Hindi ko mapigilang nakawan nang mga sulyap si Yuan habang nakatingin siya sa menu at naghahanap ng mauorder. Magkatapatan kami ng upuan.
To be this close with him...my heart skips a beat.
Nang tumunghay siya ay halos mapapitlag ako dahil baka nakahalata siyang tinititigan ko na pala siya.
"N-Nakapili ka na?" tanong ko na lang.
"Yeah. Uhm for the appetizer I'll have crispy chicken salad. And grilled salmon with loaded mashed potatoes for the main course," aniya.
"Mine is the same as yours sa appetizer but my main course is baby back ribs."
Nagkasundo rin kami na turtle pie ang dessert namin.
Nang makuha ng waiter ang orders namin ay saglit kaming iniwan nito at nag-iwan pa ng complimentary bread.
"The best talaga tong complimentary bread nila 'no?" sabi ko habang nginunguya 'yon.
Ngumiti siya at kumuha rin.
"Yung message mo pala kanina? Wrong send lang ba talaga?"
Bahagya akong natigilan sa pagnguya.
"Parang nababother ka talaga dun?" tatawa-tawang sabi ko na lang.
"Baka lang kasi nahiya ka magsabi kaya ka nag-unsend?"
"Basta wala yun..." pakipot ko.
"If you say so. Well just in case that you really need help, I'm just here..." seryosong aniya.
Napalunok ako. Nakakatempt nang sabihin.
"Yang help na sinasabi mo? Gaano kataas ang level ng willingness?" nanunubok na tanong ko.
"Financially. Emotionally. Mentally."
Napalunok ako.
He's serious.
"Well?" tanong pa niya nung hindi ako nakapagsalita.
"Ano kasi..."
"Hmmm?"
"Sige pero 'wag ka tatawa ah?"
"Pag problema hindi tinatawanan. Sinusolusyunan."
Dumating na order namin kaya saglit kaming natigil sa pag-uusap.
Saglit akong nag-isip kung paano ang approach na gagawin ko na hindi naman ako magmumukhang desperada at luka-luka.
Is it letter
A. Kuya anakan mo ko. One time lang.
or
B. Need lang. Walang malisya. But I need your seed.Ipinilig ko ang ulo ko. Sa gitna ng pagkain namin ay nagsalita rin ako.
"Medyo busy ako lately para ayusin ang future ko..." panimula ko.
"Nothing wrong about thinking of your future. Mas maganda nga sa tao pag may plano. So what are you up to these past few days? Para sa future mo?"
"Just hanging out..."
"Hanging out? Alone?"
"Dating."
Naibaba niya ang tinidor niya.
"Dating? O...okay ba siya?"
"Siya? You mean sila."
Bahagya itong napakunot noo.
"Multiple dates?"
"Oo. Di ba sabi nila collect and select?"
"Ranna...matitino ba yang mga dinidate mo? Alam ng Kuya mo? Ni Tita?" sunod-sunod na tanong niya.
"Shhhh. Quiet ka lang. Sa'yo ko nga lang 'to sinabi."
"You're doing this because you want to settle down?"
"Maybe...di na ko bumabata. Ang babae may expiration date."
"Out of pressure. Ranna, since I'm older than you, piece of advice. Don't rush things. Ang mga bagay na tulad nito pinag-iisipan. Babatukan ko talaga yang Kuya mo pag nagkita kami. Kakatawag niya sa'yo ng old maid yan ang effect sa'yo. Tsk. Tsk. Tsk."
Napailing at napapalatak na sabi niya.
"Don't do that. Oo may pressure pero generally wala naman siyang kinalaman dito. Dito rin naman talaga tayo papunta lahat diba?"
"Oo nga pero kilatisin mong mabuti. Baka mamaya loko makatapat mo."
Napanguso ako.
"Mga loko nga."
Kumunot lalo ang noo niya.
"May bumastos o nangharass sa'yo sa mga dinidate mo?"
"Wala naman. Kaya lang wala akong nagustuhan sa kanila. Kung hindi body shamer, dupang. As in ang selfish na ako lang pinagbayad nung date namin. Merong may anger issues at homophobic. Meron ding akala ko okay na pero hindi pala kami compatible. Sa bilyong tao dito sa mundo eh ang hirap pala talagang humanap ng para sa'yo 'no..."
Napayuko ako. Sa totoo lang as an introvert at heart, nakakapagod makipagmeet sa iba't-ibang tao.
"Hey..."
Nagulat pa ako nang maramdamang hinawakan ni Yuan ang baba ko para itunghay at magtama ang mga paningin namin.
"Cheer up. Hindi mo pa naman nameet lahat diba? Why don't you take a rest? Baka masiyado mong minamadali?"
"Kailangan ko talagang magmadali kasi may timer ako."
"What do you mean? Ano'ng timer?"
"Wala. Wag mo ng isipin. Eh teka puro ako ang topic. Ikaw naman. How are you and Agatha?" pilit kong pinasigla ang boses ko.
Natahimik siya at nag-iwas ng tingin.
"Uy...did I say something wrong? Hindi ka na sumagot. Okay lang naman kung ayaw mo sagutin."
Tumitig siya sa'kin na parang nag-aalangan pa na sumagot.
"She's fine."
"Fine? Okay siya. Pero okay naman kayo? Kayo pa rin?" paniniyak ko.
Sana hindi na.
"She's pregnant Ranna."
Nabitawan ko ang knife ko at napaawang ang mga labi. Parang nagsikip ang dibdib ko. Buntis na si Agatha? Magiging pamilya na sila once nanganak na ang babae.
At magiging binded na sila pag inaya na ito ni Yuan magpakasal. Siyempre pa, hindi malabong mangyari iyon dahil doon naman talaga papunta iyon.
Napakamalas ko naman talaga!
Hindi ko na pwedeng i-experience si Yuan at lalong hindi ko na siya pwedeng piliin na maging tatay ng anak ko!
_*_*_*_
Tomorrow ulit. Supposedly dapat kagabi to kaso napuyat ako manood sa concert ni Belle M. hahaha. Pero worth it ang pakilig nila ni Donny. Hahaha!
BINABASA MO ANG
The Need For His Seed [SPG 18+]
RomanceNang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi...