"What the hell!"sigaw ni Nicanor na halos umalingawngaw sa buong mansyon.
Naniningkit ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa kaniyang mga anak na nakapalibot sa akin. Nasa unahan ko si Red habang si Green at Gray nasa kanang gilid ko. Si Blue at Black ay nasa kaliwa naman. Kung titigan mong mabuti ay parang prinoprotektahan nila ako.
Ang mga tauhan naman ni Nicanor ay nasa tabi lang niya at hindi magawang makalapit sa akin dahil sa ginawang pagharang nila Red.
"Red, umalis ka dyan!"bulalas ni Nicanor dito at tinitigan ang iba pang anak.
"Umalis kayo dyan!"dagdag pa niya.
Dahil nakatalikod sa akin si Red ay hindi ko nakikita ang reaksyon ng mukha niya basta panay ang iling niya.
"No, Dad. No, please. Tama na."sabi niya na tila nagsusumamo.
Natawa si Nicanor bago muling nagsalubong ang mga kilay sa galit na akala mo baliw.
"Huwag ninyo sabihing susuwayin ninyo ko para lang sa lalaking yan! Ako ang Ama ninyo. Ako ang nag alaga at nagbihis sa inyo kaya malaki ang utang na loob ninyo sa akin. Wala kayong karapatang suwayin ako. Naiintindihan ninyo ba yun!"litanya nito.
"Tama na! Mag utos na kayo ng iba. Huwag lang ang patayin siya."sabat ni Blue.
Napatango tango si Green.
"Oo nga, Dad."
"Hayaan nalang natin siya."sabi ni Gray.
"Itigil ninyo na ito."sambit naman ni Black.
Napakurap kurap lang ako habang nakatitig sa kanila.
"Hindi pwede! Napag usapan na natin ito noon pa."giit ni Nicanor.
Napahalakhak si Lady Chloe at tinapik tapik ang kanang balikat ng asawa.
"Honey, mukhang tumitigas na ang ulo ng mga anak mo. Alam mo na ang dapat gawin."sabi niya.
Naningkit ang mga mata ko sa babaeng ito.
Na-alarma ako ng isa-isang maglabas ng armas na baril ang mga tauhan ni Nicanor at agad napatingin sa akin.
"Sige na. Dakpin na yan at patayin."muli utos ni Nicanor sa mga ito.
Mabilis na kumilos ang mga tauhan ni Nicanor. Pero bago na naman sila ulit makalapit. Isa-isa silang sinugod ni Red. Napaawang ang bibig ko ng magkakasunuran niyang napabagsak sa sahig ang halos lima sa mga tauhan ng kaniyang Ama. Mano-manong labanan lang. At nagawa niyang maagawan ng baril ang isa sa kanila. Ang iba naman ay umatras na tila natatakot.
"Woah."mangha kong bulalas.
"Red Queen!"sigaw ni Nicanor.
Hindi namalayan ni Nicanor na nakalapit na sa kaniya si Red. Itinutok nito sa kaniya ang hawak na baril dahilan para matigilan ito at hindi makagalaw. Para siyang na estatwa. Naningkit ang mga mata ni Lady Chloe sa nangyayari.
Akmang susugurin niya si Red ng bigla siyang sipain ni Blue sa binti. Sa tindi nun ay tumalsik ito palayo at hindi nakatayo.
Sumunod naman kay Red si Green at Gray. Nakita ko nalang na may hawak na din silang baril at tinutok kay Nicanor.
Ganun din ang ginawa ni Blue. May baril na din itong hawak at nakatutok kay Nicanor.
Namilog ang dalawang mata ni Nicanor sa inaasta ng mga anak. Napapikit siya ng mariin at napamura ng malakas.
"Sinusuway ninyo ko para lang sa lalaking yan?!" Itinuro pa ako ni Nicanor.
Magkakasabay na tumango si Green, Gray at Blue. Si Red ay hindi umimik. Nanatili lang na masama ang titig nito sa kaniyang ama.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
ActionNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio