Chapter 9

6.1K 160 13
                                    

Chapter 9

Tahimik akong nakatanaw sa daan habang nagmamaneho si Yuan. Binabagtas namin ang daan pauwi. Sabi ko nga sa kanya magtataxi na lang ako kasi sobrang dami ko ng hassle sa kanya pero ayaw niyang pumayag. Bahala nga siyang maging gwapong driver ko.

Ayaw ko nga siyang tingnan kasi nakita ko silang nagkiss ni Agatha nang magpaalam ang bruha na may pupuntahan. Pakiss-kiss pa, salya ko kaya siya ulit sa sahig pero personally na!

Lihim akong napailing. Wala naman akong karapatang mag-jelling-jelling. Si Agatha yung official girlfriend.

"A penny for your thoughts?" ani Yuan kaya bigla akong napalingon.

"Ha?"

"Lalim ng iniisip natin, ah? May problema ba?" casual niyang tanong at bahagya akong sinulyapan.

"W-Wala naman. Hangover lang siguro," dahilan ko na lang.

"Inuman mo ulit ng paracetamol o kaya black coffee. May ibibigay nga pala ko sa'yo, muntik ko na makalimutan," aniya at may dinukot sa bulsa ng pantaloon niya at inabot sa'kin.

"Keycard ba 'to?" tanong ko nang makitang kasing laki iyon ng isang ATM card.

"Uhuh..."

"Para sa'n? Reregalugahan mo ba ko ng condo?" biro ko na lang.

"Condo ko. You can have it para may access ka," nakangiting sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit niya gustong may access ako dun sa personal space niya?

"B-Bakit?"

"Nag-alala talaga ko sa'yo kagabi. Paano kung iba nakadampot sa'yo at ginawan ka pa ng kalokohan? Kaya kung gigimik ka next time at di mo na kayang umuwi sa inyo, dun ka sa condo ko magpalipas lalo na kung hindi kaagad kita masusundo. And please 'wag ka na ulit magpaka-wasted ng ganun. Pwede kang uminom pero magtira ka ng pang-uwi. Okay ba tayo dun?" condition niya na parang Kuya talaga.

"Ah...thank you. Don't worry hindi na ko uulit. Saka may kasama talaga ko kagabi kaya hindi ako worried eh, pero salamat dito. Super appreciated ko concern mo Kuya."

Sus. Ayun lang pala. For my safety. Akala ko kung ano na, eh. Sayang!

"Welcome," nakangiting aniya.

"Pero siguro hindi na kailangan nito kasi ayoko ng makaabala sa'yo, eh. Kaya hindi ko kukunin, 'to," iniumang ko ang keycard sa kanya para isoli.

"Keep it. Iba na panahon ngayon, you'll never know. A lovely Lady like you should never go alone in places like that."

"Eh, hindi na nga ako uulit. Saka may maganda bang mataba?" napasimangot na tanong ko. Naalala ko si Agatha at mga sinabi niya.

Bahagya pa kong nagulat nang ihinto niya ang sasakyan. Napansin kong nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

"Ah, nandito na pala tayo, thanks for the ride...bye," paalam ko habang kinakalas ang seatbelt pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa gwapo niyang mukha.

"Hindi porque mataba, hindi na maganda. You're just fine Ranna."

"Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako madown pero thank you. Pero let's just face it, mataba talaga ko. Overweight na nga, eh. Pero swear, hindi lifetime akong ganito. I just need a motivation to keep going..."

"What kind of motivation do you need? Baka pwedeng ako na gumawa?" malumanay na tanong niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

"Ano..." natense ako bigla at hindi makapagsalita ng maayos.

"Ranna. Don't feel less about yourself. Kanya-kanyang preference ang tao at para sa'kin maganda ka," nakangiting aniya at hinaplos ang ulo ko. Susko ginawa na naman akong bata. Pag ako humimas sa ulo mo down there lagot ka!

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon