Isang mahabang buntong hininga ang aking pinakawalan habang nakatitig sa bintana nitong sasakyan. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Habang palayo ako ng palayo sa Crimson City ay hindi ko mapigilang mag alala sa haharapin kong bagong hamon sa buhay ko bilang si Lord A.
Tumititig ako sa wrist watch kung suot. Pasado alas onse na ng umaga. Nakangiwi kong sinandal ang aking likuran sa inuupuan. Nakita kong napasulyap sa akin ang taxi driver. Bahagya kaming bumagal dahil sa traffic.
"Naiinip na kayo Boss?"tanong nito.
Umiling ako.
"Pasensya na kayo. Medyo matraffic talaga dito sa daang ito papuntang Magnium Guild."dagdag niya pa.
Nauunawaan ko ang bagay na iyon. Ayon sa natanggap kong report o ulat noon pa. Saksakan ng traffic sa Magnium Guild. Lalo na kapag nakapasok ka na sa lugar na yun. Sumisikip kasi ang mga kalsada dahil sa mga sasakyang naglipana na anytime ay pwedeng pwedeng makadaan.
Karamihan dito ay sasakyan ng mga mafiosong hindi kinikilala ng Top Famiglias. Hanggang ngayon kase ay hindi pa rin nasasakupan ng Top Famiglias ang Magnium Guild. Pero may naisip na akong plano para magkaroon ng apat na Warlords na magmumula roon. Bago pa ako ma-comatose ay nakaplano na yun. Sa ngayon ay may kailangan muna akong unahin.
"Saan po ba kayo sa Magnium Guild tutungo?"
Bahagya akong nagulat sa panibagong tanong ng driver. Naramdaman kong muli na kaming umandar at medyo humupa na ang traffic.
"Sa Horrizon Street ng Mackenzie City."sagot ko at inayos ng bahagya ang suot kong sumblero bago muling tumitig sa bintana nitong taxi.
Hindi naman na dumaldal ang driver kaya naging payapa ang byahe ko. Habang nanatili pa sa sasakyan ay muling bumalik aking isipan ang usapan ni Daddy nung tumawag siya kahapon.
"What?"gulat kong tanong.
"Para mapanatiling lihim ang tunay mong identity. Kailangan mong magpanggap na ordinaryong tao. Alalahanin mo. Nasa Magnium Guild ka. Kapag nalaman ng mga mafiosong nandun na ikaw si Lord A. Magiging sagabal ito sa misyon mong hanapin ang apo ni Mr.Buenza."
Agad kong naunawaan ang ibig niyang ipaunawa.
"Okay. Naiintindihan ko."tugon ko.
"Anak, kaya mo itong gawin. Nagawa mo ng magpapanggap sa mahabang panahon."
Napatango tango ako.
"Kaya ko."
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Magagawa mo rin siyang mahanap hindi ba?"
Napatango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.
"Of course, Dad. Bilang si Lord A. Lahat ay kaya kong gawin."kumpyansa kong sabi.
Napabuga ako ng hangin ng mapabalik ako sa reyalidad. Bago ako umalis sa mansyon kanina ay binilinan ko na ang mga tauhan ko sa dapat nilang gawin. Kabilang na si Kareshi at Claud. Pati na rin si Ace na sinabihan kong tawagan ako kapag nagka-problema siya.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
AçãoNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio