Chapter 18

5.6K 178 7
                                    

Nauna akong lumabas ng kitchen bago sumunod si Yuan. Nang makabalik kami sa party na ginaganap sa maluwang na bakuran ng bahay namin ay napatingin ako sa kanya ng ipinaghila pa niya ko nang upuan.

Ngumiti siya kaya dali-dali akong naupo dahil baka makita pa kami ng Kuya ay magtaka iyon. Though gentleman naman talaga si Yuan, ever since. Iba lang kasi talaga ngayon sa feeling dahil may ginagawa kaming munting kababalaghan...

Naupo naman siya tabi ko. After that iced kiss parang mas na at ease na ko sa kanya. Yung tense ko mas naging more of excitement pag ganitong nasa tabi ko siya.

"Y-Yuan!" medyo tarantang tawag ko.

"Hmmm?"

Itinuro ko yung lips ko para masabi sa kanya na may konting lipstick siya sa labi.

"Kiss? Gusto mo pa?" kaswal na tanong niya kaya naloka ko. Bahagya ko siyang hinampas sa braso.

"M-May lipstick ka...here ikaw na magtanggal," inabot ko sa kanya ang hankie ko.

Hindi ko napansin kanina nung nasa kitchen kami dahil hindi talaga ko makatingin ng diretso sa kanya sa sobrang hiya.

"Dito?" tanong niya nang kunin ang panyo ko at ipunas sa gilid ng labi niya.

"Yeah right there..." napangiti nang sabi ko.

Kung makahalik naman kasi kanina parang mauubusan...

"I'll just wash this hankie when I get home..."

"Okay lang, para yan lang," tanggi ko at kinuha na ang hankie sa kanya.

Natigilan kami sa pag-uusap nang may tumayo sa harap namin.

"Yuan pare!"

Dalawang lalaki kasama ang Kuya ko. Mga bagong dating na visitors.

Parehas ko silang namukhaan. Mga barkada ni Kuya nung college.

"Ralph! Moises!" masiglang bati ni Yuan saka tumayo at nakipag-handshakes sa dalawa.

"Putsa namiss kita Pare! It's been a while!" ani Ralph at tinapik-tapik pa si Yuan.

Napangiti ako. Saya naman talaga pag nagkita-kita ulit ang barkada after long years...

"Wait...girlfriend mo?" turo sa'kin ni Moises.

Namula yata ako dun. GF daw ako ni Yuan? How I wish!

"Gagi! Si Ranna 'yan. Sister ko!" siko ni Kuya kay Moises.

Tinitigan ako ni Moises. Nailang ako kaya alanganin ang ngiti ko sa kanya.

"Woah. Is that really you Ranna? Yung cute na high schooler dati? Such a hottie..." pilyong ngumisi pa ito kaya gusto kong mapasimangot.

"Hey! Stop that. Off limits ka sa kanya. I know you!" siko ulit ni Kuya kay Moises kaya natawa ito.

Moises. Sa kanilang apat, siya yata yung medyo playboy, I remember nung gumawa sila ng project sa amin, naririnig ko na puro pangalan ng girls ang sinasabi niya. Matangkad din siya. Around 5'11". May pagkamestiso at medyo maangas talaga dating. Maybe that's his way to charm girls...

"At kung off limits siya? Baka pwede ako? You know me dude. Matino ako," pabiro ang himig ni Raphael.

Raphael or Ralph for short, siya yung athlete type ang dating. Moreno. Maappeal din. They're all good looking naman but for me si Yuan talaga pinakastand out.

"Masaya ka? Lahat kayo off limits!" seryosong ani Kuya kaya napatingin ako kay Yuan.

Napakurap ako nang lumingon siya sa'kin. Umiwas agad ako nang tingin dahil baka makahalata si Kuya.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon