Mabilis na lumipas ang mga araw para sa akin. Nung nakaraan lang, isang tawag ang natanggap ko kay Claud. Sabi niya, nasa Maserati City daw si Ace. Mag iisang kikitain si Devil. Dahil nag alala ako sa isang iyon. Napagdesisyunan kong puntahan siya. Sakto namang maagang natulog ang mga Amo ko. Si Gucchi lang ang nakausap ko na aalis muna ako saglit. Sabi ko may emergency sa pamilya ko kaya kailangan kong umuwi. Hindi naman na siya nagtanong pa.
Saktong alas singko na yata ako nakaalis ng mansyon nun. Pagabi na ng matunton ko ang eksaktong lokasyon ni Ace. Dahil na rin sa tulong ni Calix.
Nang magkita kami. Naabutan ko siyang kasama si Devil at Queen Ice.
Hindi nagtagal ay pinatay ko na si Devil. Wala naman akong matinong inpormasyong nakuha sa kaniya about sa Scorpion Onźe. Kaya hindi ko pinatagal ang buhay niya. Buti na nga lang, napuruhan na siya ng husto ni Ace kaya wala na siyang laban ng magharap kami. Ayun, patay agad. Medyo boring nga dahil hindi man lang ako pinagpawisan o nahirapan.
Nang mapunta ang tingin ko kay Queen Ice. Nakita ko siyang umiiyak. Bigla kong naalala yung mga sandaling kasama ko siya sa Rivaillè noon. Para siyang robot noon na walang emosyon. Pero ngayon ibang iba na.
Dahil wala naman akong balak patayin siya. Pinalaya ko na. Matapos ko siyang bantaan na papatayin sa oras na magkita kami ulit. Dali-dali siyang tumakbo paalis.
Kahit hindi sang ayon si Ace doon ay sinunod niya lang ang gusto ko. Magkasabay na kaming tumungo sa hospital pagtapos nun. Doon na ako inabutan ng umaga dahil hinintay kong maoperahan si Ace para matanggal yung mga bala sa magkabila niyang balikat.
Nang magising siya ay nag usap kami. Pinilit ko siyang pumayag sa kagustuhan ni Scarlet na isama siya sa Italya para makilala ang magulang nito. Noong una ayaw ni Ace. Pero alam niyang hindi ako papayag na matalo ay sumang ayon nalang din siya. Tapos kung ano-ano ng bilin. Natatawang napatango tango nalang ako.
Alam ko namang nag alala lang siya sa akin kaya ganun. Pero sinigurado ko naman na wala siyang dapat ipag alala. Alam kong naging pabaya ako noon at hindi na mangyayari iyon ngayon.
Bago ako umalis sa Hospital ay may sinabi sa akin si Ace na ikinagulat ko.
"Nalaman ko kay Devil na ka-alyansa ng Scorpion Onźe ang Morpeheous Famiglia."
Hanggang makabalik sa Mackenzie City ay paulit ulit ko yung nasa isipan. Sinong mag aakalang ang grupong pinamamahalaan ni Nicanor ay kakampi pala ng Scorpion Onźe. Napagtanto ko na kung totoo yun. Ibig sabihin, malinaw na kakilala ni Nicanor si Supremo.
Ngayon ay kailangan kong makahanap ng ibidensya na magpapatunay kung tama ang hinala ko. Pero paano ko gagawin yun?
Hindi ko naman magawang mangalkal ng gamit sa mansyon ng Morpeheous. Dahil panigurado makakahalata sila Red.
"Acel!"sigaw ng kung sino dahilan para mapalingon ako.
Nakita ko si Blue na tumatakbo palabas ng pinto. Malapad ang ngiti nito ng makalapit sa akin.
"Good morning!"masaya niyang bati.
Ngumiwi ako at tumango.
"Morning."bati ko.
Araw ng sabado ngayon at kaming lahat ay walang pasok sa Arlington. So, buong maghapon kaming nandito sa mansyon. Depende nalang kung may iutos si Boss Red na kailangang gawin sa labas.
"Mag ja-jogging ka?"tanong niya habang nakatitig sa suot ko.
Tumango ako.
Nakasanayan ko na kapag walang pasok sa Arlington ay gigising pa rin ako ng maaga para naman mag jogging. Ngayon nga dapat kasabay ko si Gucchi. Kaso, nang daanan ko sa kwarto niya. Walang sumasagot. Mukhang tulog pa kaya heto nag iisa ako.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AksiNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio