si Red Queen kaya ang yakapin ko? Anong magiging reaksyon mo?"
Napaubo ng mabanggit niya ang totoong pangalan ni Supremo.
"Sabi ko nga eh."mahina kong bulong dahilan para matawa si Scarlet.
"Kamusta, Acel?"tanong nito.
Ngumiti ako. Mabilis kong pinasadhan ang itsura niya. Kahit simple lang siya pumorma. Maganda pa rin siya.
"Mabuti naman. Heto, buhay na buhay."sagot ko.
Nakangising lumapit kay Scarlet si Ace. Napataas ang isang kilay ko ng makitang inakbayan niya ito.
Lihim akong napangisi. Mukhang marunong ng maging showy ang Kambal ko pagdating sa pag express ng nararamdaman niya.
"Kayo mukhang ayos na ayos."nakangisi kong sabi.
Magkasabay naman silang tumango. Napabuga ako ng hangin.
"Sana all."mahina kong bulong at napatitig sa di kalayuan.
Nakita kong nagmamadaling maglakad si Calix at Nickson palapit sa amin. Nasa likuran nila si Claud at Black.
"Boss!"magkasunuran bulalas ni Calix at Nickson.
Napabitiw si Ace kay Scarlet ng dambahin siya ng yakap ng dalawa. Natatawang tinulak niya lang ang mga ito.
"Namiss ka namin, Boss."sabi ni Calix na siyang ikinatango ni Nickson.
"Welcome back, Boss Ace."magalang na bati ni Claud sa kay Kambal.
Tumango lang si Ace bago tinutok ang tingin kay Black. Napansin ko ang paniningkit niya ng mga mata dito.
"Long time no see, Page. Remember me?"sabi niya dito.
Alanganing ngumiti si Black na tila na iilang kay Ace sabay sulyap sa akin.
"Na kwento sa akin ni Claud ang lahat ng nagaganap. Kaya don't worry, hindi kita papatayin. Depende nalang sa magiging kilos mo."diretsahang sabi ni Ace habang nakangisi.
Natawa ako at nilapitan siya. Marahan kong tinapik ang isang balikat niya kaya napabaling siya ng tingin sa akin.
"Kakampi yan. Hindi kalaban."sabi ko.
"Alam ko. Sinisigurado ko lang baka kasi traydurin ka bigla."katwiran niya.
Mabilis na umiling iling si Black.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
ActionNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio