CHAPTER 30: Red Queen

389 25 8
                                    





Matapos ang maghapong pananatili sa Arlington ay mabilis kaming umuwi pabalik sa mansyon ng mga Morpeheous. Habang nasa byahe ay hindi mawala ang isip ko sa naging pag uusap namin ni Craig. Paulit ulit kong naalala sa utak ko ang kaniyang mga sinabi. Bumabagabag sa akin ang katotohanan na isa sa ampon ni Nicanor ang lider ng Scorpion Onźe. Bukod dun, ang hinahanap kong apo ni Don Buenza ay isa rin sa mga ito.

Sa labis kong pag iisip tungkol dun ay agad kong tinawagan si Claud kanina upang magkwento. Sakto namang nakahanap ako ng tyempo ng magpunta ako sa comfort room para umihi. Nagulat nga siya dahil ang numero unong may kasalanan kung bakit ako muntikan ng mamatay noon ay nasa poder lang pala din ng Morpeheous.

Ngayon tuloy hindi malabong magkatotoo ang iniisip kong iisang tao ang hinahanap ko at kaaway ko.

Iiling iling akong bumaba sa sasakyan kasabay si Gucchi. Kaming dalawa nalang na huli dahil una ng lumabas ang mga Amo namin.

Agad na nag paalam si Gucchi na tutungo sa kaniyang kwarto. Ganun din naman ako kaya dumiretso na ako ng lakad. Natigilan lang ako ng makasalubong si Flavian. Napataas agad ang isang kilay niya ng makita ako.

"Balita ko, may sakit ka daw?"tanong ko at pinasadahan siya ng tingin.

Nakita kong walang galos ang kaniyang mukha ngunit balot na balot ang katawan niya. Naka-long sleeve siya ng damit. Tapos maong pants sa pang ibaba. Sa itsura niya, mukhang wala siyang sakit. I guess, hindi literal sakit ang dahilan kung bakit nagkukulong lang siya sa kwarto niya.

"Yeah, magaling na ako."sagot niya at nilagpasan ako.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng may maisip akong sabihin.

"Kilala mo ba si Eliseo Hordon?"

Saktong paglingon ko ay nakahinto na siya sa kaniyang kinatatayuan at nanatiling nakatalikod sa akin. Dahan-dahan siyang humarap at nakita ko ang seryoso niyang mukha.

"Hindi. Bakit?"

Ngumiti ako ng tipid.

"Wala lang. Curious lang."

Tumawa siya na tila may nakakatawa sa sinabi ko.

"Saan mo narinig o nalaman ang pangalan niya?"

Ako naman ang tumawa ngayon.

"Nevermind."tanging sabi ko at tinalikuran na siya.

Magiging kahina-hinala ako kung sasagutin ko pa ang tanong niya kaya mabuti nalang na iwasan.

Tahimik kong binaybay ang daan patungo sa kwarto ko. Mabilis akong nagpalit ng damit pang bahay at pasalampak na umupo sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at dinayal ang numero ni Claud. Ilang segundo lang ay sinagot naman nito ang tawag ko.

"Good evening, Boss."rinig kong bati niya.

Sumulyap ako sa bukas na bintana sa malapit. Nakita kong pa gabi na sa labas.

"Siguro naman may update ka na."sabi ko.

Kahapon palang ay tinext ko na sa kaniya ang mga nalaman ko patungkol kay Black. Na ito nga at totoong anak ni Madam X. Isang kilalang mafian boss na VIP members sa Death Battle. Upang mapalagay ako na ito ay legit ay inutusan ko siyang mangalap ng kumpletong detalye kay Madam X at kung si Black nga ay totoo nitong anak.

"Wait lang, Boss. Ise-send ko nalang sa email ninyo."

Tumango ako.

"Fine. Bilisan mo."sabi ko at sandaling tumayo.

Kinuha ko sa cabinet ang laptop ko. Tapos ay muling bumalik sa kama. Nanatiling hawak ko ang cellphone. Binuksan ko ang laptop kong nakapatong sa aking mga binti at agad tinignan ang email ko. Buti na nga lang sinabi ni Gucchi sa akin ang wifi password dito sa mansyon kaya nagagamit ko itong laptop ko.

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon