Chapter 5

5.6K 143 5
                                    

Chapter 5

"Ano ng sabi?" usisa ni Nica nang ibaba niya ang phone.

"Dinner daw kami?"

"O ayan! Dinner pala eh? Bakit nakangiwi ka diyan? Chance mo ng humingi ng tulong."

"Parang mangungutang lang ako, ah?" naiiling na sabi niya at lumagok ng alak.

"Uulitin ko, ano bang gusto mo? Mahiya ka habang buhay o lunukin mo ‘yang pride mo at magkaroon ng anak? Malay mo naman kapag nagtsugtsugan na kayo, magkagustuhan na rin kayo, eh, di bongga!May baby ka na, may kasama pang Daddy. Malay mo ito ang way ni Lord para makilala mo si Mr. Right? Medyo challenging nga lang pero exciting pa rin!"

Napabuga siya ng hangin sabay lagok ulit. Di na niya alam kung pang-ilan ‘tong shot na ‘to pero parang nababawasan ang kaba niya kapag nilulukuban na siya ng espiritu ng alak.

"Diyahe talaga."

"Sira! Saka tigil-tigilan mo ‘yang pag-inom mo, paano mo masasabi gusto mo sa kanya kung di ka na makakausap ng matino?"

"Kailangan ko nga nito, pampakapal ng mukha. Natatandaan mo nung debut ko? Nakainom ako nun, tapos nasabihan ko yung pinsan kong maarte na nagsabing mas maganda yung gown ko kung siya nagsuot dahil mas sexy siya kaysa sa’kin?"

"Ay oo! Si Christine? Impaktang cousin mo sa father side. Hahaha! Natatandaan ko yun! Sobrang palaban mode mo nun, sinabihan mo siyang bad breath kaya mabaho din salitang lumalabas sa mouth niya. Pinahiya mo siya literal. Tapos umiyak. Di ko akalaing kaya mo gawin yun," natatawang pag-alala nito.

"Eh, kasi nga nakainom ako, parang ang lakas-lakas talaga ng loob ko nun."

"Then,..uminom ka pa! Waiter!" tawag nito para magpaserve pa ng drinks.

Uminom nga siya nang uminom. Natigil lang sila nang magring ang phone niya. Mukha ni Yuan ang nakaregister sa chat call.
Sinagot niya iyon.

"Hello?" bungad niya.

"Lapit na ko sa area, saan kita pupuntahan?"

"D-Dito sa restobar. Sa parking lot na lang tayo magkita. Magulo dito, eh."

"Sure. See you."

Ibinaba na niya ang tawag. Tumayo siya at hinagilap ang sling bag.

"Hoy! Dahan-dahan!" dali-daling tumayo si Nica dahil hindi siya makatayo ng tuwid.
Inalalayan siya nitong maglakad, nakakapit siya sa balikat nito.

"Parking tayo. Dun ako pupuntahan ng Daddy…"

"Bruhang ‘to! Ano’ng Daddy? Matagal ng patay si Tito, kilabutan ka!"

"Tanga naman nito. Future Daddy ng baby ko!" ngisi niya.

"Ah ‘yun! Linawin mo. Pero naks ha? Daddy na talaga?"

"Oo, mamaya magpiperform ako sa kanya."

"Ano’ng klaseng performance naman?"

"Sing and dance. Yung madali lang. Bubuka ang bulaklak papasok ang…hari…hihihi!" kinikilig na kanta niya kahit pa mahilo-hilo na siya.

"Ay talande! Pero exciting! Halika na! I-meet mo na si Daddy para lumabas na si baby!"

Nagkatawanan sila. Pasuray-suray pa rin siya nang makarating sila sa parking.

"O diyan ka muna! Nabibigatan ako sa’yo," reklamo nito at isinandal muna siya sa pader.

"Saan si Daddy?" namumungay ang matang tanong niya.

"Aba ma! Ay! Teka! Teka! Yung iPhone 15 Pro max kong 1TB fully paid, nakalimutan ko sa loob! O my God! O my God! Stay ka lang diyan!" tarantang nagtatakbo ito pabalik sa loob.

Hilong-hilo na talaga siya kaya hindi na siya nakasagot. Dumausdos siya para makaupo. Pumikit siya dahil umiikot ang paningin niya. Sumasakit na rin ang ulo niya. Mali yatang nagpakalango siya.

Paano na niya makakausap ng matino si Yuan kung ganitong wasted siya? Ah bahala na…

~*~*~*~*~*~

Napakunot noo si Yuan nang matanawan ng headlight ng kotse niya ang isang babaeng nakaupo at nakasandal sa pader habang papasok siya ng parking kung saan niya imimeet si Ranna.

Iginilid niya ang sasakyan. Nakayuko ang babae kaya hindi niya makilala dahil nakatabing din ang mahabang buhok nito sa mukha. Bumaba siya at marahang nilapitan ito.

Hindi masasabing taong kalye dahil maganda naman ang pananamit nito, makinis at maputi. Mukhang lasing lang. Kulang na lang ay humiga ito.

"Miss?" tawag niya. Baka kailangan nito ng tulong.

"Hmmm…" kumilos ang ulo nito patagilid kaya nahawi ang ilang hibla ng buhok nito.

"Ranna?" nanlalaki ang mga matang yumukod siya at hinawi ang buhok nito.

Si Ranna nga.

"Bakit ka naglasing? Are you okay?" nakaramdam ng pag-aalalang tanong niya.

Hindi ito sumagot. Napailing siya at marahang tinapik ang makinis na pisngi nito.

"Hey…wake up. Akala ko magdidinner tayo?"

Nang sabihin niya iyon ay bahagya nitong iminulat ang namumungay na mga mata dala ng kalasingan. Amoy na amoy niya sa hininga nito ang alak.

"K-Kuya Yuan?" tawag nito kaya nginitian niya ito.

"Yeah. It’s me. Come on, get up," hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalaga para tulungan itong tumayo.

"N-Nahihilo ko…" nakangiwing maktol nito at pinalis ang kamay niya.

Napakamot siya sa batok.

"Ang dami mo yatang nainom? Mahihilo ka talaga."

"Party! Party!"

"Wala ng party. Ubos na. Tara na," muli niyang tinangkang itayo ito pero mabigat ang katawan nito.

"Mamaya na please…nahihilo nga ako," sapo nito ang ulo at wala ng kahihiyang humiga sa lapag ng parking saka pumikit.

Mabilis niyang ibinaba ang dress nito dahil umangat hanggang kalahati ng hita iyon sa pagkilos nito.

"Hindi ka pwedeng matulog dito. Baka pagtripan ka ng kung sino. Doon ka sa unit ko."

Hindi ito sumagot. Mukhang doon talaga balak matulog.

Napailing siya. Muli niyang hinawakan ang isang kamay nito. Isinampay niya sa balikat niya saka niya iginawi ang isang kamay sa likuran ng hita nito at bumwelo sa pagtayo. He carried her like a princess.

Napamulat ito ng mga mata nang maramdamang umangat mula sa pagkakahiga.

"Stay put."

"Hmmm…" sumandal ito sa dibdib niya at muling pumikit.

Nasamyo ng ilong niya ang mabangong buhok nito. Bahagya siyang napangiti at napailing. Kailan pa ito naging pasaway?

Samantala ay nagtaka si Nikka nang makitang wala si Ranna sa pwesto nito kanina kung saan niya iniwan.

"Ranna? Ranna-" natigilan ang bading nang makitang buhat na ito ni Yuan.

Mabilis pa sa alas kwatrong yumukod si Nikka sa likuran ng isang kotseng nakapark para hindi siya makita ng lalaki. Nang maisakay ng binata si Ranna ay napangiti siya. Wala na siyang balak magpakita. Baka mapurnada pa ang plano nila.

Alam niyang safe si Ranna sa lalaki pero mas okay rin kung hindi, Char!

"Go couz! Isuko ang bataan para sa kinabukasan!" napapalakpak pa siya at saka bumalik sa loob ng bar para magcelebrate at manghunting na rin ng gwapong jojowain.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon