CHAPTER 12: Untold Story

444 27 7
                                    




Panay ang padyak ko habang tahimik na nakasandal sa sasakyan dito sa garahe. Nakatanaw ako sa main door ng mansyon at inaabangan ang paglabas ni Gucchi. Sabi ko sa kaniya ay hihintayin ko nalang siya dito sa labas dahil kasalukuyan pa siyang nagbibihis ng dumaan ako sa kwarto niya kanina.

Ngayong araw ay sabado at obviously ay wala kaming pasok sa Arlington. So, ito ang araw na nag decide si Gucchi para mas asikasuhin ang inuutos ni Red sa aming dalawa. Ito nga ay may kinalaman sa pag iimbestiga tungkol sa grupong naghahasik ng lagim dito sa lugar nila. Hindi ko maiwasang mag alala ngayong lalabas kami. Naalala ko ang mahigpit na bilin ni Ace. Huwag daw ako pupunta sa mataong lugar. As much as possible sa Arlington o dito lang ako sa mansyon ng mga Morpheous.

Ito ay dahil nga sa pangamba na baka makita ako ng mga taga Scorpion Onźe na nandito ako. At matuklasan nila na ang taong nasa Crimson City ay hindi talaga si Lord A. Kung hindi, kambal ko lang.

Pero wala akong choice. Kailangan kong samahan si Gucchi sa labasan ngayon dahil ito ang trabaho ko bilang isa sa soldato nila Red. Kung sakaling hindi ako sumunod ay baka tanggalin nila ako sa trabaho. Which is hindi okay dahil kailangan kong manatili sa mansyon na ito hanggat hindi ko nalalaman kung sino sa mga anak ni Nicanor ang apo ni Don.Buenza.

"Bahala na nga."mahina kong bulong.

Napatuwid ako ng tayo ng makita si Gucchi na palapit sa akin.

"Tara na."sabi niya at na una ng pumasok sa loob ng kotse.

Sumunod naman ako sa kaniya. As usual ay nakaupo siya sa driver seat habang ako nandito sa front seat katabi niya. Nang mabuhay ang makina ay agad niya ng pina-andar ito hanggang sa makalabas na kami ng gate ng mansyon.

Tahimik akong napabuga ng hangin at  ibinaling ang tingin sa bukas na bintana.

"Saan ba tayo pupunta ngayon?"tanong ko.

"Sa Morgell Street."

Napatingin ako sa kaniya.

"Morgell Street?"

Tumango siya.

"Doon pinili ni Max na makipagkita para daw hindi masyadong obvious lalo na at maraming tao dun."paliwanag niya.

Hindi ako masyadong nakapag-gala noon dito sa Mackenzie City. Kaya may lugar na hindi pamilyar sa akin. Tulad ng Morgell Street. Pero sa pagkaka-alam ko ito ang isa sa pinaka-mataong lugar dahil sa dami ng establisamentong nandun. Ibat-ibang negosyo na may kinalaman sa pagkain ang makikita doon.

"Saglit lang naman tayo doon, hindi ba?"

"Depende sa sitwasyon. Bakit?"

Hindi ako agad nakasagot. Peke lang akong natawa.

"Wala naman. Natanong ko lang."pagsisinungaling ko.

Matapos ang pag uusap na iyon ay naging tahimik na kami pareho ni Gucchi. Sa pag byahe ng ilang minuto ay nakarating kami na kami sa Morgell Street. Ihininto ni Gucchi ang sasakyan sa tapat ng isang coffea shop. Magkasabay kaming lumabas mula roon. Ang maingay na paligid ang tumambad sa akin. Ang dami ng tao dito ay mas doble sa mga taong nasa Horrizon Street.

Napansin kong busy ang tao dito sa kani-kanilang aktibidades sa buhay. Buhay na buhay ang industriya dito at mababakas sa mga tao ang kasiyahan nila.

"Parang wala lang nangyari."rinig kong sabi ni Gucchi na nasa tabi ko na pala.

Nakakunot noo ko siyang tinignan.

"What do you mean?"

"Kagabi lang ng mag usap kami ni Max. Nakwento niyang sinalakay ng mga hindi kilalang lalaki ang isang eskwelahan dito sa Morgell Street. May pinatay silang apat na estudyante sa isang dorm."

RETURN OF THE KING (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon