Chapter 1

15.4K 233 17
                                    

Chapter 1

Abala siya sa panunood ng isang Chinese drama nang pumasok sa silid ang Kuya niyang si Riley.

"Tsk. Nanonood ka na naman ng mga kabaduyang drama kaya ka tumatandang dalaga Ranna!" pangbubuska nito kaya humagkis ang matalim niyang tingin dito.

Pinindot niya ang pause button ng laptop at hinarap ang bwisit na Kuya niya.

"Excuse me, 27 lang ako. Matandang dalaga agad? At kaya hindi pa ko pumapasok sa relationship kasi itong mga Male lead dito ang preferred ko. Gwapo at loyal! Date to marry type, hindi tulad mo, date to many! Saka pwede ba kumatok ka pag papasok ka!" sita niya dito na ikinatawa lang nito.

"Uy amoy naiinggit ka kasi ako may lovelife, ikaw wala. Kaya ka ganyan, eh. Kita mo, sungit-sungit mo. Wala ka ng pinagkaiba sa Tita Cora nating masungit kasi matandang dalaga! Saka kumatok ako, malakas lang speaker mo at masiyado ka lang engrossed na engrossed diyan sa pinapanood mo, pairit-irit ka pa diyan."

"Eh, paki mo? Mas mabuti ng manood ako nito kaysa makipag-usap sa tulad mo."

"Aba! Swerte mo nga ako kapatid mo. Napapadikit ka sa gwapo!"

"Gwapo? Baka kulugo! Alis ka nga! Ano bang ginagawa mo dito?" itinulak-tulak pa niya ito.

"Aray! Teka, parang tigre 'to, oh. Ano hindi ka pa ba kakain? Kanina pa luto ang request mong caldereta, Madam!"

Natigilan siya sa pagtulak dito. The best ang caldereta nito. Madalas namimiss niya iyon dahil madalang naman itong umuwi, independent na kasi ito magmula nang magpatayo ng sariling negosiyo, sa isang condo unit na tumitira dahil mas malapit sa workplace nito. Umuuwi lang pag weekend para madalaw siya at ang Mama nila.

"Talaga?" napangiti siya.

Napabuga ito ng hangin at pinitik ang ilong niya.

"Aray!"

"Halika na, paalis ako kaya ikaw maghugas ng mga pagkakainan. Baba na, bilis!" utos nito at saka lumabas ng kwarto.

Napairap siya at pinatay muna ang laptop para bumaba at kumain.

"Balikan kita love!" parang timang na paalam pa niya sa pinapanood.

Panibagong 'boyrfriend' na naman niya iyon sa drama world. Bagong series, bagong jowa. Ganoon lagi. Doon na lang niya nararanasan kung paano ang magkajowa. Feeling niya siya ang female lead ng mga gwapong actors na bida sa mga series na pinapanood niya.

Hopeless na rin kasi siya dahil sa sitwasiyon niya. Kakapanood niya sa mga drama series, mapa-K-drama o Chinese drama ay tumaas tuloy ang standard niya. Hindi niya mapigilang ihulma sa characters ng mga ito ang dream guy niya. Kaya pag may nakikita siyang pangit sa mga nagkakamaling lumigaw sa kanya ay ligwak agad.

Sabi nga ng mga kaibigan niya, maiiwan talaga siyang mag-isa kapag hindi niya binabaan ang standards niya pagdating sa mga lalaki.

Pagbaba niya sa komedor ay naamoy niya kaagad ang pagkain na niluto ng Kuya niya. Sa pagmamadali niya ay hindi na niya napansin ang lalaking nakaupo sa salas sa sofa set nila.

Tinulungan niyang maghain ang Kuya niya.

"Si Mama pala di pa bumabalik?" naitanong niya sa Kuya habang naglalagay ng mga plato, kubyertos at kutsara.

"Wala pa. It's weekend. Alam mo na kung nasaan siya. Adik sa ballroom, kaya hindi mo mapupukaw pag kasama mga amiga niya. Hayaan mo na at least nakakapaglibang siya."

Dati ay may negosiyo silang buy and sell na mga kotse. Nakariwasa sila sa buhay dahil doon. Pero magmula nang mamatay ang ama nila 2 years ago sa sakit sa puso ay natigil na iyon. Sinubukang pang hawakan ng Mama nila ang negosiyong iyon pero hindi nito forte ang mga sasakyan.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon