"Sigurado ka?"tanong ko.
"Oo naman. Tanong mo pa si Calix at Nickson. Talagang si Black Page ang nakita naming nurse mo noon."
Napailing ako sa narinig at mahinang napabuga ng hangin.
Napailing ako ng maalala ang conversation namin ni Ace kanina ng tawagan ko siya para itanong ang tungkol dun. Nagtataka kasi ako bakit kaboses ni Red yung babaeng naririnig ko nung panahong comatose pa ako.
Sabi niya. Si Black talaga yung nagpanggap na nurse at nagbabantay sa akin noon. So, iniisip ko baka siya yung kumakanta na yun. Pero ngayong narinig ko si Red ay naguguluhan ako.
"Uy!"malakas na tawag ni Hetti sa akin.
Napatuwid ako ng tayo ng mapagtantong nasa harapan ko na siya. Kasalukuyan akong nandito sa gilid ng lamesa kung saan nakapatong ang lahat-lahat ng handang pagkain ni Red ngayong gabi. Pati yung Cake niya na si Blue daw ang nag bake kanina.
Kanina lang ay kinantahan naming lahat si Red ng Happy birthday song na ideya ni Blue. Nakabusangot nga si Red dahil dami daw arte ni Blue. Wala naman siyang nagawa kaya sumunod lang siya.
Matapos nun, syempre kainan na at inuman. Pero ako biglang nawalan ng gana. Ewan ko ba.
"Nakatayo ka lang dyan. Bakit hindi ka pa kumakain?"tanong ni Hetti na may hawak ng plato.
Napangiwi ako ng makitang sobrang daming pagkain sa plato niya. Mukhang gutom siya.
"Wala akong gana."sagot ko at marahang pinadyak-padyak ang isang paa.
Nangangalay na ako dito sa pwesto ko. Gusto ko sanang sumalo sa magkakapatid dun sa gitna. Kaso huwag nalang.
Magkakatabi silang lima. Kasama si Craig at grupo nito. Dagdag pa si Gucchi. Nakapalibot sila sa isang mahabang lamesa at nagsisimula ng mag inuman.
Pansin ko nga na may tama na ng alak si Gray dahil kanina pa siya tawa ng tawa at namumula na ang mukha niya.
"Bakit naman? Sarap kayang kumain."
Peke akong natawa sa kanyang sinabi at sinulyapan sila Red. Naningkit ang mga mata ko ng makitang katabi na nito si Craig at nag uusap pa ang dalawa na hindi ko alam kung ano o tungkol saan dahil malayo ako sa kanila.
"Alam ko na kung bakit wala kang gana?"
Napatingin akong muli kay Hetti.
"Bakit?"
"Dahil kay Red, no?"
Napabuga ako ng hangin ng maalala ang ginawa ng babaeng yun sa regalo ko. Tinapon lang naman niya sa basaruhan.
Sa sobrang inis ko. Ayoko siyang kausapin. Nasayang ang pera ko. Kung alam ko lang na itatapon niya yun sana hindi ko na siya niregaluhan.
"Hindi niya na appreciate ang regalo ko."pagsusumbong ko na akala mo bata.
Napasimangot ako ng tumawa si Hetti. Inilapag niya sa lamesa ang hawak na plato. Nakita kong wala ng laman ito.
Ang takaw niya.
"Baliw ka kasi. Adik ka yata, eh. Magreregalo ka lang. Bra at Panty pa. Syempre na offend yun."
Bahagya akong natawa at kumamot sa tuktok ng ulo.
"Wala kasi akong maisip ibigay. Saka sayang ang pera kung gagastos ako ng sobra."dahilan ko.
Sa aming dalawa ni Ace. Ako yata ang mas kuripot.
BINABASA MO ANG
RETURN OF THE KING (COMPLETED)
ActionNamatay ako. Nabuhay muli. Ngayon humanda ka. Dahil ako'y magbabalik na. -Lord A. @Mafiosoakio