Chapter 22

5.4K 163 7
                                    

Chapter 22

Nakalubog ang katawan ko sa bathtub. It was Yuan who prepared me a hot bath. Naginhawaaan ang katawan kong parang ipinagbalibagan sa apat na sulok ng unit niya dahil sa pinaggagawa namin nang dumaang magdamag. My whole body is aching...

Para akong sirang napangiti. I can't believe that we actually did it. And it was wonderful.

Maghihintay na lang ako na magbunga iyon. Sana talaga magkababy kami.

Nang matapos akong maligo ay isinuot ko na ulit ang damit ko na nilabhan pa niya. Pati undies ko dinamay niya. Pero maiilang pa ba ko? It's just a piece of cloth. Higit pa doon ang nakita niya kagabi.

Napapangiti ako habang nagbibihis, ewan, this little gesture of him, washing my clothes...ang sweet lang.

Nang makapagbihis ako ay humarap ako sa salamin. Di ko alam kung guni-guni ko lang pero ngayon lang yata ako naging puyat na glowing. Pagpuyat ako, it's either nangangalumata or lukot na lukot mukha ko.

Pero ngayon iba. Para bang nagguglow ako with a very happy aura...

Ganun yata pag nadiligan. Charing...

Napalingon ako nang makarinig ng katok.

"Ranna, breakfast na tayo. Bihis ka na ba?" boses ni Yuan kaya dali-dali akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon.

"Come..." nakangiting aniya at hinawakan ako sa kamay.

Feeling ko magjowa na kami.

Iginiya niya ko sa dining table.

"Thanks..." napangiting sabi ko nang ipaghila pa niya ko ng upuan.

Aside from Dad nung alive pa siya, kay Yuan ko lang naramdaman yung princess treatment. Si Kuya ko kasi hinayupak, kung kailan paupo na ko, saka niya hihilahin, lagapak tuloy ako, hampas naman siya nang malala sa parents namin pag ganun.

Sinalinan ni Yuan ng coffee ang mug na inihain niya sa'kin pero natigilan siya.

"Bakit?"

"Maybe you should stop drinking coffee, starting today..."

"Ha? Bakit?" maang na tanong ko.

"It's not good for the baby."

Sumikdo ang puso ko sa sinabi niya.

"Hindi pa naman ako ano, eh..."

"We don't know that yet. Maybe as early as now, may baby na diyan. So we should be careful. Otherwise, masasayang performance ko kagabi..." nakakaloko ang ngiting kumindat pa siya sa'kin.

Shuta tong si Yuan. Halos mamilipit ako sa kilig sa sinabi niya.

"You're blushing sweetheart..." tukso niya pa kaya alam kong lalo akong nangamatis sa pula.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit nang magkabilang pisngi ko.

Ang pilyo pala niya...

"Heh!" irap ko para maipagpag ang hiyang nararamdaman ko. Natawa naman siya.

"Totoo naman yun. Diba yun talaga goal natin? A baby. So..."

"Oo na. Chocolate drink na lang. Ayoko namang masayang performance mo..." napabungisngis nang sabi ko.

"Okay rin performance mo kagabi. For a first timer? That's something-"

"Ahhh! Yuan! Please! Wag na nating pag-usapan!" napatakip ako sa tainga ko. Halos lumubog na ko sa hiya. Naalala ko kasi kung paano ako naging wild kagabi.

Lalo siyang natawa.

He pressed my chin.

"All right. All right, come on kain na tayo. Baka magtaka na talaga si Tita," aniya at ipinaglagay ako sa plato ko ng fried rice and bacon with omelette.

The Need For His Seed [SPG 18+]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon