Magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakatitig sa akin. Senyales ng iritasyon dahil sa presensya ko sa kaniyang harapan. Pero hindi ako natitinag. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Hinding hindi aalis hanggat hindi niya sinasagot ang mga tanong ko.
"Saan ka nga galing? At bakit may mga pasa at sugat ka?"muli kong tanong.
Mas lalong sumama ang titig niya.
"Wala kang pakialam."masungit niyang sagot.
Bahagya akong natawa at umiling.
"Halatang may tinatago ka. Iniiba mo ang usapan."sabi ko.
Natigilan siya at marahang iginala ang tingin. Mukhang tinitignan niya kung may ibang taong nakakakita sa amin ngayon.
"Hoy, Acel. Hindi kita Tatay o Kuya. At mas lalong hindi kita Boyfriend. So, hindi ko obligasyon na magsabi saiyo. Baka nakakalimutan mo kung sino ka dito sa mansyon?"
Pansin kong napipikon na siya sa akin. Pero ikinibit-balikat ko yun.
"Hindi ko nakakakalimutan yun. Pero bakit simpleng tanong ko hindi mo masagot?"
Napapadyak siya sa inis.
"Dyan ka na nga."sabi niya at nilagpasan na ako.
Bago pa siya makaalis ay binangga niya pa ako. Natawa nalang ako habang sinusundan siyang naglalakad palayo. Iiling iling na pumasok na ako sa pinto at isinarado yun. Tumambad sa akin katahimikan ng paligid. Halatang tulog na ang mga tao dito.
Tahimik na akong naglakad papunta sa kwarto ko. Bitbit pa rin itong katana na kanina ko pa hawak. Ngayon ay nakaramdam na ako ng antok.
Pagpunta sa kwarto ko ay dumiretso ako agad sa banyo para mag shower. Isinandal ko muna ang katana sa gilid ng pader.
Mabilis ko lang tinapos ang pagligo at nagpalit na ng damit pangtulog. Tapos ay humiga na sa kama. Balak ko na sanang matulog kaya lang muli akong napabangon ako. Bigla kong naalala ang pakikipag usap kay Colter kanina sa bar. Dinampot ko ang cellphone ko sa tabi ng unan at hinahanap sa contacs ang numero ni Chairman Wang.
Nang idayal ko ito ay agad nag ring. Ilang segundo lang ay sumagot naman ito.
"King Acel Genovese, anong oras na at napatawag ka?"rinig kong bungad niya sa akin.
Malalim akong napabuntong hininga.
"Pasensya sa istorbo, Chairman Wang."pagsisimula ko.
"Yeah, it's okay. Hindi pa naman ako natutulog at isa pa, ngayon nalang kita ulit nakausap. Kamusta ka na ba?"
"I'm good. Heto at buhay pa naman."sagot ko na may halong pagka-sarkastiko.
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Alam ko namang hindi ka basta-basta madidispatya ng mga kalaban mo. I'm glad na ayos ka na."
Napatango ako.
"Yes, salamat. May itatanong lang sana ako kaya ako napatawag."
"Ano ba yun?"
"Nabalitaan kong kayo ang nag anunsyo dito sa Mackenzie City na magbibigay ng pabuya sa sinumang makakahuli sa ilang Soldato ng Scorpion Onźe. Totoo ba yun?"
Napakunot noo ako ng mapansin ang bigla niyang pananahimik.
"Chairman Wang?"tawag ko.
"Yes, totoo nga iyon."
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AksiNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio