Chapter 11
"Hi. I'm Ranna," nakangiting kamay ko sa lalaking ika-ewan ko na kung pang-ilan ko ng kameet.
"Nice to meet you, I'm Raul, come on sit down," nakangiting paanyaya niya kaya naupo na nga kami sa resto na siya ang pumili. Disente naman ang lugar at bagong bukas lang daw iyon.
According to him, he's an Entrepreneur. Mukha siyang bad boy. Ahit ang kilay niya sa gilid. Maporma. He has a nice bod. In short...hot. Moreno siya, sakto lang ang tangos ng ilong, medyo big eye at medyo mahaba rin ang chin. Hindi pangit. Hindi rin naman super gwapo. Saks lang.
"Finally we meet."
"Oo nga, eh. After a week of talking online, here we are..."
"I must say you're much prettier in person," compliment niya.
Matamis ang dila. Sana totoo rin sa gawa.
"Thanks. Uhm...you too, you look good," nakangiting balik ko sa sinabi niya.
I guess hindi siya tumitingin sa physical appearance? Though I know I have a pretty face pero mukhang okay sa kanya na medyo plus size ako. Wala siyang comment. Kunsabagay nagpakatotoo naman ako sa kanya nung magkausap kami sa chat. The usual date, getting to know stage.
"Really? I've been there too, nice yung hot springs nila dun," sabi ko nang mabanggit niya yung mga favorite niyang lugar na pinagbabakasiyunan.
"I see, if free ka next weekend we could go there," paanyaya niya habang naghihiwa ng steak.
"The two of us?" medyo kinabahan ako.
"Yeah. Well kung hindi ka lang naman busy."
"Sige check natin sched ko, tapos i-update kita," safe na sagot ko at saka sumimsim ng juice.
I mean he's still a stranger to me. Di ako kumportable na sumama na lang basta sa kanya sa kung saan lalo na kung semi-private at kaming dalawa lang.
"Excuse me, Sir, here's your---ayyyy!"
Nanlaki ang mga mata ko nang matapilok ang waiter. Tumilapon ang dala nitong dessert na order ni Raul, sakto sa ulo nito. Kumayat ang malagkit na syrup. Sumeryoso ang mukha ng lalaki at hinarap ang waiter.
"Tanga ka ba?" sigaw ni Raul at kinuwelyuhan pa ito.
"S-Sir! Hindi ko sinasadya!" halos tumili ang waiter na lalaki, pero sa lakas ng tili niya sigurado akong bading siya kaya tumayo na ako para awatin si Raul.
"R-Raul, mukhang hindi naman sinasadya, I'll just help you to clean na lang, please let him go..." kimi ang ngiting sabi ko at hinawakan pa ang braso niyang mahigpit na nakahawak sa damit ng kawawang waiter.
"Oo nga po Sir, pasensiya na talaga..." parang maiiyak nasa takot ang waiter.
"Palibhasa bakla, eh! Mga salot!"
Nag-iba ang timpla ko sa sinabi niya. Hinampas ko na ang braso niya at hinila ang waiter palayo sa kanya. Gusto ko tuloy ipagpasalamat ngayon na pangheavy duty ang katawan ko dahil nailayo ko sa kanya ang waiter at nabitawan niya sa bigat ng kamay kong ipinanghampas sa kanya.
"He already said sorry na! Ano ba?"
"Kinakampihan mo yang tangang 'yan?" pulang-pula ang mukha ni Raul.
"Sir? Ma'am? May problema po ba?" apologetic na lumapit ang isang babae na mukhang manager.
"Itong waiter niyo ang tanga! See this? Siya ang may gawa niyan! Bakit tumatanggap kayo ng lampa at bakla?"
"Sir, I'm very sorry that this happened. We can-"
"You ruined my night! Puro kayo tanga!"
Napabuntong hininga ko sa asal ni Raul. May anger issue at homophobic pa ang bwisit. Paano ko na lang ipapakilala si Nica sa kanya as a family kung gusto kong seryosohin siya?
BINABASA MO ANG
The Need For His Seed [SPG 18+]
RomanceNang magpacheck up si Ranna sa Doctor dahil may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan ay may natuklasan siya. May sakit siya sa matres, she needs to go under hysterectomy surgery na makakaapekto sa kakayahan niyang maging Ina baling araw. Ang sabi...